“Welcome back!” sigaw ni Veronica. Imbes na matuwa ako dahil sinalubong niya ako sa airport ay nainis ako sa tarpaulin na dala niya. “Tang ina naman, Veronica. Bakit may pa-tarpaulin ka pa?” inis kong tanong. Natatawang tiningnan ni Veronica ang tarpaulin. “Cute ka naman diyan.” “Gaga ka talaga! Okay na sanang may pa-tarpaulin ka. Bakit ganyan ang background ng picture ko, may ibon at mga ulap?” Tuluyan ng humalakhak ng malakas si Veronica. “Mukhang okay ka na, minumura mo na ako.” Tinupi niya ang tarpaulin. “Parang sa itsura ng tarpaulin mo gusto mo na akong makipag-date kay Lucifer.” Mas lalong tumawa ng malakas si Veronica. “Hindi naman.” Sumimangot ako. “Hays! Umuwi na nga tayo” “Let’s go!” Inakbayan niya ako at sumakay kami sa kotse. “Girl, huwag ka munang babalik sa condo