“Ay, ano ba ‘yan! Istorbo!” gagad ng babaeng kahalikan ni Winston nang mapansin ako ng mga ito. “Pa–Pasensya na ho, Ma’am. Hindi ko kasi alam na may bisita pala si Wi–Sir Winston,” depensa ko. Lumunok pa ako dahil ngayon ko lang napansin ang suot nitong luwa ang dibdib. Samahan pa na ang lapit ng mukha ni Winston doon. Nahiya tuloy ako sa 34b cup na size ng dëdé ko. “Iyan ba 'yong maid mo, Pumpkin? Hindi marunong kumatok?” gagad niya. “Yeah, siya nga. Um, Ms. Rodriguez, next time ay kumatok ka para walang masabi sa ‘yo si Chloe,” walang ganang ani Winston sa akin. “Sige ho, Sir,” saad ko. “Igawahan mo na lang kami ng meryenda dahil pagod kami ng pumpkin ko,” utos ni Chloe sa akin. Tumango lang ako at tinungo ko na ang kusina. Nilapag ko ang bag ko sa upuhan at inumpisahan ko