Marco-9

2027 Words
"Nagkikita pa rin ba kayo ni Francis kahit alam mong malapit na siyang ikasal?" Tanong sa kanya ni Marco habang halos hindi na niya matuloy pa ang pagkain. Nakaupo lang siya at nakatingin ka Marco. Ayaw na niyang sumagot, tutal hindi naman ito maniniwala sa kanya, napapagod na siyang magpaliwanag ng magpaliwanag tapos sasabihan lang siyang sinungaling. "Ano ang sinabi sa iyo ni Hazel?" Balewalang tanong niya, para ipakita na wala na siyang pakialam sa ano mang issue nina Francis at Hazel. "Ikaw ang babaing dinadayo ni Francis sa maynila," walang ekspresyong sagot sa kanya ni Marco. "Dinadayo," tuya niya. "Marami namang ibang lalake diyan, bakit hindi mo pa hayaan si Francis at Hazel, ikakasal na ang dalawa, huwag ka na ring umasa pa na dahil sa isang katulad mo hindi itutuloy ni Francis ang pagpapakasal kay Hazel," litanya nito sa kanya. Nainsulto siya. Ganoon na rin ba kababa ang tingin nito sa kanya? Tinulak niya palayo ang platong nasa harapan, saka nagtaas ng mukha. Masyado na siyang minamaliit ng lalaking ito, as if naman nakilala na siya talaga nito. "Mr. Marco Leonardo, you don't know who I am," mariing sabi niya. Ngumisi ang lalake sa kanya na lalo niyang kinainis na para bang iniinsulto talaga siya nito. "Baka nakakalimutan mo Savannah na nasa modern world ka na, hindi mo na nga kailangan ng Private Imbestigator para malaman mo ang tungkol sa isang tao, lalo na isang famous model na kagaya mo, na nasa social media na ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyo," nakangising paliwanag nito sa kanya. "You mean, katulad ka rin nila na madaling maniwala sa kung ano ang nababasa sa social media, at naririnig sa ibang tao?" She asked and raised her chin with fraction. Masyado nang mababa ang tingin sa kanya ng lalaking ito. Well, siya man ay nag search ng patungkol kay Marco Lenardo kung sino ba talaga ito, wala naman siyang nabasang hindi maganda, halos lahat naman magaganda lalo na pagdating sa negosyo, sadyang wala lang siyang mabasa patungkol sa mga naging babae nito, maingat yata ito masyado, or magaling lang magtago. Sa itsura kasi ni Marco maraming babaing maghahabol rito, at nasisiguro niyang matakaw din ito sa babae. "Maybe naniwala ako dahil nakaharap kita," Marco answered sabay turo pa sa kanya. Kumunot ang noo niya at niyuko ang sarili. Well, aware siya na wala siyang suot na bra. "Look at you, you are not wearing a bra, habang nakikipagusap ka sa akin. I am man na hindi mo naman kilala, at nasa loob ka ng pamamahay ko. And also tayong dalawa lang ang andito," Marco said sabay turo pa sa may dibdib niya. "Easy, I trust you Marco," mabilis niyang sagot. "So lahat ba ng lalake pinagkakatiwalaan mo na kaya wala kang pakialam kung makita ka man ng halos hubad na?" Marco asked. "I trust you Marco because you save me," taas mukhang tugon niya. "Hindi porke niligtas kita, eh ligtas ka na talaga pati sa akin," sabi pa nito. Hindi na lang siya kumibo pa hindi naman tungkol sa bagay na iyon ang pinag-uusapan nila. "Tapos na kong kumain," sabi niya at akmang tatayo na nang mabilis siyang hinawakan sa braso ni Marco para pigilan. "Hey, ano ba," asik niya. Sinubukang bawiin ang braso rito. "Hindi pa tayo tapos mag usap tungkol kay Francis." "Ano pa ba ang sasabihin ko, hindi ka naman makikinig sa akin, paniniwalaan mo pa rin naman kung ano ang mga sinabi sa iyo ni Hazel!" Matapang na sagot niya. "You're right, but still, I want to hear your side kung bakit mo pa rin sinisiksik ang sarili mo kay Francis kahit alam mong nalalapit na silang ikasal ni Hazel!" "Hindi ko sinisiksik ang sarili ko!" Asik niya at pilit binabawi ang braso rito. "Bitiwan mo nga ako! Aalis na ko ngayon din, para hindi mo na lang ako problemahin pa!" Dagdag pa niya, at nang mabawi ang braso agad na siyang tumalikod, para umakyat na sa itaas. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Marco sa kanya. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko at aalis na ko! Uuwi na ko ng maynila!" "Paano ka naman uuwi?" "Kaya kong mag bus!" Hiyaw niya at nagtatakbo paakyat ng hagdan. "Hindi ka pwedeng bumalik ng Maynila Savannah!" Sigaw ni Marco. Binalewala niya ito at binilisan ang pag akyat. Kahit sumakay pa siya ng bus gagawin niya, para lang makabalik na ng maynila at kalimutan na ang bangungot na ito. Pagpasok niya nang silid agad niyang hinila ang bag niya at sinuksok na lang basta ang iba pa niyang gamit para makaalis na siya. "What the hell are you doing Savannah?" Mariing tanong ni Marco na sumunod pala sa kanya. "Aalis na ko ngayon din! Uuwi na ko sa maynila!" Asik niya na hindi man sinusulyapan ang lalake. "Hindi ka aalis ng bahay ko Savannah! Hindi ka pwedeng bumalik ng maynila hangga't hindi ko sinasabi!" Maotoridad na sabi sa kanya ni Marco. Natigilan siya at nilingon ito. "What?" She asked. "Hindi ka aalis! Hindi ka babalik ng maynila! Hindi ka makikipagkita kay Francis!" Igting pangang sabi sa kanya ni Marco, nasa mga mata nito ang galit. Nagtataka siya kung bakit galit na galit ito sa kanya, ganoon ba kahalaga rito si Hazel? "Hindi ako makikipagkita kay Francis!" Nagawa niyang sabihin. "Liar!" Akusa sa kanya ni Marco. Nasaktan siya. Nasasaktan siya sa tuwing may nagsasabi sa kanyang sinungaling siya. Hindi siya sinungaling. Bakit noong hindi pa dumadating si Hazel pinaniniwalaan siya ni Marco, bakit ngayon lahat na lang ng sabihin niya ay kasinungalingan para rito. "Alam mong nasa maynila ngayon si Francis kaya kating-kati kang makabalik ng maynila at makipagkita sa kanya!" Akusa nito. Iniling niya ang ulo. Wala siyang idea kung nasaan si Francis ngayon, wala din siyang pakialam pa, at lalong-lalong wala siyang balak na makipagkita pa sa lalaking iyon. "I am helping a friend. Malapit sa akin si Hazel, mga bata palang kame magkakilala na kami. Saksi ako sa bawat heartbreak niya, at ngayong malapit na siyang ikasal sa lalaking pinakamamahal niya, hindi ko hahayaan na may humadlang pa!" Mahabang litanya nito na sa galit na tinig. Walang salitang lumabas sa bibig niya, iling lang siya ng iling sa ulo, dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Isang linggong mananatili si Francis sa Maynila para sa mga business meetings nito, at susunod roon si Hazel. Hulog na rin ng langit na sa akin ka bumagsak nang gabing iyon, dahil mapipigilan kitang makabalik ng maynila para guluhin sina Francis at Hazel!" Patuloy nito. "Wala akong balak manggulo," nakuha niyang sabihin sa mahinang tinig na sakto lang umabot sa pandinig nito. "Wala nga ba?" Makamandag na tanong ni Marco sa kanya, saka ito humakbang palapit sa kinatatayuan niya. "Wala Marco, nagkakamali ka," nagawa niyang sabihin. Nagulat na lang siya nang biglang ablutin sa kanya ni Marco ang bag na hawak niya, at binuhos ang laman non sa sahig. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Saka nalipat kay Marco na yumuko para damputin ang cellphone niya at tinapon na lang basta sa sahig ang mamahalin niyang bag na pinaka-iingatan pa naman niya, dahil dugo't pawis ang binigay niya para lang mabili ang luxury bag na iyon, tapos basta lang itatapon ni Marco. "Habang nasa maynila sina Francis at Hazel, mabuti nang dito ka na muna, para hindi ka makapanggulo!" Sabi nito at ini off ang cellphone niya. "Hindi ako nanggugulo! Akin na ang cellphone ko!" Sigaw niya. "Para ano? Para matawagan si Francis at magpasundo ka sa kanya?" Marco asked. "No! Hindi ko gagawin iyon! Wala na kong pakialam pa kay Francis!" Hiyaw niya. Iyon naman ang totoo, niloko din naman siya ni Francis, nagpanggap lang ito sa kanya na mahal siya nito, pero ang totoo, nais lang siya nitong maikama, dahil kumakalat din sa trabaho niya na wala pa siyang naging nobyo kundi ito lang. Minsan sa date nila ni Francis tinanong siya ng walanghiyang lalake kung totoong ito nga daw ang una niyang nobyo. Naging honest lang naman siya sa walanghiyang iyon kaya sinagot niya ang totoo. Then he asked about her s*x life at naging honest lang din naman siya at sinabi na zero pa ang s*x life niya. Doon na nagsimula ang pamimilit sa kanya ni Francis na sumama sa condo nito o di kaya sa hotel, tumatanggi siya dahil sa dami ng tsismiss na hindi lang siya ang model na dine-date nito, isama pang iniinsulto din nito ang uri ng trabaho ng Mommy niya. Kaya naman nakipag hiwalay na lang siya, dahil ramdam niyang nakikipaglaro lang sa kanya si Francis at wala itong balak na seryosohin siya. Kinahihiya pa nga siya nito, hindi pinakikilala sa mga kaibigan. Madalas iniiwas siya nito pag may nakakalubong na kakilala ito, halata niyang kinahihiya siya ni Francis. "Huwag mo na kong lokohin pa! Sinabi sa akin ni Hazel na isa ka mga babae ni Francis na binabalik-balikan niya sa Maynila! And no doubt kaya kating-kati kang makabalik ng maynila para pagsilbihan ang tarantadong iyon!" Galit na sigaw nito. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ang tindi ng galit ni Marco sa kanya. "Why, Savannah? Magkano ba ang kinikita mo sa pag serbisyo mo kay Francis sa kama?" Tanong nito. Pinandilatan niya ito ng mata at umigkas ang isang kamay niya para sampalin ito, sa hindi niya matatanggap na pambabastos at pang-iinsulto sa pagkatayo niya. "Bastos ka!" Asik niya. Nahuli naman ni Marco ang braso niya bago pa man iyon dumapo sa pisngi ng lalake. Mahigpit nitong hinawakan ang braso niya, ramdam niyang bumabaon ang mga daliri nito sa balat niya. Napangiwi pa siya sa sakit, pero kailangan niyang tiisin. "Bakit Savannah? Masakit bang marinig ang katotohanan?" Tagis bagang na tanong pa nito sa kanya at lalong humigpit ang pagkakahawak sa braso niya. "Bitiwan mo ko! Wala kang alam! Hindi mo ko kilala!" Gigil na galit na sabi niya, na halos magbasagan na ang mga ngipin niya sa harapan. Nanginginig na ang buong katawan niya sa galit. Marami nang uminsulto at nambastos sa kanya, pero hindi pa siya nagalit ng ganito katindi sa galit na nararamdaman niya kay Marco. "Kilala kita Savannah Cortez, binibilad mo ang katawan mo sa tabloid para kumita ng pera para sa mga luho mo. Wala ka rin namang pinagka iba a nanay mo!" Insulto nito sa kanya. "Walanghiya ka!" Asik niya. Sinubukang sampalin ang lalake sa isang kamay, iyun nga lang naunahan na naman siya nito at nahuli ang braso niya. "Don't you dare Savannah! Hindi ako nagpapasampal sa isang mababang uri ng babae lang!" Mariing sabi nito at hinila pa siya nito palapit sa katawan nito. Bumunggo tuloy siya sa matigas nitong dibdib, habang hawak-hawak ang dalawa niyang kamay. "Bitiwan mo ko!" Sigaw niya. Wala itong karapatan na matain siya at insultuhin ng ganito na tila ba isa siyang maruming babae. "Oo binibilad ko ang katawan ko kung saan! Pero para sabihin ko sa iyo hindi ko kailanman binenta ang katawan ko kanino man!" Mariing sabi niya sa lalake na nakangisi sa kanya, sadyang pinakikita nito na ano man ang sabihin niya ay hindi ito maniniwala sa kanya, na siyang lalong nakakainsulto sa kanya. "Don't waste your time trying to explain your dirty job to me, Savannah. I wasn't born yesterday, matagal ko nang alam ang ganyang karuming gawain sa modelling, you can't fool me with your innocent eyes, Savannah!" Litanya nito habang nakatingin sa mga mata niya. Iniling niya ang ulo. Nagbuka ang bibig niya para sana depensaan ang sarili, ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya. Bigat na bigat na rin ang dibdib niya sa sama ng loob na nararamdaman niya ngayon kay Marco. "Isang linggo kang mananatili rito sa bahay ko! Ako ang magsasabi kung kailan ka makakabalik ng maynila! Huwag mong problemahin ang kitang mawawala sa iyo sa loob ng isang linggo, kaya kong doblehin iyon," litanya nito sa kanya, saka siya marahas na tinulak sa kama. Napahiga siya sa kama, pero mabilis siyang bumangon paupo. Masamang tingin ang pinukol kay Marco. "Be a good girl, Savannah huwag kang gagawa ng gulo. I am watching you!" Banta pa nito sa kanya bago ito humakbang palabas ng silid at iniwan siya sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD