"Salamat Che, ikaw na muna ang bahalang magsabi sa kanila na sa friday pa ko babalik ng Maynial" sabi niya sa assistant niya nang tawagan ito. Sinabi niyang nasa bakasyon pa siya, hindi lang niya sinabi kung nasaan siya, lalong, lalo na kung sinong kasama niya. Tiyak ma he-headline siya pag may nakaalam na kasama niya ang panganay na anak ni Mr. Mario Leonardo. Dahil na rin sa wala siyang magawa sa loob ng silid nag search-search na siya patungkol kay Marco Leonardo, kaya ayun napagalaman niyang isa nga itong pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Sa tingin nga niya na kay Marco na ang lahat, napakagwapo nito, paniguradong habulin ito ng babae, pero wala pa ni minsang pinakilalang girlfriend, o baka tinatago lang. Bukod pa sa mayaman ito at tagapagmana ng maraming negosyo, matalino din ito, dahil isa ito sa utak ng mga malalaking negosyo ng pamilya Leonardo.
Naisip nga niyang minsan unfair ang buhay, may mga swerte na talaga namang todo ang swerte. Meron din namang tulad niyang malas na sumobra naman sa pagkamalas. Iyon ang tingin niya sa sarili niya, malas dahil buong buhay niya hindi pa siya naging masaya. Puro lungkot at problema lang kinahaharap niya. Naisip nga niyang baka masamang tao siya sa unang buhay niya, kaya pinarurusaan siya ngayon ng ganito.
Madilim na ang buong paligid nang bumaba siya, nagtawag siya ng kasambahay pero mukhang wala na ang mga ito, mukhang mag isa na lang siya sa malaking bahay na ito. Nasaan na ba kasi si Marco gabi na bakit wala pa ito.
Mag isa na siyang nagkalkal ng kung anong makakakain sa ref, gutom na kasi siya, mukhang hindi na niya mahihintay pa si Marco, almusal lang ang kinain niya kanina kaya marahil gutom na gutom na siya. Kung ano na lang ang nakita niya sa loob ng ref iyon na ang kinain niya.
Habang kumakain tunog ng tunog ang cellphone niya, si Francis ang tumatawag, sa pagkakaalam niya nasa Maynila ngayon si Francis at marahil nais na naman siyang guluhin. Nagkita palang sila ni Hazel kanina, halos lamunin nga siya nito, isama pa ang abot langit na pagkasuklam nito sa kanya, kung insultuhin siya.
Hinayaan niyang ring ng ring ang cellphone niya, habang kumakain. Kahit naiirita at naiinis na sa pagtunog ng cellphone niya, nagawa pa rin niyang kumain ng kumain at balewalain ang tawag ni Francis.
"Sino ba ang tumatawag bakit hindi mo sagutin?"
Napapitlag pa siya nang may marinig na boses ng Lalake, nagulat pa siya nang makita si Marco. Bakit ba hindi niya narinig ang pagdating nito.
Kukunin na sana niya ang cellphone sa mesa nang maunahan siya ni Marco. Napakagat labi siya dahil tiyak na mababasa ni Marco kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Tinatawagan ka pa rin pala ni Francis, bakit ang sabi mo wala na kayo?" Matalim na tanong nito. Wala naman na talaga sila ni Francis, nagkataon lang na hubod ng kulit ang lalaking iyon at habol pa rin ito ng habol sa kanya.
"So, ibig bang sabihin nito totoo lahat ng sinabi ni Hazel na nalalagay sa alanganin ang kasal nila ni Francis dahil sa iyo!" Mariing akusa nito.
Nagulat siya sa nakita niyang galit sa mga mata ni Marco. Alam niya kaibigan nito si Hazel, pero ganoon na ba ito ka concern sa babaing iyon, para makuha nitong magalit sa kanya na hindi man pinakikinggan ang side niya.
"Sagutin mo ko Savannah!" Asik pa nito sa kanya at sinaklit siya sa braso, nalaglag pa ang hawak niyang kutsara sa sahig sa pagkabigla.
"Marco," sambit niya sa pangalan nito habang namimilipit siya sa sakit.
"Sabihin mo sa akin Savannah, babae ka nga ba ni Francis?" Mabalasik na tanong nito.
"Hindi," nakuha niyang sumagot sa kabila ng takot. Sunud-sunod na iling din ng ulo ang ginawa niya
"Liar," akusa nito.
Doon na siya nawalan ng pag asa na ipaliwanag ang side niya, dahil kahit naman totoo na ang sinasabi niya iisipin pa rin nitong nagsisinungaling siya. Sanay na siya sa ganyang scenario. Kaya paano pa siya magpapaliwanag, kung wala din naman maniniwala sa kanya.
Buong lakas niyang tinulak si Marco at nagawa naman niya. Nahablot rin niya rito ang cellphone niya.
"Huwag mo na kong tatanungin pa kung hindi ka rin naman maniniwala!" Asik niya kay Marco saka nagtatakbo palabas ng komedor. Pinagpasalamat niyang hindi na siya sinundan pa ni Marco.
Pagdating niya sa silid nag-iiyak siya, nasasaktan siya hindi pa man siya lubusang kilala ni Marco pero sinungaling na rin ang tingin nito sa kanya. Hindi naman siya sinungaling pero bakit walang naniniwala sa kanya? Dahil ba anak siya ng b*ld star? Ganoon na ba kababa ang tingin sa kanya ng lahat?
"Damn it!" Mura niya kung pwede nga lang umalis na siya sa bahay ni Marco ngayon gagawin niya. Kung may ibang mapupuntahan lang siya aalis na siya ngayong gabi, kesa patuloy siyang insultuhin nito.
"Savannah, open the door," tinig ni Marco sa labas ng pintuan.
Ano pa ba ang kailangan ng lalaking ito sa kanya? Ayaw naman nitong maniwala sa kanya, pinaniniwalaan naman nito si Hazel.
Dahil hindi naman niya bahay ito kaya wala siyang nagawa kundi pagbuksan niya ito ng pintuan.
"Bakit?" Tanong niya, hindi tinago ang inis.
"Tapusin mo na ang kinakain mo sa ibaba," sabi nito bahagya pa siyang nagulat.
"Hindi ka raw nag lunch kanina, maghapon ka daw hindi bumaba,' sabi pa nito.
"Pagod kasi ako kanina, gusto kong magpahinga," tugon niya.
"Sige na bumaba ka na roon, ituloy mo na ang pagkain mo, bukas na tayo mag usap tungkol kay Francis," sabi pa nito saka tumalikod na, lumakad na palayo sa kanya bago pa siya makapag salita muli.
"Kainis naman! Ano pa ba ang pag-uusapan nila tungkol kay Francis, eh si Hazel pa rin naman ang paniniwalaan niya kesa sa akin" maktol niya. Hindi naman niya alam talaga alam kung ano ba ang estado ng relasyon nina Francis at Hazel, bakit siya ang ginugulo? Bakit ang sariling buhay niya ang nagugulo, at nahuhusgaan pa ang pagkatao niya. Kung bakit naman kasi ang liit ng mundo para sa kanilang apat.
"Malas talaga ako kahit kailan."