PROLOGUE
“Dina!” sigaw ni Veronica.
Halos marinig na ng buong kaklase namin ang sigaw niya sa akin samantalang tatlong metro lang naman ang layo namin sa isa’t-isa.
“Ano? Saan may away?” sabay irap ko sa kanya.
Nilugay niya ang buhok niya at umupo siya ng naka-cross legs. “May chika ako sa iyo.”
“Ano iyon Aling Marites?”
Umarko ang kanang kilay ni Veronica. “Sinong Marites? May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?”
“Gaga! Ikaw si Aling Marites, ganyan ang tawag kapag chismosa. Hindi ka lang malandi chismosa ka pa.”
“Aray! Coming from you? Hello! Pareho lang tayong dalawang malandi.”
“Tse! Ikaw lang ‘yon? Ano ba ang chismis mo para makapag-review na ako.”
Halos idikit niya ang mukha niya sa akin. “Sikreto lang ito pero birthday ni Race Nobleza bukas at ngayon siya maghahanda pero konti lang ang invited sa birthday niya mga close friend lang niya kasi sa condo niya ang handaan.”
“Eh, ano naman pakialam ko sa kanya?”
“Sus, parang tunay na walang pakialam kay Race Nobleza, hindi ba’t type mo nga siya. Hindi mo lang masabi dahil bawal ang teacher at student na magkarelasyon.”
Hindi ko naman kayang panindigan ang pagtatago ko ng feelings para kay Race Nobleza dahil si Veronica ang kasama ko na magpapansin kay Sir Race.
“Teka, bakit Race lang ang tawag mo sa kanya?”
“Sus, tinatawag ko lang siyang Sir kapag nasa loob siya ng klase at ibang tao ang kausap ko. Apat na taon lang ang agwat niya sa akin kaya hindi ko siya feel na maging teacher, mas feel ko siyang maging tropa dahil type mo siya.” Kiniliti pa niya ako sa tagiliran.
“Tigilan mo ako Veronica. Huwag mo akong ibubuyo diyan kay Sir. Race. Ayokong magkaroon ng issue.”
“Okay, basta sasama tayo mamayang gabi. Don’t worry kasama natin si Joshua at Tomtom.”
“Ayoko, ikaw na lang mag-isa ang sumama.”
“No! Sasama tayo para naman magkatotoo ang pangarap kong madiligan ang sariwang bulaklak mo.” Sabay tawa niya.
Hinampas ko siya sa balikat. “Gaga! Puro ka kalokohan.”
“Joke, basta sama tayo pupunta ako sa condo mo mamaya.”
“Sige na nga!”
“Good girl.” Ngumiti pa siya.
Hindi na natahimik ang isip ko dahil nag-iisip ako ng regalo kay Sir. Race. Ngunit natapos na ang buong araw na klase namin ay hindi ako nakaisip na regalo para sa kanya.
Mukhang mas excited pa sa akin si Veronica dahil kumuha lang ito ng damit na susuotin niya sa bahay nila pagkatapos at dumiretso na siya sa condo ko. Doon na siya naligo at nagbihis
Nakasuot lang ako ng kulay apple green na crop top na blouse, maong shorts, white sneakers shoes. Pinatungan ko lang ng black jacket para may magagamit ako kapag nakaramdam ako ng lamig. Maliban sa lipstick at blush on wala na akong iba pang nilagay sa mukha ko.
“Let's go!” ani Veronica.
“Hindi ba tayo susunduin ni Joshua at Tomtom?”
“Huwag mo na asahang ang dalawang tukmol na iyon mukhang alak ang mga iyon. Alam mo bang kanina pa sila nandoon.” Sabay simangot ni Veronica.
“Let’s go! Umalis na nga tayo,” sabi ko.
Sumakay kaming dalawa ni Veronica sa kotse ko papunta sa condo ni Race.
“Sigurado ka na dito ang condo niya?” tanong ko kay Veronica. Sampung minuto lang kasi ang ginugol naming oras kasama bago kami nakarating.
Tumango siya. “Oo, ito na ngayon, tara nang pumasok sa loob.”
Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko habang papunta kami sa condo ni Race nasa third floor ang condo niya kaya sumakay pa kami ng elevator. Sana lang walang makita sa amin na tao nag-aaral sa school na pinapasukan namin.
“Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba?”
“Yeah, nahihiya ako parang gusto kong mag-back out.”
Hinila ako ni Veronica. “Nandito na tayo wala ng atrasan.”
Pinindot ni Veronica ang doorbell. Ilang segundo lang at bumukas na ito at bumungad sa amin si Race. Natulala ako nang makita ko siyang walang suot na damit pang itaas. Kita ng mga mata namin ang six packs abs niya.
Shit! Kanin please!
“Ang sarap naman ng pulutan namin. Race," biro ni Veronica.
“Ay, sorry! Nagluluto kasi ako ng pulutan mainit sa kitchen kaya naghubad ako ng damit. Tumingin siya sa akin. “Mabuti naman at sumama ka Dina.”
“Pinilit ako ni Veronica na sumama.” Sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
“Come in.” Niluwagan pa niya ang pagkakabukas ng pinto.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin si Joshua at Tomtom na harap na sila ng alak at may mga pagkain na rin sa harapan nila.
“Wow! Early birds ang mga tukmol. Hindi n’yo man lang tinulungan magluto ang birthday boy.
Umupo kami sa tabi nilang dalawa. Mabilis kong pinasadahan ang tingin ng condo ni Race. Malaki ang unit niya. Maluwag ang sala at napansin ko rin na may dalawang kuwarto siya.
"Natapos na kasi namin ang mga assignment kaya pumunta na kami rito," ani Tomtom.
"Ulol! Ikaw gumagawa ng assignment?"
Tumawa si Tomtom. "Gumagawa kami ng assignment dahil wala kaming girlfriend na gagawa para sa amin. Hindi katulad mo na lahat ng subjects may boyfriend na gumagawa ng assignments at projects."
Sinuklay ni Veronica. "Gano'n talaga kapag chikana maraming tsupapi."
"Kapal ng babae na ito," ani Tomtom.
“Dina, tulungan natin siya mag-asikaso ng mga handa niya mukhang hindi maayos ang mga pina-deliver niyang pagkain kaysa makipag-usap sa dalawang tukmol na 'to." Sabay irap niya.
Tumayo kaming dalawa ni Veronica. Malaki rin ang dining room niya at kitchen. Sa laki ng condo niya ay kasya na ang isang buong pamilya na may tatlong anak.
“Race, kami na ang mag-aayos ng mga ito,” ani Veronica. Tinuro niya ang mga pagkain sa lamesa at nakabalot.
Tumango siya. “Thank you.”
“Tulungan mo ako para alam mo na gagawin kapag naging mag-asawa na kayo.”
“Advance mag-isip.” Sabay irap ko sa kanya.
Nanunuot sa ilong ko ang pabango ni Race. Hindi ko lang kayang sabihin sa kanya na sobrang bango niya. Nakatapos na kaming kumain at nakapuwesto na kami para uminom ng alak.
“Race, kami lang ba ang bisita mo?” tanong ni Veronica.
“Yeah, ayokong mag-invite ng co-teacher ko baka kung anong isipin nila. May celebration naman sa school bukas and sa bahay namin.”
“Ang suwerte pala namin dahil special visitor kami dahil ba kay Dina ‘yan?” pilyang sabi ni Veronica.
Minsan nakakainis kasama si Veronica dahil masyado siyang straight to the point wala man lang pasakalye. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.
“Hindi naman para ito sa inyo. Dina, bakit ang tahimik mo?”
“Ha? W-Wala naman.” Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng alak. Nagpatuloy sila sa kuwentuhan habang ako ay parang ibang tao. Hindi ako nakikisali sa kuwentuhan nila. Magsasalita lang ako kapag tinatanong nila ako.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng gabi ay naramdaman ko na ang tama ng alak. Si Joshua at Tomtom ay nakahiga na sa sofa dahil sa kalasingan.
“Truth or dare tayo habang nagbabanlaw tayo ng beer.” Kinuha ni Veronica ang bote na walang laman at pinaikot iyon. Unang tumapat ang bote kay Veronica.
“My gosh sa akin tumapat ang bote laging truth ako ayoko ng dare.”
“Okay, may boyfriend ka na ba ngayon?” tanong ni Race.
Gusto kong matawa sa tanong ni Race. Hindi ba halata kay Veronica na may boyfriend siya?
Tumawa si Veronica. “Sir, mali ang tanong mo dapat ang tanong mo ay ilan ang boyfriend ko? At ang sagot ko ay marami akong boyfriend, kasing dami ng mga daliri ko sa kamay at paa.”
“Ngayon ko lang nalaman na playgirl ka pala?”
“Nope, generous lang.”
Muling pinaikot ni Veronica ang bote at tumapat iyon sa akin.”
“Ang dare ko sa iyo ay halikan mo si Race,” utos ni Veronica.
“Teka, dare agad walang truth?”
“Sa akin ang truth sa inyo puro Dare. Kiss mo na si Sir Race.” Nagtitili pa si Veronica.
Uminom muna ako ng beer saka tumayo at lumapit kay Race. Kung hindi ako lasing hindi ko kayang lumapit sa kanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko nang nasa harap niya ako.
Lumunok ako nang dumako ang mga mata ko sa labi niya. Bahala na si Tarzan.
Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa kanya nang halos isang pulgada na lang ay pumikit ako. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Bago pa dumikit ang labi namin ay nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko, at itulak palapit sa kanya. Inabot niya ang labi ko at siniil niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ako kumilos samantalang ang dila ni Race ay sinisikap na pumasok sa loob ng bibig ko. Parang sasabog ang puso ko sa lakas at ng t***k nito. Narinig kong tumili si Veronica.
Tinulak ko siya. “Sorry,” sabay balik ko sa inupuan ko. Sa sobrang intense ng naramdaman ko ay nai-straight kong inumin ang isang bote ng beer.
“Grabe! Kinilig ako!” sigaw ni Veronica.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Nasa labas si Cyndi at ang Daddy niya nagpasundo ako sa kanya.”
Tumayo ako. “Teka, sasama ako.”
Lumapit sa akin si Veronica. “Bakla, ano ka ba binigyan ko na nga kayo ng freedom aarte ka pa. Chance mo na ‘yan.”
“Pero—
Tinakpan ni Veronica ang bibig ko. “Mahal mo ‘di ba? Huwag mo ng pakawalan.” Humakbang siya palabas ng condo ni Race.
“Veronica!” tawag ko.
Huminto si Veronica at humarap sa akin. “Okay, sabihin mo sa akin ngayon kung ayaw mo siyang makasama at uuwi na tayo?”
Tumahimik ako. Gusto kong makasama si Race dahil pagkakataon ko ng makilala siya ng husto.
“See? Mahal mo nga siya, bye!”
Tinanaw ko na lang siya hanggang sa sumakay siya ng elevator. Bumalik ako sa condo ni Race. Naabutan ko siyang umiinom ng beer kahit mag-isa.
“Umalis na si Veronica?”
Tumango ako. “Yes?” umupo ako at kumuha ng beer.
Hindi na kami naglaro ng spin in the bottle sa halip ay inubos namin ang mga alak sa lamesa hanggang sa naramdaman ko ang pagkahilo kaya sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa.
Lumapit sa akin si Race at tinitigan niya ako. "Are you okay?"
Tumingala ako saka hinawakan ko ang mukha niya, pagkatapos ay siniil ko siya ng halik. Naging wild na ako ng malasing ako. Ang akala ko ay pipigilan ako ni Race pero tumugon siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Huminto lang kami nang halos maubusan na kami ng hangin sa baga.
Tinitigan ko siya. “I dare you to s*x with me.”
“Dina...”
“Ayaw mo? Okay uuwi na ako.” Tumayo ako pero dahil umiikot na ang paningin ko ay natumba ako. Mabuti na lang at nasalo ako ni Race. Humawak ako sa leeg niya at siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.
Pinaupo niya ako sa lamesa at hinalikan niya ako sa labi. Naging mapusok ang halik namin dahil sa tumugon ako sa kanya.
Nang huminto siya ay tinitiga niya ako. “Your wish is my command.” Binuhat niya ako at dinala sa kuwarto niya.