“Na sa ‘yo naman ang desisyon kung igi–give up mo naman ako. Dahil kahit sabihin kung oo at ayaw mo naman ay wala akong magagawa,” pahayag ko. Bagama’t hindi siya sumagot, naramdaman ko naman ang mabibigat niyang paghinga. Naramdaman ko rin ang pagdampi niya ng halik sa aking batok. At lalo niyang hinigpitan ang pagkayayakap sa akin. Hinayaan ko lang siya. Hanggang makuha ko ang tulog ko. ALA–SAIS na nang magising ako dahil pakiramdam ko’y nakalapat ang labi ko kay Winston. Pero, wala naman siya sa tabi ko. Tinungo ko ang kusina at naabutan kong nagkakape ang mga kapatid ko. Nagmumog ako. “Si Sir Winston?” “Maagang umalis, Ate. Nagkape lang siya at nakipagkuwentuhan saglit sa ‘min,” imporma ni Randell. “Ginising n’yo sana ako,” saad ko. “Snow white ka, Ate dahil hindi ka m