“Tinatanong kita, Ms. Rodriguez kung sino ‘yong ispiya na nabanggit mo,” muling tanong ni Winston sa akin. “Ispiya? Sinong ispiya? May nabanggit ba akong ispiya, Sir?” patay malisya na tanong ko rin sa kanya. “Tinatanong nga kita. Tapos, tinatanong mo rin ako,” gagad niya. “Narinig ko lang sa tabi ng kainuman ni Jayson ‘yong ispiya dahil sa pinanonood nilang movie,” pahayag ko. “Um, Honey, tawagan kita kapag nasa bahay na ako, ha. . . love you, HOney ko,” malambing na saad ko kay Jayson at pinatayan ko agad ito nang tawag para hindi na makahalata pa si Winston. “Mukhang nakaistorbo pa yata ako sa usapan ninyo ni Jayson. Saka, kanina’y nandito lang siya, pero kung maka–i love you ka naman, akala mo’y taon kayong hindi nagkita,” gagad ni Winston sa akin. “May masama ba kung mag–i l