“Ri—Rida, anak ko,” narinig kong sambit ni tatay, kaya naman agad akong kumalas sa pagkayayakap kay Winston. Pinahid ko ang luha ko dahil ayaw rin ni tatay na makita kaming mga anak niya na umiiyak kami. Lumapit ako sa kanila at ginagap ko ang kanilang kamay. “Kumusta na pakiramdam ninyo, Itay?” tanong ko. “Medyo okay na ako, Anak. Kaya, huwag ka na masyadong mag–alala sa akin. At ikaw ba ‘yong naririnig kong umiiyak?” tanong din nila sa akin. “Hi–Hindi ho, Itay. Baka, utot ko lang ho narinig ninyo at hindi ho iyak,” pahayag ko para tumawa naman sila. “Ikaw talaga, Hija ay mapagbiro ka. Sino ‘yang kasama mong lalaki?” tanong pa nila sa akin. “Magandang gabi ho sa inyo, Sir,” ngiti na sambit ni Winston at nagmano siya kay tatay. “Gano’n din sa ‘yo, Hijo. Pero, huwag mo na akon