RACE’S POV “f**k!” Hinampas ko ang manibela ko nang sumakay ako sa kotse. Hindi ko nagawang kausapin ng maayos si Dina. Ang laki ng pinagbago niya mula nang bumalik siya galing Amerika. “Didn’t she miss me?” Hindi lang niya alam kung gaano ko siya na miss. Gusto ko siyang ikulong sa bisig ko at gusto kong maranasan muli ang tamis ng halik niya, na hindi ko kailangan pilitin. Pinaharurot ko ang sasakyan palayo sa condominium ni Dina. Habang nasa biyahe ako ay tumunog ang telepono ko. Nakita ko ang pangalan ni Atty Fajado. “Yes, Atty Fajardo?” “Itutuloy mo ba ang pagdedemanda kay Dina Monteverde at sa Eitire El Corporation?” Tumango ako. “Yes, Ipagpapatuloy ko ang pagdedemanda sa kanila.” “Okay, thank you.” Sabay putol niya ng tawag. Wala naman akong balak na kasuhan si Dina at ang