“Um, bumalik ka, Honey? Ma–May nakalimutan ka?” ngiti na tanong ko kay Jayson. Namamasa ang kamay ko dahil nararamdaman kong kaba. Baka, kasi magawi si Jayson sa kuwarto ko. “You forgot your flowers. Gusto ko kasi na katabi mo mga ito sa pagtulog mo,” sambit nito na ibinigay sa akin ang mga pulang bulaklak. “Um, tulog na ba mga kapatid mo?” tanong pa nito. “O–Oo. Alam mo naman mga kapatid ko. Bakasyon pa kaya sinasamantala nilang tatlo,” pahayag ko. “Tulog na sila. Baka, puwede tayo sa kuwarto mo, Honey,” ngisi na saad nito. “Na–Nasa kuwarto ko mga kapatid ko, Honey,” ngiti ko. “What! Kuwarto mo, pero tinutulugan nila?” untag nito. Mabilis itong nakalapit sa kuwarto ko, kaya kinabahan na naman ako. “Na–Nandiyan si Renzo at Reden. Si Randell naman ay nasa kuwarto,” pahayag k