“Honey?” untag ko nang pumasok si Jayson dito sa loob. “Did you get the agreement papers, Honey?” tanong nito. “Oo, heto na,” sambit ko. “Punitin mo na,” utos niya sa akin, kaya kabado akong pinunit ang mga ito. Lumapit ito sa akin at kinuha nito ang mga pinunit kong agreement papers at nilagay nito sa bulsa ng jacket niya. “Lumabas na tayo, Honey dahil baka bumalik na Uncle Winston mo rito,” kinakabahang saad ko. Hinila ko na siya palabas ng pinto nang opisina. “Um, wala bang nakakita sa ‘yo nang pumasok ka sa opisina?” tanong ko. “Wala naman siguro dahil busy silang lahat. Look, maraming kumakain dito, kaya lalong yumayaman ang Uncle Winston ko na dapat ay hatian niya kami. Tapos, siya pa ginawang ceo ng Lolo Henderson ko sa kompanyang pinaghirapan nila. Pero, makasarili siya