“Mahuhuli tayo ng ex–girlfriend mo, Winston kaya roon ka na,” pagtataboy ko. “Who cares! And why are you so scared if someone sees us? Is it because my nephew is your boyfriend?” gagad niya. “Alam mo naman pala, ba’t nagtatanong ka pa?” segunda ko. “Ako lang naman ang nakakaalam na magjowa kayo, ‘di ba? Hindi ka pa niya naipakilala sa pamilya niya at sa buong pamilya namin, kaya may karapatan pa ‘ko, sa ‘yo lalo na at hindi pa naman kayo kasal,” mariin na sambit niya. “Hindi naman kaso sa akin ‘yong hindi pa ako kilala ng pamilya ninyo. Malay mo, someday, ‘di ba?” pagdedepensa ko kay Jayson. “So, talagang disidido ka na sa kanya, ganoon ba?” untag niya. “Sa tingin mo?” gagad ko. “Tsk!” asik niya. “Sige na, Winston, bumalik ka na sa ex mo, dahil baka susunod ‘yon dito. At sa