RACE'S POV
NAGISING ako sa tunog ng alarm ko sa phone ko. Pagbangon ko ay napansin kong natulog pala ako sa sofa.
"Oh! Damn! I slept at Dina's condo."
Tumayo ako upang umalis ngunit napansin ko ang table kung saan nakaupo kagabi si Dina. Lumapit ako doon. Nakita ko ang mga libro at notebook niya.
"Hmm.. marunong ka pa lang gumawa ng mga assignment mo." Tiningnan ko ang notebook niya sa subject ko. "Bakit wala siyang sagot sa assignment ko." Inis kong bulong.
Tanging ang subject ko lang ang wala siyang assignment. Magagalit na sana ako kung hindi ko napansin ang nakaipot na yellow pad sa libro. Kinuha ko iyon at binasa ko. Nakita ko ang sagot niya sa assignment ko. Nabasa ko rin ang plano niya sa dula na gagawin nila.
"Mabuti naman at marunong kang gumawa ng assignment ko."
Kakapalan ko na ang mukha ko para maghilamos at magkape. Aalis na sana ako ngunit naisip kong ipagluto siya ng almusal para pagpasok niya ay may laman ang tiyan niya. Nang matapos akong magluto ay nag-iwan ako ng note sa kanya.
"Geez! Bakit ko ba siya pinagluluto?" Hindi ko na siya hinintay na magising sa halip ay umalis na ako ng condo niya.
HINDI maipinta ang mukha ng nobya kong si Karen habang nakatingin sa akin. Alam ko ang dahilan kung bakit galit siya sa akin. Hindi ko siya sinipot sa date namin kagabi. Ang totoo pupunta sana ako sa date namin kagabi kung hindi ko lang nakita ang estudyante kong si Dina Montervede na nasa panganib. Kahit hindi ko gusto ang mga kaibigan at estudyante ko na 'yo. Hindi ko pa rin matiis na hindi siya tulungan.
"Good morning, Sweetie." Hahalikan ko sana siya sa pisngi ngunit umiwas siya sa akin.
"What's wrong?" tanong ko.
Nameywang siya. "What's wrong? Ikaw pa ang may ganang magtanong sa akin ng ganyan! Race, hindi ka sumipot kagabi sa date natin. Hanggang kailan mo ako paghihintayin at gagawin tanga, Race!"
Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at hindi pa gising si Lola dahil siguradong magagalit siya sa akin kapag nakita niyang nagagalit sa akin Karen.
"I'm sorry; I didn't mean to do it. Because of the sports event, there was an unexpected meeting at the school."
"I don't give a damn!" What benefited you by teaching at that school? You even spend more money than you make at that institution."
"I just want to try something new." You know how bored I am with the company right now."
"I told you to resign from teaching, Race. You are not required to teach at the school that your parents own."
Tama naman si Karen. May mas importante akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa ang pagtuturo. Nagkaroon lang talaga ako ng idea na magturo nang makita ko ang estudyante na si Dina na nag-aaral sa school na pag-aari ng magulang ko. Gusto ko lang sanang malaman kung anong kurso ang kinuha niya para madali ko siyang mahanap kung sakaling may mangyari masama sa lola ko, pero nang makita ko kung anong klaseng estudyante siya minabuti kong ituloy ang pagtuturo.
"Huwag na natin pagtalunan ang bagay na 'yan. Babawi na lang ako sa 'yo ngayon?"
Matalim niya akong tinitigan. Where did you sleep last night?"
"In my condo?
She frowned. "How come you slept in your condo? "Didn't your grandmother say not to leave the house?"
"I haven't been to my condo in ages. I came to visit. Is there a problem?"
"Malalaman ko rin kung nagsasabi ka ng totoo."
Nagkibit-balikat ako. "Okay, ikaw ang bahala." Nilampasan ko siya para kumain ng almusal.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
"Nagugutom na aka, puwede bang mamaya mo na ako kausapin. Nagmamadali ako dahil may klase pa ako mamayang alas-diyes ng umaga."
"Sinabi ko sa 'yo na mag-resign ka na sa pagtuturo!" sigaw niya.
Kuyom ang kamao ko. Napipikon na ako sa ugali ni Karen. Lahat na lang ng bawat galaw ko ay pinapansin niya. Hindi ko naman siya puwedeng hiwalayan dahil baka maging sanhi ng maagang pagkamatay ng lola ko. Matalik na kaibigan ng Lola ko ang Lola ni Karen. Hindi natuloy sa mga anak nila ang arranged married kaya sa aming mga apo nila gustong matupad.
Bumuntong-hininga ako."You can't tell me what to do, Karen. You have no right to interfere with what I want to do because we aren't married yet."
"Son of a b***h! Isusumbong kita kay Lola!" Tumalikod siya at nagmartsa palayo sa akin.
Huminga ako ng malalim. Ngayon pa lang, nakikita ko na ang magiging buhay ko kapag nagpakasal ako kay Karen. Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko si Dina.
"Kinain kaya niya ang niluto kong pagkain?"
"Race, bakit umiiyak si Karen?" tanong sa akin ni mommy.
Nasa harap ako ng salamin at inaayos ang kuwelyo ng polo ko. Pinuntahan ako ni mommy sa kuwarto ko.
"Gusto niya akong mag-resign sa pagtuturo."
"Bakit hindi mo gawin? Hindi mo naman kailangan magturo."
"Gusto kong magturo para magbigay ng magandang aral sa mga mag-aaral."
"Pagpapalit mo ang kumpanya mo para sa pagtuturo? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Mas marami kang oras na sinasayang sa pagtuturo kaysa sa kumpanya."
"Mom, nagagawa ko naman ang trabaho ko ng maayos kaya 'wag kayong mag-alala sa akin."
"Race, hindi mo kailangan maging professor."
"Next time na lang tayo mag-usap baka mahuli ako sa klase ko." Tumalikod ako at tuluyan na akong umalis.
"Race! Come back!"
Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni mommy sa halip ay sumakay ako ng kotse para pumunta sa university. Kalahating oras ang ginugol ko sa biyahe bago ako nakarating sa university.
"Good morning! Sir Race Nobleza!" bungad na bati sa aking ng principal ng university. Tanging siya lang ang nakakaalam na ako ang anak ng may ari ng university. Kahit nagdududa na ang ibang professor ay hindi kami umaamin.
Umupo ako sa sofa na naka-de-kwatro. "Nagagalit na ang mommy at girlfriend ko."
"Sir, sinabi ko naman sa 'yo na 'wag ka ng magturo. May bagong hired na tayong teachers na magtuturo sa mga subject na bakante."
"Okay, kunin na nila ang subjects ko sa ibang kurso."
"Hindi ka na magtuturo?"
Seryoso akong tumingin sa kanya. "Magtuturo pa rin ako pero sa isang kurso na lang."
"Yung hawak ba ni Mrs Manlangit ang tinutukoy mo?"
Tumango ako. Hindi ko lang masabi sa kanya na gusto kong bantayan ang mga estudyante doon.
"Hmmm… ang dami ngang mga pasaway doon, pero maraming matatalino sa klase na 'yon."
Tumango ako. "Kaya gusto kong doon mag-focus dahil sayang ang mga talino nila kung mapapariwa lang sila."
"Okay, Sir Nobleza."
"Huwag mong sasabihin sa magulang na binitawan ko ang ibang kurso na magturo."
Tumango siya. "Masusunod, mamaya ay kakausapin ko ang bagong teacher para sabihin sa kanila ang bagong oras nilang dalawa."
"Good." Sinandal ko ang likod ko sa dashboard at pinikit ko ang mga mata ko. May isang oras pa ako para magturo.
Hindi na ako muling kinausap ng principal sa halip ay hinayaan niya akong matulog. Nag-alarm naman ako para kung sakaling lumalim ang tulog. Hindi naman ibig sabihin pagmamay-ari namin ang school na ito ay kailangan ko ng maging pabaya. Bilang professor ako rito kailangan kong maging ehemplo ng mga mag-aaral dito.
"Sir Race!"
Lumingon ako nang marinig kong may tumatawag sa akin.
"Hello! Veronica."
Nakangiti siya ng lumapit sa akin. "Sir Race, may itatanong po sana ako sa 'yo?"
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Yes?"
"May crush ba kayo kay Dina?"
Tumawa ako ng malakas. "Anong kalokohan sinasabi mo?"
Napakamot sa ulo si Veronica. "Akala ko kasi may crush ka sa kanya. Anyway, mabuti naman at wala kang gusto sa kanya dahil may gustong manligaw sa kaibigan ko."
"Okay."
"Sige, Sir Race. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Tumalikod siya ay tumakbo palayo.
"What the hell? Ganito ba talaga ang mga college estudyante ngayon? Kung hindi gimik ang pinagkakaabalahan, love life. Hays! Hindi kami ganito noong nag-aral ako ng college." Niligpit ko ang mga gamit ko bago lumabas ng classroom nila. Ngunit bago ako lumabas ay napansin kong seryoso si Dina na nakatutok sa hawak niyang phone. Tila may ka-chat siya dahil hindi niya iaalis ang tingin niya.
Lumabas na ako at pumunta sa cafeteria para kumain. Mabuti na lang at sinamahan ako ng principal sa pagkain.
"Dina!"
Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ni Miss Monteverde. Ang kaibigan niyang si Veronica ang tumatawag sa kanya. Lumapit si Dina sa grupo ng mga kaibigan.
"Sino ang tinitingnan mo Sir Race?" tanong ng principal.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit pasimple akong tumitingin sa table nila.
"Bakit ang tagal mo?" boses ni Veronica.
"May tinapos pa ako."
"Sus! Feeling masipag mag-aral. Kumain ka na binili ka namin ng pagkain," wika ni Veronica.
Dahil tatlong table lang ang pagitan ng table namin ay naririnig ko ang malakas na boses ni Veronica at ang mga kaibigan niya. Ngunit ang naka-focus lang talaga ako kapag si Miss Montervede ang pinag-uusapan nila.
"Dina, alam mo bang may gustong manligaw sa 'yo?" wika ni Veronica.
"Gaga, 'wag mo akong idamay sa kalandian mo," sagot ni Dina.
"Totoo may gustong manligaw sa 'yo. Siya nga ang bumili ng pagkain mo."
"Ewan ko sa 'yo," saad ni Dina.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Dina. Pagkatapos bigla silang naghiyawan nang tumayo ang isang lalaki sa kabilang table na may hawak na pulang rosas. Dahil sa tilian ng mga kaibigan niya, lahat kami nakatingin sa kanila.
"Yiee! Si Dina, bilog na ang utot," biro ni Joshua.
Pulang-pula ang mukha ni Dina lalo nang tumayo sa harapan niya ang lalaki.
"Dina, red rose for you."
Hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa habang pinapanood ko sila.
"Sir Race… durog na yung fried chicken."
Hindi ko napansin kanina ko pa tinutusok ng tinidor ko ang fried chicken. Hindi ako kumibo sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagkain. Habang kumakain ako ay pasimple kong nakatingin sa kanila.
Fuck!
Hindi ko mapigilan ang mainis. Magkatabi na sa table ang manliligaw ni Dina habang kumakain sila. Walang tigil naman ang pagrereto ni Veronica sa kaibigan niya. Bigla akong tumayo sa sobrang inis.
"What happened?" tanong ng principal
"I-I'm sorry, may nakalimutan akong importanteng meeting, at ngayon ko lang naalala. Wala na naman akong klase kaya aalis na ako." Tumalikod ako at tulayang umalis.
Wala sana akong balak umalis ng school. Hindi ko lang talaga kayang panoorin si Dina at ang manliligaw niya. Nakakaramdam akong ng inis. Hindi ako umuwi ng bahay sa halip ay pumunta ako sa condo ng kaibigan ko.
"Hey! Long time no see?" Nakangiti si Benjie nang makita ako.
"Hello, Brad!" Tinapik ko siya sa balikat pagkatapos ay pumasok kami sa loob ng bahay niya. May live in partner si Benjie at hanggang ngayon ay wala pa rin siya g balak pakasalan ang babae.
"What do you want to drink?"
"Wala akong balak uminom ng alak sa katanghalian tapat."
Tumawa si Benjie. "Water gusto mo?"
Tumango ako. "Anong pagkain mo diyan?"
"Nagluto ang babae ko ng beef caldereta. Gusto mo bang kumain?"
"Yes, Please!"
Hindi ko natapos ang pagkain ko kanina dahil sa inis ko. Ngayon tuloy ako nakaramdam ng gutom.
"Anong dahilan bakit bigla kang pumunta sa bahay ko?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Nainis ako sa estudyante ko kanina."
Tumawa si Benjie "Seryoso ka pala sa sinabi mo sa akin na magtuturo ka sa school na pagmamay-ari ng pamilya mo."
Tumango ako. "Almost two weeks na akong nagtuturo."
"Oh, bakit ka naman naiinis sa estudyante mo?"
"Nakikipag-ligawan habang kumakain ng tanghalian. Nakakainis! Tuwang-tuwa pa siya ng bigyan siya ng bulaklak."
Tumawa si Benjie. "Parang hindi ka naman dumaan diyan. Natural na 'yan sa mga estudyante lalo na at mga college student na ang tinuturuan mo."
"Paano sila makakapagtapos kung love ang pagtutuunan nila ng pansin."
"Huwag mong sabihin nagseselos ka kaya ka ganyan? Hindi pa naman nalalayo ang edad mo sa mga estudyante mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Benjie. Nagseselos ba ako?
"Hindi ako nagseselos. Hindi ako magkakagusto sa estudyante ko."
"So, kung hindi ka nagseselos bakit ka nagagalit?"
"Ayoko lang masayang ang paghihirap ng magulang nila kung hindi sila makakatapos ng pag-aaral." Sabay simangot ko.
Nagkibit-balikat si Benjie. "Okay."
"Hindi ako nagseselos kaya 'wag kang tumingin sa akin ng ganyan," inis kong saad.
Tumawa si Benjie. "Kumain ka na lang para mawala ang galit mo. Sigurado kapag natikman mo ang luto ng babae ko. Makakalimutan mo ang galit mo."
Tumango ako at kumain. Totoo ang sinabi ni Benjie. Masarap ang luto ng partner niya. Ilang oras pa kaming nag-usap ni Benjie, bago ko naisipan na umalis.
"Salamat sa pagkain. Kailangan kong siputin si Karen. Hindi natuloy ang date namin kahapon."
"Goodluck sa date n'yong dalawa." Tinapik pa niya ang balikat ko.
"Thanks, Brad," sabi ko bago umalis.
Bago ko pinuntahan si Karen sa bahay nila ay bumili muna ako ng bulaklak at chocolate sa kanya para mawala ang galit niya sa akin. Hindi kami nakapag-usap ng maayos kanina dahil umalis na siya agad.
"Good evening, Tita!" bungad kong bati sa mommy ni Karen.
Ang tamis ng ngiti niya sa akin. "Mabuti naman at dumating ka na kanina pa malungkot ang anak ko."
"Nasaan po siya?"
"Nasa loob ng kuwarto niya puntahan mo siya."
"Puntahan ko lang siya." Tumalikod ako pumunta sa kuwarto ni Karen. Tatlong beses pa lang ang kumakatok ay bumukas na ang pinto.
"Hi! Sweetie, flowers and chocolate for you."
Sumimangot siya. "Ano 'yan peace offering?"
"Sorry kung hindi tayo nakapag-usap ng maayos kaninang umaga."
Tinanggap niya ang bulaklak at chocolate, pagkatapos inamoy niya ang bulaklak. "Magda-date ba tayo ngayon?"
Tumango ako. "Gusto kong bumawi sa 'yo."
Ngumiti si Karen. "I love you, Sweetie." Hinila niya ang batok ko pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Tumugon ako sa halik niya ngunit wala na akong nararamdaman init tulad ng dati. Huminto ako kaya sumimangot siya.
"Why?" irita niyang sagot.
Hinaplos ko ang mukha niya. "Kung magtutuloy tayo baka masayang ang pina-reserve ko sa restaurant."
Napawi ang inis niya. "Hintayin mo ako at magbibihis lang ako."
Tumango ako at lumabas ng kuwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko maipaliwanag bakit ako nakakaramdam ng pagkailang sa kanya.
Kalahating oras akong naghintay kay Karen na magbihis pagkatapos ay umalis na kaming dalawa. Habang papunta kami sa restaurant ay walang tigil si Karen sa pagkukwento sa akin tungkol sa pinag-usapan nila ng lola ko na kasal namin. Sinasang-ayunan ko na lang ang sinasabi niya para hindi siya magalit.
Pagdating namin sa loong resturant ay nagulat ako nang makita ko si Dina at kasama niya ang lalaki na nagbigay sa kanya ng bulaklak. Ang talim ng tingin ko sa kanya ng magkatitigan kaming dalawa.
"Sweetie, ang ganda naman dito." Nakangiti pa si Karen.
Tipid akong ngumiti. "Sinadya kong dito tayo mag-date para hindi ka magtampo sa akin."
Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi. "Thank you, Sweetie."
Eksakto naman paglingon ko sa table ni Dina ay nakatingin siya sa akin. Hindi tuloy ako makapag-focus ng maayos sa date namin.
"Are you okay?" tanong ni Karen.
Tumango ako. "Yes, let's eat."
Gusto ko ng matapos ang date namin para makausap ko si Dina. Mabuti na lang at hindi nahalata ni Karen na hindi maganda ang mood mo ko. Naging maayos ang date namin dalawa na hindi niya nahahalata na wala ako sa mood.
"Sweetie, 'wag mo na akong ihatid sa bahay."
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Susunduin ako ng bestfriend ko."
"Sino si Jerico?"
Tumango siya. "May birthday party kaming pupuntahan."
"Puwede ba akong sumama?"
Duda talaga ako sa kaibigan ni Karen. Kahit na nga alam kong bestfriend niya ito.
Umiling si Karen. "Sweetie, hindi mo gusto ang party na pupuntahan namin kaya siguradong hindi ka rin mag-enjoy. Huwag kang mag-alala i-update kita kung nakauwi na ako."
Huminga ako ng malalim. Kung hindi ko lang gustong sundan si Dina. Hindi ako papayag sa gusto niya.
"Okay, take care."
Ngumiti siya. "Thank you!" Sabay halik niya sa akin sa labi.
Hinintay kong dumating ang sundo ni Karen bago ako bumalik sa loob ng restaurant. Eksakto namang pagpasok ko ay lumabas naman si Dina at ang ka-date niya kaya lumabas na rin ako. Hinintay ko sumakay sa kotse si Dina bago ko siya sinundan hanggang sa condo niya.
"Anong kailangan mo Sir Race?" tanong niya nang buksan niya ang pinto.
Tumingin ako kay Dina. Biglang umurong ang dila ako at bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"M-May nakalimutan ako."
Nakataas ang kilay niyang nakatangin sa akin. "Are you sure?"
Tumango ako. "Yes. Can I come in?"
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto kaya pumasok ako sa loob. Pumunta ako sa sofa at kunwari may hinahanap.
"Ano ba kasi ang naiwan mo?"
"My key," alibi ko.
Sinilip ko pa ang ilalim ng sofa.
"Tulungan na kitang hanapin."
"Puwede bang pahingi ng malamig na tubig?"
"Okay."
Pagtalikod niya ay pasimple kong siniksik sa gilid ng sofa ang susi ko. Sinigurado kong hindi ako nakita sa cctv camera.
"Oh, ito na ang tubig mo. Nakita mo na ba ang susi na hinahanap mo?"
Tumango ako. "Yes, thank you."
"Puwede ka ng umalis."
"Boyfriend mo na ba ang ka-date mo kanina?"
Kumunot ang noo niya. "Kasali ba 'yan sa recitation ang tanong mo na 'yan, Sir?" sarkastiko niyang tanong.
"Okay, plus ten sa exam kung gusto mo."
"Luh, wala ka namang prelim exam dahil magsasadula kami 'di ba?"
Napakamot ako sa ulo. "Sorry, I forgot."
"Hindi ko siya boyfriend."
Tumango ako. "Good. Huwag ka munang maghanap ng boyfriend hanggat hindi ka nakakapagtapos ng pag-aaral."
"Alam mo, Sir Race, kung sesermunan mo naman ako 'wag muna kayo. Napagod ako sa school kanina at pagod ako sa pakikipag-date. Gusto ko ng matulog ng maaga."
Bumuntong-hininga ako. "Okay, good night."
Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay bigla niya akong tinawag.
"Sir Race!"
Humarap ako sa kanya. "Paano kung may gusto ako sa 'yo?"
Bigla akong natigilan at bumilis ang t***k ng puso ko.
"Joke lang! Huwag kang magalit. Sana lang mahalin ka ng girlfriend mo tulad ng pagmamahal mo."
"Wala akong panahon makipagbiruan sa 'yo." Tumalikod ako sa kanya at tuluyan na akong umalis.
Nang nakasakay na ako ng sasakyan ay muli kong inisip ang sinabi niya. "Paano kaya kung magkagusto siya sa akin or ako ang magkagusto sa kanya? Siguradong malaking problema dahil naka-arranged married ako kay Karen.