RIDA‘S POV “Pumpkin!” umiiyak na sambit ni Chloe at patakbo itong lumapit kay Winston. “Ang bastos ng maid mo na ‘yan, Pumpkin. Look, what she did to me,” maarte na saad nito at niyakap si Winston. “Magsorry ka sa kanya, Ms. Rodriguez,” matigas na utos ni Winston sa akin. “Wala ho akong kasalanan sa kanya, Sir kaya ba’t ako hihingi ng sorry,” segunda ko. “I’m your boss, Ms. Rodriguez. And Chloe is our customer. So apologize to her because it's still your fault,” maawtoridad na sambit ni Winston sa akin. Naikuyom ko ang kamay ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Lumunok muna ako. “Pasensya na ho kayo, Ma’am Chloe.” “Pasensya! Look what you did to my shiny shoes! Binasa mo, kaya punasan mo!” gagad nito sa akin. Bumunto–hininga ako. Kumuha ako ng tissue sa ibabaw ng mesa at p