“Huwag mo ‘kong takutin, Winston! Dahil alam ko namang hindi mo ‘yan gagawin, lalo na at pamangkin mo ang masasaktan. Kaya, mag–isip kang mabuti kung kalalabanin mo ang mismong pamangkin mo nang dahil lang sa akin,” mariin na sambit ko. “Do you believe that I can’t do that? Kayang–kaya kong gawin ‘yon dahil iyon ang gusto ko!” segunda niya. “Okay! Dahil gusto mo, then sige! Gawin mo lang kung ano’ng gusto mo, hanggang manawa ka,” irap ko. “Paandarin mo na ang sasakyan at gusto ko nang magpahinga,” sambit ko. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa kalsada, dahil ayaw ko na lang pansinin si Winston. “Kung iuwi kaya kita sa bahay ko at do’n ka na tumira,” narinig kong sambit niya. Tumingin ako sa kanya. “Kung ikaw kaya iuwi ko, tapos ikukulong kita sa kulungan ng mga manok.” “Puwede