“Hi–Hindi ko alam, Winston. Hindi ko talaga alam,” pagsisinungaling ko. “Fvck! Hindi mo alam samantalang dalawa lang kayo ni Jayson na pumasok dito sa opisina ko!” sigaw niya. “Wala talaga akong alam, Winston. At nakita mo naman siguro sa cctv na lumabas kami ni Jayson. May nakita ka bang hawak namin?” tanong ko, dahilan upang panliitan niya ako ng kanyang mga mata. “Oo, wala akong nakita. Pero, gusto kong pumatay ng tao sa nakita ko. Sabihin mo nga sa akin. Ba’t kailangan n’yo pang magpakita sa cctv na magkahalikan kayong dalawa ni Jayson? Para, makita ko?” gagad niya. “Ano ba talaga ikinagagalit mo? Ang pagkawala ng papeles mo, o dahil sa nakita mo sa cctv footage na magkahalikan kami ni Jayson?” matigas na tanong ko. “Galit na galit ako dahil sinasadyang punitin ang agreement p