“Jayson!” sambit ko at nilapitan ko ito. Putok ang labi nito, kaya pinukulan ko nang masamang tingin si Winston. “Anong ginawa mo sa kanya!” gagad ko. “Nakita mo naman ang pambabastos niya sa akin. Pero, alam ko naman na hindi ako ang kakampihan mo dahil boyfriend mo siya,” matigas na saad niya. “Kahit pa! Ikaw na dapat ang dumistansya sa kanya, dahil uncle ka niya at mas matanda ka sa kanya,” depensa ko. “Hindi na teen ager ‘yang boyfriend mo, Ms. Rodriguez, at lalong-lalong hindi grade school,” gagad niya at pumasok na siya sa loob. Narinig ko pa ang mga nagbabasagang vase, pero hindi ko na lang siya pinansin. May dumating naman na mobil ng mga guard. Kaya nagpatulong ako sa mga ito. “Dalhin po natin siya sa hospital,” sambit ko. Isinakay na ng mga ito si Jayson. Ni–dial ko