CHAPTER 7

2227 Words
"Ayan ka naman Veronica, kung saan-saan mo na naman ako sinasama. Nakakainis ka na!" inis kong sabi kay Veronica, habang nakasunod ako sa kanya papasok sa loob ng disco bar. Friday night ngayon at katatapos lang ng exam namin kaya napilitan akong sumama kay Veronica. Ang akala ko ay kakain lang kami sa isang restaurant. Sinabi niyang ililibre niya ako kaya sumama ako. Minsan lang manlibre ang Gaga kaya pumayag ako. Ang hindi ko alam ay disco bar pala ang bagsak namin. "Girl, 'wag ka ng magreklamo alam mo hindi ka naman magsisi dito dahil sobrang ganda rito at lahat ng mga pumupunta rito ay rich kid." May nguya pa itong bubble gum sa bibig habang nagsasalita. "Sana sinama natin sina Joshua at Tomtom para naman may kasama tayong mga lalaki baka malasing ka hindi kita kayang buhatin." Hindi ako pinakinggan ni Veronica sa halip ay tinawag niya ang isang waiter ng bar. Pagkatapos ay sumunod na si Veronica sa lalaki. "Oh, 'di ba nasa VIP table tayo. Safe tayo rito wala kang dapat alalahanin." Tinitigan ko si Veronica. "Sabihin mo nga sa akin may kasama ba tayo?" Ngumiti si Veronica. "Oo, kasama natin ang mahal ko." Kinikilig niyang sabi. "Ang dami mong mahal hindi ko na nga mabilang kung ilan." "Gaga! Mga kalandian ko lang sila. Isa lang ang mahal ko at si Lester 'yon. Kaya ikaw bruha! 'wag mong babanggitin kay Lester na marami akong boyfriend." "Siya ba 'yung sinasabi mong lalaki sa kabilang university." Tumango siya habang nakangiti. "Nagawan ko ng paraan para makasama ko siya." Bigla kong naalala 'yung ginawa namin noong isang araw na itulak ko siya nang dumaan ang sasakyan ng crush niya. "So, talagang sumakay ka sa kotse niya?" Kilig na kilig na tumango si Veronica. "Nag-torrid kiss na kami." Nagtitili siya sa kilig. "Ang landi mo naman." "Sus, parang hindi ka nakikipaghalikan kay Sir Race." "Tumahimik ka nga baka may makarinig sa 'yo." "Ang sarap humalik ni Lester nanghihigop… feeling ko nga pati kaluluwa ko nahigop niya." "Gaga! Puro ka kalandian." "Basta mamaya kapag hindi na ako makatayo sa kalasingan hayaan mo na ako kay Lester. Ikaw, umuwi na mag-isa kaya 'wag kang magpapakalasing." Umiling ako. "Grabe na kalandian mo." "Kay Lester lang ako malandi, alam mo naman bet ko talaga siya." "Bahala ka sa buhay mo." Nang dumating ang order ni Veronica ay namulutan muna kami at paunti-unti kaming uminom ng alak. Mamaya na raw kami iinom kapag dumating si Lester. "Veronica, punta lang ako comfort room." "Ingat baka makakita ka ng pakalat-kalat na u10." Sabay tawa ni Veronica. "Tang ina mo talaga!" sabi ko bago umalis. Tinawanan lang ako ni Veronica. Hindi naman siya nagagalit kahit murahin siya kasi sanay na siya sa amin magkakaibigan. Papasok pa lang ako sa loob ng comfort room nang makita ko ang girlfriend ni Sir Race na may kasamang lalaki. Lumabas ito ng men's comfort room. "Abah! May kalandian din taglay ang girlfriend ni Sir Race." Feeling ko umurong ang ihi ko sa nakita ko. Sinundan ko sila hanggang sa malaman kong halos magkalapit lang ang table namin sa table nilang dalawa. Kitang-kita ko kung paano makipaghalikan ang girlfriend ni Sir Race sa lalaki. "Hoy! Anong tinitingnan mo?" tanong ni Veronica. "Nakikita mo ba 'yung babae na 'yon na nakasuot na kulay pulang damit?" "Yung babae na may ka laplapan?" Tumango ako. "Girlfriend siya ni Sir Race." Nanlaki ang mga mata ni Veronica. "OMG! Totoo ba? Sandali titingnan ko kung siya." "Hoy! Gaga! Saan ka pupunta!" Hinila ko siya pabalik. "Titigan ko kung siya." "Tanga mo! Huwag kang pahalata." "Oo, hindi ako papahalata kukuhan ko ng video. Ang kire ng girlfriend ni Sir Race. Kung makipaglampungan parang akala mo bahay niya itong disco bar," sagot ni Veronica. Tumingin ako kay Veronica. "Sus! Inggit ka lang." "Tse! Mamaya baka ikaw ang maiingit kasi may ka laplapan ako mamaya," sagot ni Veronica. Inirapan ko siya. "Landi mo!" Sinuklay niya ang buhok niya sabay finger-fuckin sign sa akin. Natawa ako sa ginawa niya. "Bruha talaga! Hinabol ko ng tingin si Veronica. Ang Gaga. Umupo sa katabing table ng girlfriend ni sir Race at naki-shot pa sa mga lalaking naka-table. "Bilib talaga ako sa kakapalan ng mukha ng Bruha na 'to." Pasimpleng tiningnan ni Veronica at kinukuhan ng video. Pagkalipas ng kinse minutos at tumayo siya at bumalik sa table namin. "Totoo nga! Ang landi ng ng girlfriend ni Sir Race. Kawawa naman si Sir, masyadong loyal sa girlfriend hindi niya alam kung kaninong lalaki siya bumukaka," sagot ni Veronica. "Grabe ka naman! Nakita mo lang naman na may kahalikan hindi mo naman nakitang nakikipagtalik. Ang bibig mo talaga walang preno." "Girl, naamoy ko ang hasang niya. Hmm… amoy siya parang nabubulok na hasang. Kaya kung ako sa 'yo ilayo mo si Sir Race sa girlfriend niya." "Luh! Bakit ako?" "Dina, alam ko naman may gusto kay Sir Race, ayaw mo lang aminin." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala akong gusto sa kanya." "Hindi ka makikipaglaplapan sa kanya kung hindi mo siya gusto." Tumahimik ako. Hindi talaga ako makapagsinungalaling sa bruha kong kaibigan. "See, ilayo mo siya sa girlfriend niya." "Anong gagawin ko?" "Sus! Naman! Kailangan pa bang itanong 'yan? Landiin mo siya." "Wow! Ang galing magpayo sa akin papunta sa kasalanan." Nagsalin ng alak si Veronica. "Hindi 'yan kasalanan gagawin mo. Inilayo mo lang siya sa tao na hindi karapat-dapat sa kanya. Deserve ni Sir Race na makakain ng pempem na amoy vanila hindi amoy imburnal." Umikot ang eyeballs ko sa sinabi ni Veronica. "Kapag talaga kausap mo si Veronica. Ikaw na ang mahihiya sa sobrang taklesa magsalita." "Okay, sige." "Gawin mo na sa monday. Akitin mo si Sir Race, pakita mong kaakit-akit ka," sagot ni Veronica. Magsasalita pa sana ako ngunit biglang dumating ang boylet ni Veronica. "Hi! Lester!" mahinhin na sabi ni Veronica. Parang nasapian ng anghel si Veronica dahil naging mahinhin, at maging pagtawa niya ay sobrang hinhin na rin. "Ikaw si Dina?" saad ni Lester. Ngumiti ako. "Yes." Pasimple kong pinagmasdan si Lester. Kaya naman pala sobrang baliw si Veronica kay Lester. Talagang guwapo at ang lakas ng s*x appeal. Talagang mapapalingon ka sa kanya ng paulit-ulit. Napansin ako ni Veronica na nakatingin kay Lester kaya pinanlakihan niya ako ng mata. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng text kay Veronica. Gaga! Isda ko 'yan 'wag ka ng makisali. Kaya kong lunukin 'to ng mag-isa. — Veronica. Tumawa akong malakas sa text niya. Nag-reply ako sa kanya. Saksak mo sa pechay mo hindi ko siya type. Nakita kong tumayo ang girlfriend ni Sir Race kaya tumayo ako para sundan sila. Nakita kong pumasok ang girlfriend ni Sir Race sa itim na kotse kasama ang lalaki pagkatapos naghalikan sila. Bahagyang bukas ang bintana kaya nakita ko sila. "Miss Monterverde?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Race. Kapag lumapit siya sa akin ay siguradong makikita niya ang girlfriend niya. Sinalubong ko siya at hinila ko ang braso niya saka siniil ko ng halik. Shit! Bakit ko ba ito ginawa? Sa kagustuhan kong hindi niya mahuli ang girlfriend niya ay hinalikan ko siya. Nilayo ni Sir Race ang labi niya. "What's wrong with you?" "Ha?" Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya. "Are you drunk?" "R-Race…" Nagpanggap akong hinimatay. "Miss Monterverde!" Binuhat niya ako at dinala sa loob ng kotse niya. OMG! Anong gagawin ko! Nilalamig na ako sa loob ng kotse niya. Narinig ko siyang kausap si Veronica kaya siguradong pinagtabuyan ako ni Veronica, para masolo ako ni Sir Race. "Okay, ihahatid ko siya sa condo niya," saad ni Sir Race, pagkatapos ay pinutol niya ang tawag. Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Hays! Inom nang inom hindi naman kaya." Parang gusto kong idilat ang mga mata ko. Nakakainis kasi siya kahit tulog na nga sermon pa rin ang inabot ko. Kung hindi ko ginawa ito sana humahagulgol ka sa iyak ngayon dahil ang girlfriend mo pinapakpak ng iba. Nagpatugtog ng musika si Sir Race habang nasa biyahe kaya ang pagpapanggap na ginawa ko ay nauwi sa totoong tulog. NAALIMPUNGATAN ako nang naramdaman kong dumikit ang katawan ko sa malambot na kama. "Nasa loob na ako ng kuwarto ko." Naamoy ko na kasi ang pabcon na ginamit ko sa kobre kama ko at unan. "Ano bang gagawin ko sa 'yo? Hindi naman kita puwedeng bihisan ng damit?" Dahil antok na talaga ako kaya wala na akong pakialam kay Sir Race. "Bukas na lang tayo mag-usap." Nagising ako dahil naramdaman kong ang vibrate ng phone ko. Kinapa ko iyon at nakita ko ang mga text ni Veronica. Napansin kong alas-onse na ng umaga. Bumangon ako. "Hays! Tanghali na pala." Kinuha ko ang towel para maghilamos at mag-toothbrush, pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto. "Ay! Kalabaw!" sigaw ko sa labis na pagkagulat. "Gising ka na pala." Umiwas ako ng tingin kay Sir Race. Wala kasi siyang suot na pang-itaas at boxer shorts lang ang suot niya. Galing naman ako sa malamig na pakiramdam dahil may aircon ang kuwarto ko pero biglang nag-init ang pakiramdam ko sa nakita ko. "G-Good morning." "Pinagluto kita ng almusal akala ko magigising ka ng maaga." "Sorry, puyat ako kagabi." "Mabuti na lang at ako ang nakabangga mo kagabi paano kung ibang tao? Baka kung anong nangyari sa 'yo. Hays! Ayan na naman siya. Tumingin ako sa kanya. "Gusto mo ba ako?" Kumunot ang noo niya. "Ano?" "Sir Race, kung gusto mo ako." "What? Anong kalokohan ang sinasabi mo?" Huminga ako ng malalim. "I like you, Sir Race." Kumuha ako ng lakas ng loob para lumapit sa kanya. Halos dalawang dangkal na lang ang pagitan ng labi naming dalawa. "Gusto kita, Sir Race." Hinawakan ko ang batok niya at hinalikan ko siya. Hindi siya tumutol pero sa ginawa ko pero mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin. "May hangover ka pa siguro kaya kung ano-ano ang sinasabi mo." Sabay layo niya sa akin. "Hindi naman nagkakalayo ang edad natin dalawa. Imposible naman na hindi mo ako magustuhan." "Ganyan na ba ang mga babae ngayon?" "Depende sa babae, pero ako ganito na ako lalo na kung gusto ko ang isang lalaki. Swerte mo dahil ikaw ang nagustuhan ko." "Miss Monteverde 'wag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa bugso ng damdamin." "Tawagin mo akong Dina, maikli lang ang pangalan ko bakit hindi mo kayang bigkasin?" "I'm sorry, Miss Monteverde, but I'm loyal to my girlfriend." Tumawa ako. "Loyal? Kung loyal ka bakit mo ako ninakawan ng halik? Sir Race, alam kong gusto mo rin ako." Umiling si Sir Race saka kinuha ang damit at nagbihis siya. Bigla umurong dila ko kaya pinanood ko na lang siya sa ginawa niya. Ang hirap pa lang magpangap. "Mag-focus ka sa pag-aaral hindi sa nararamdaman mo Miss Monteverde," anito bago tuluyang lumabas. "Sir Race!" Huminto siya pero hindi lumingon sa akin. "Tandaan mo itong sasabihin ko sa iyo. Balang araw ikaw ang hahabol sa akin." Lumingon siya sa akin. "In your dreams." Naglakad siya palabas ng condo ko. "s**t! Anong pinagsasabi ko sa kanya nakakahiya!" Nilamukos ko ang mukha ko sa inis. Mas lalo pa akong nahiya dahil habang kumakain ako ng luto niyang pagkain ay pinanood ko ang cctv na nangyari kagabi. "Ang landi mo, Dina!" Nang sumapit ang hapon ay pinuntahan ako ni Veronica sa condo ko. May dala pa siyang pagkain. "Kasalanan mo 'to Veronica, hindi ko na tuloy kayang humarap kay Sir Race sa monday." "Luh! Bakit ako ang sinisisi mo? Malay ko bang susundin mo ang sinabi ko sa 'yo?" Sabay inom niya ng milk tea. "Hays! Siguradong iniisip niya na cheap akong babae." "Hindi 'yan, sigurado ngayon naguguluhan na siya dahil alam niyang may gusto ka sa kanya." "Hindi niya ako gusto." Ngumiti si Veronica. "Gusto mo bang malaman kung wala siyang gusto sa 'yo?" Kumunot ang noo ko. "Paano?" "Pagseselosin natin si Sir Race para malaman natin kung wala siyang gusto sa 'yo." "Gaga! Hindi siya magseselos dahil wala naman siyang pagseselosan." "Dina, may nagkakagusto sa 'yo sa school. Ayaw mo lang pansinin. Kung ako sa 'yo mag-entertain ka ng manliligaw at ipakita mo kay Sir Race para malaman natin kung magseselos siya." "Hindi ko alam kung tama ba ang makinig sa 'yo." Ngumiti si Veronica. "Makinig ka sa akin dahil lagi akong tama." "Anong nangyari sa inyo ni Lester?" "Hmm… malapit ko ng ibigay ang perlas ng silangan sa kanya. Sigurado 'yung pempem mamaga 'to. Alam mo ba nahawakan ko 'yung sa kanya. Grabe! Ang haba nine inches! Putspa! 'yung size ng alaga imported." Kilig na kilig na sabi ni Veronica. "Totoo ba na hawak lang?" "Girl, saka ko na sasabihin sa 'yo ang lahat kapag may nabigay ko na ang pempem ko." Sabay tawa ni Veronica. Umiling ako. "Minsan, mas gusto kong kausap si Tiffanie at Cyndi, kapag sila ang kausap ko nagiging mabait ako." "Para mo naman sinabi na bad influence ako." "Bruha ka kasi.. puro kalandian ang tinuro mo sa akin." "Basta, gagawin natin ang plan A." Umiling ako. "Bahala ka na nga." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. "Alam mo mas magandang sa iyo na lang mahulog si Sir Race, kaysa sa girlfriend niyang niloloko siya." Tumahimik ako. Kapag naiisip ko kung gaano ka-loyal si Sir Race sa girlfriend niya, nakakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kung sino pa ang seryoso sa pag ibig siya pa ang niloloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD