KINAPALAN ko ang pagkakalagay ng lipstick ko kahit kalahating oras pa lang ang lumipas mula nang lagyan ko ito. Makailang ulit na rin akong tumingin sa salamin para makasigurado lang na maayos akong haharap ngayon kay Race Nobleza. Last minutes sinabi sa akin ng sekretarya ko na ang may ari ng Vel-Eir Enterprise ang makikipag-meeting sa akin kaya naman pinaghandaan ko ang pagkikita namin. “Walang marupok na Dina ang papatol kung sakaling yayain mong umiyot,” bulong ko. Lumabas ako ng banyo at muling bumalik sa table ko. Hihintayin ko na lang na tawagin ako ng sekretarya ko. Ilang sandali pa ay pumasok ang sekretarya ko sa loob ng opisina. “Ma’am Dina, nasa meeting room na si Mr Nobleza.” Tumango ako. “Magdala ka ng black coffee.” Tumango siya. “Yes, Ma’am.” Bago ako lumabas ng opis