"DINA!"
Kanina ko pang naririnig na tinatawag ako ni Veronica ngunit hindi ko siya pinapansin. Naiinis ako sa kanila dahil hinayaan nila akong ihatid ni Race kahapon. Imbes na sa condo ako natulog sa bahay pa ni Race ako natulog. Mas lalo tuloy akong naging masama sa paningin niya.
"Bruha!" tawag ulit ni Veronica.
Huminto ako at lumapit sa kanya. "Bakit ka ba tawag nang tawag?" Inis kong tanong.
Nameywang siya sa akin. "Tingnan mo ito. Gusto mo talaga tinatawag ka na gaga ayaw mong tawagin sa pangalan mo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako natutuwa sa 'yo."
"Sorry! Kung nalasing ako."
"Nakakainis! Bakit kailangan si Sir Race pa ang naghatid sa akin kung ano-ano tuloy ang sinabi niya."
"Huwag mong intindihin ang sinabi niya. Ang isipin mo kung paano mo siya magiging boyfriend."
Kumunot ang noo ko. "Anong sabi mo?"
"Girl, hindi naman nagkakalayo ang edad n'yong dalawa ni Sir Race kaya gumawa ka ng moves para maakit mo siya."
"Baliw ka talaga! Alam mong bawal ang estudyante at professor na magkarelasyon."
"Bawal kung malalaman nila. Hindi n'yo naman sasabihin sa iba."
Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa loob ng classroom namin.
"Dina!" Habol niya.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng classroom namin. Pagpasok namin ay nagulat ako dahil nasa loob ang professor namin. Umupo ako sa upuan ko kung saan pinagigitnaan ako ni Tiffanie at Veronica.
"Listen! Class!" panimula ng professor namin.
Lahat kami ay tumingin sa kanya. May pagkastrikto si Mrs Manlangit. Kapag hindi nalaman niyang hindi ka nakikinig ikaw ang tatawagin.
"Makinig kayong sa akin lahat! Alam n'yo naman na malapit na ang sports festival natin kaya naman 'yung mga manlalaro noong nakaraang taon ay magsimula na kayong magpa-register para makapag-praktis na kayo."
"Yes, Ma'am!" Sabat namin sabi.
"Ma'am!" sigaw ni Veronica.
"Yes?"
"Si Dina po sasali sa volleyball."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ma'am, hindi ako marunong." Hinila ko ang buhok ni Veronica. "Gaga ka!" Inis kong sabi.
Ano bang alam ko diyan sa volleyball. Takot nga akong matamaan ng bola sasali pa ako."
Tumawa si Veronica. "Magaling ka sa volleyball."
"Tang ina mo!" Mahinang bulong ko.
Kung puwede nga lang kalbuhin ang buhok ng bwiset kong kaibigan ay ginawa ko na.
"Veronica, ikaw ang magaling sa volleyball. Natatandaan ko kasali ka sa volleyball noon?" saad ni Ma'am Manlangit.
"Opo, kaya lang pagod na akong humataw ng bola kaya ayoko ng sumali. Gusto kong sumali sa cheering squad. Sali tayo girls!" sabi niya sa amin.
Sabay- sabay kaming umiling. Mas gusto kong maging pampagulo lang kaysa sumali sa mga laro. Hindi nakakaganda ang gagawin namin. Hindi ko rin hilig ang ganyang sports.
"Sige, sumali kayo sa cheering squad," wika ng professor namin.
"Okay, Ma'am." Nakangiting si Veronica.
"Sasali tayo girls, mas bagay tayo doon kasi kailangan magaganda at sexy sa cheering squad si Tiffanie ang leader kasi malaki ang s**o at balakang," wika ni Veronica.
Namula ang mukha ni Tiffanie. "Ayokong sumali nakakapagod."
"Tiffanie, sumali ka na, tatalunin natin ang cheering squad ng ibang course. Kailangan natin sumali dahil sina Joshua, Tomtom at Mathew kasali sila. Kawawa naman kung walang sisigaw sa mga unggoy," wika ni Veronica.
"Bakit ba lagi kang bida-bida? Nakakainis! Dinadamay mo pa kami." Inis kong sagot.
Imbes na mainis si Veronica ay ngumiti siya sa akin.
"Girl, sumali ka na dahil nabalitaan kong si Sir Race ay kasali sa basketball."
Kumunot ang noo ko. "Luh? Sa mga estudyante lang naman ang basketball."
"Kasali siya dahil kulang sila ng member."
Tumahimik ako. "Wala akong pakialam kung kasali siya sa basketball."
"Okay, ikaw ang bahala."
Sandali akong nag-isip. Hindi naman siguro masama kung sasali ako sa cheering squad.
"Dina, sasali ka ba?" tanong ni Tiffanie.
"Ikaw sasali ka?" Balik kong tanong.
Tumango siya. "Oo, kasali si Mathew sa basketball. Para may suporter naman siya."
Huminga ako ng malalim. "Sige, sasali na ako."
"Okay, sasali tayong apat, tapos ako ang mag-iisip ng suot natin."
Inirapan ko si Veronica. "Hindi ikaw ang coach 'wag kang bida-bida."
"Maganda lang ako at sexy." Nagpa-cute pa siya.
"Gaga!" Sabay irap ko.
Nang magsabog ng kapal ng mukha, kalandian at self confidence. Gising na gising si Veronica, kaya nasalo niya lahat. Wala na sa isip niya ang salitang hiya. Kaya naman kilala siya sa university namin.
Tumigil lang kami sa pagsasalita nang magsimula ng magturo ang professor namin.
"Tara na girls!" Tumayo si Veronica at kinuha ang bag niya.
"Bakit saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Kailangan natin magpa-register sa cheering squad."
"Teka, si Sir Race ang kasunod na magtuturo sa atin," saad ni Veronica.
"Wala siya ngayon."
"Luh! Paano mo naman nalaman?"
"Ako pa ba? Syempre nag-text ako sa isang course na hawak niya. Tinanong ko kung pumasok sa subject nila si Sir Race. Hindi raw pumasok sa kanila kaya siguradong hindi rin siya papasok sa atin."
"Mabuti naman kung gano'n 'wag na siyang pumasok kahit kailan," inis kong saad. Naalala ko na naman kasi ang sinabi niya sa akin kahapon.
"Sus! Galit na galit ka gusto mo naman si Sir Race," sagot ni Veronica.
"Hindi ko siya gusto." Sabay irap ko sa kanya.
"Sus! Ayaw mo pang aminin. Ano? Sasama ba kayo kayo o hindi?" Nakataas pa ang kanang kilay ni Veronica.
Tumayo kami at kinuha namin ang bag namin saka lumabas. Nagparegister kami bilang member ng cheering squad, pagkatapos ay pumunta kami sa cafeteria para kumain.
"Veronica, bakit hindi ko nakikita ang mga kaklase natin?" tanong ni Tiffanie.
Tumingin ako sa paligid. Wala kahit isa sa mga kaklase namin ang nasa cafeteria. Kung wala kaming professor. Imposible naman na hindi sila pumunta sa cafeteria.
"Baka tambay sila sa classroom," saad ni Veronica.
"Kinakabahan ako kay Veronica, parang pumasok yata si Sir Race," sagot ni Tiffanie.
"Kung pumasok siya wala na tayong magagawa. Siguradong nagsisimula na ang klase niya ngayon. Alangan naman pumasok pa tayo halos patapos na 'yon."
"Bruha ka talaga! Pinapahamak mo kami." Inis kong sagot.
Tumayo si Tiffanie. "Titingnan ko kung pumasok si Sir Race."
"Hoy! Huwag mo kaming ituro ni Dina, kung pumasok siya," sagot ni Veronica.
Tumango si Tiffanie, pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis. Hindi na ako sumunod kay Tiffanie dahil matatapos na rin ang oras ni Sir Race kung sakaling pumasok siya.
"Ang bait talaga ni Tiffanie. Nahawa na siya kay Mathew," saad ni Veronica.
Matalim ko siyang tinitigan. "Ako ang napapahamak sa 'yo."
"Pero seryosong usapan. May gusto ka ba kay Sir Race?"
Namula ang mukha ko sa tanong niya. "Anong sabi mo?"
"Kung may gusto ka kay Sir Race?"
Inangat ko ang kanang kilay ko. "Bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Hello! Hindi ako magkakagusto sa pangit na 'yon. Tinalo niya pa ang mga kuya at daddy kung magsermon. Akala mo may ambag sa buhay kung manghusga."
"Ah— Dina.."
"Nakakabadtrip 'yan si Sir Race. Kung magkapagsalita. Hays! Limang taon lang naman ang pagitan namin dalawa pero grabe makapanglait. Ang sarap niyang suntukin ang mukha."
"Girl, tumigil ka na."
"Bakit ako titigil? Gusto ko lang ilabas ang galit ko. Alam mo ba? Pinagbibintangan pa niya akong binibigyan ko ng milk tea ang lola niya. Mabuti nga at tinutulungan ko pa ang lolo niya. Ang kapal talaga niyang magnakaw ng halik, akala mo good kisser hindi naman."
"Dina… tumigil ka na dahil nasa likod natin si Sir Race," halos pabulong ni Veronica.
"Anong sabi mo nasa likod natin si Sir Ra— "
Bigla akong nanlamig nang mapagtanto ko ang gustong sabihin ni Veronica. Kinuha ko ang tubig ko at inubos ko 'yon.
Hindi ako lumingon sa likod ko dahil nasa likuran ko pala siya. Tumayo ako upang umalis.
"Ang daldal mo kasi," bulong ni Veronica.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Bwiset ka!"
Ihahakbang ko pa lang ang mga paa ko ngunit bigla akong tinawag ni Sir Race.
Miss Monteverde, please come to my office right away."
"Sir... Why am I the only one going to your office?"
"Gaga, 'wag mo na akong idamay ang dami ko ng kasalanan sa principal natin," bulong ni Veronica.
"Just come to my office, and that's my order." Nauna siyang lumabas ng opisina.
Para akong nabunutan ng tinik nang makaalis si Sir Race.
"Bruha ka talaga! Bakit hindi mo sa akin sinabi na nandyan si Sir Race?"
"Sinabi ko sa 'yo ayaw mong makinig sa akin. Sa sobrang galit mo hindi mo nakita si Sir Race na pumasok sa loob ng cafeteria."
Napakamot ako sa ulo. "Patay na naman ako."
Ngumiti si Veronica. "Ano ka ba pagkakataon mo na para akitin si Sir Race."
Matalim kong tinitigan si Veronica. "Bruha ka talaga!"
Sinamahan ako ni Veronica papunta sa opisina ng principal namin. Doon kasi madalas pumunta si Sir Race, pero ang sabi ng may ari ng university. Mas lalo akong kinabahan dahil baka nagsumbong na siya sa may ari kaya nandoon siya.
"Hintayin na lang kita rito," sabi ni Veronica.
Tumango ako. "Okay."
Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura ng pinto ng opisina ng may ari ng university. Bumukas ito kaya mas lalo akong kinabahan.
"Good afternoon, Sir," halos pabulong ko.
Yukong-yuko ako sa sobrang kaba. Hindi ko nga alam kung saan nakaupo si Sir Race.
"Have a seat."
Huminga ako ng malalim, tapos inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kanya. Nakaupo siya sa harap ng table ng may ari.
Tipid akong umupo. "Anong kailangan n'yo?" halos pabulong ko.
Para akong nasapian ni Maria Clara, sa sobrang hina at hinhin ng boses ko. Sino ba naman ang hindi kakalma kapag alam mong may mali kang ginawa.
"Bakit hindi kayo pumasok sa klase ko?"
"Sir, ang sabi ni Veronica ay hindi raw kayo papasok."
"Kapag sinabi ng kaibigan mo na tumalon ka sa building tatalon ka?"
Umiling ako. "Hindi na po mauulit."
"Anong sinabi mo sa akin kanina hindi ako good kisser?"
Sa dami ng sinabi ko bakit iyon ang naalala niya?
"Wala akong sinasabi na gano'n."
Lumapit siya akin at yumuko. Namula ang mukha ko dahil halos magdikit ang mukha namin dalawa.
OMG! Hahalikan ba niya ako?
Tinitigan niya ako. "Ikaw lang ang nasabi na hindi ako magaling humalik."
"A-Anong gagawin mo?"
Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin na halos magdikit na ang labi namin. Pumikit ako at hinintay ko ang labi niya na dumapo sa labi ko. Ngunit halos bente segundo na ay hindi ko pa rin nararamdaman ang labi niya.
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong wala na si Sir Race.
Shit! Anong ginawa ko?
Huminga ako ng malalim at muling humarap sa kanya.
"Akala ko ba hindi ako good kisser bakit hinihintay mong halikan kita?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Ano ba ang dahilan bakit gusto n'yo akong makausap?"
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Kanina nagkaroon kami ng meeting ng mga kaklase mo, at dahil ikaw ang presidente sa klase ko, kailangan mong malaman ang mga pinag-usapan namin."
"Ano po ang pinag-usapan n'yo?"
"Magkakaroon ng pagsasadula tungkol sa buhay ni Jose Rizal. Kausapin mo ang mga kaklase mo kung anong mga dapat gawin basta kailangan may iprisinta kayo sa araw ng sport festival. Bahala kayong mag-isip kung alin sa pinag-aralan natin ang gusto n'yong isadula. Basta kailangan may magandang aral na maiiwan kayo sa mga manood."
Tumango ako kahit ang totoo ay hindi ko masyadong naiintindihan ang sinabi niya. Matatalino naman ang mga kaklase ko kaya sa kanila na lang ako magtatanong.
"Iyon lang po ba?"
"Sa susunod na hindi n'yo pasukan ang klase ko ay bibigyan ko kayo ng punishment."
"Sorry, Sir Race." Tumalikod ako sa kanya at humakbang paalis ngunit bubuksan ko pa lang ang pinto ay bigla niya akong hinila at sinandal sa likod ng pinto. Sinandal niya ang kamay niya sa pinto para hindi ako makaalis.
Kinabahan ako. Inikot ko ang paningin ko. Nakita kong may cctv camera sa opisina kaya mas lalo akong natakot.
"Kung anong nasa isip mo 'wag mong gawin. Makikita tayo sa cctv camera."
Ngumisi siya. "Akala mo nakalimutan ko ang sinabi mo?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya ngunit hinawakan niya ang baba ko saka siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko nang magdikit ang labi namin. Halo-halong ka ba ang nararamdaman ko.
Shit! Baka maging scandal 'to.
Sinikap ko siyang itulak pero hinigpitan niya ang yakap sa akin. Desidido talaga siyang patunayan sa akin na good kisser siya.
Napasinghap ako nang pisilin niya ang puwit ko. Iyon ang naging dahilan para maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nang mahuli niya ang dila ko ay sinipsip niya ito. Dumaloy ang kuryente sa katawan ko. Hindi ko namalayan na nakahawak ako sa batok niya at tumutugon sa halik niya. Nagpatuloy kami hanggang sa halos maubusan kami ng hangin sa baga.
Tinulak ko siya at nagmamadali akong lumabas ng opisina. Dumiretso ako sa female comfort room at naghilamos.
"Anong nangyari sa akin?" Nakita ko sa salamin ang pamumula ng mukha ko.
"Dina, nandito ka na pala!" wika ni Veronica.
Humarap ako sa kanya. "Pumasok na tayo sa klase natin." Hinila ko siya palabas ng banyo.
"Teka! Anong pinag-usapan n'yo ni Sir Race? Bakit ganyan ang mukha mo?"
Hindi ako nagsalita bagkus ay nagdiret-diretso akong pumunta sa classroom namin.
"Huwag n'yo ang idamay sa pagsasadula sa buhay ni Rizal, tamad akong magkabisado,"reklamo ni Veronica ng malaman niya ang sinabi ni Sir Race.
"Kailangan mong sumali dahil wala na tayong prelim exam," sagot ni Joshua.
"Sasali ako pero konti lang ang linya ko. Ayokong masyadong maraming kinakabisado," wika ni Veronica.
Nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawang panghahalik ni Sir Race sa akin kanina.
Sana walang makaalan na naghalikan kami baka maging scandal 'yon. Siguradong magagalit sa akin ang magulang ko kapag nagkataon.
"Dina, are you with us?" tanong ni Tiffanie.
"Sorry, may iniisip kasi ako."
"Huwag mag-isip wala ka naman no'n," biro ni Veronica.
Hinila ko ang buhok niya. "Gaga!"
"Bakit ka ba laging galit?" Natatawang sabi ni Veronica.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paanong hindi ako maasar sa 'yo palagi mo akong dinadamay sa kalokohan mo. Kung hindi mo hindi sinabi sa mga kaklase natin na ako ang presidente ni Sir Race, sana wala akong problema ngayon."
"Sorry na, gusto ko lang na magkaroon kayo ng sweet moment."
Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo."
"Anong plano natin? Gumawa ka ng plano."
"Wala akong plano bahala kayo bumagsak." Inis kong sagot.
Hindi ako kinausap ng mga kaibigan. Sila na lang ang gumawa ng plano para sa dula na gagawin namin. Huminto lang sila nang dumating ang panibagong professor namin sa ibang subject.
Hindi sumabay sa akin sa pag-uwi si Veronica kaya naman imbes na dumiretso ako sa condo ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para kumain. Madalas kong gawin ito para pag-uwi ko ay matutulog na lang ako. Habang mag-isa akong kumain ay may babae na lumapit sa akin. Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa pag-scroll sa phone ko.
"Hoy! Ikaw na malandi!" Pagtataray niya.
Tumingala ako. Nakita ko siyang matalim na nakatingin sa akin.
"Ako ba ang kausap mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "May iba ka bang kasama?"
"Malay ko kung baliw ka." Pagtataray ko.
"Abah! Malandi ka!" sigaw niya.
Mabuti na lang at konti lang ang customer sa loob ng coffee shop.
"Hindi ako malandi! Sino ka ba?" Nagsimula na akong magtaray sa kanya.
Wala akong nilalanding lalaki kaya wala siyang karapatan na sabihan akong malandi.
Dinuro niya ako. "Malandi ka! Mang aagaw ka ng boyfriend!" Sasampalin niya sa ako pero nahawakan ko ang kamay niya.
"Wala ako sa mood para makipagtalo sa 'yong babae ka! Hindi ko kilala kung sino man niyang boyfriend mo. Wala akong nilalandi na lalaki at lalong wala akong boyfriend!" sigaw ko.
Tinulak ko siya kaya bumagsak siya sa sahig. Kinuha ko ang bag ko at ang natirang cold coffee ko at umalis.
"Malandi ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" sigaw niya.
"Psh! Baliw!"
Lumabas ako ng coffee shop at pumunta sa parking area para sumakay ng kotse ko. Ngunit bago ako makapasok sa loob ng kotse ay may nakaharang na tatlong lalaki sa pinto ng kotse ko. Nakangisi sila sa akin. Umatras ako para umalis ngunit may humarang sa akin na dalawang lalaki.
Kinabahan ako. "Sino kayo?"
"Akala mo siguro makakaligtas ka sa akin babae ka!" boses 'yon ng babae na tinulak ko sa loob ng cafeteria.
"Kasama mo ang mga ito."
Ngumisi siya. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin."
Hinawakan ako ng dalawang lalaki pagkatapos at kinuhanan ako ng larawan ng babae.
"Ipapakita ko sa boyfriend ko ang mukha bago ka bugbugin."
"Hindi ko sabi kilala ang boyfriend mo! Bitawan n'yo ako!" sigaw ko.
"Tumahimik kang babae ka!" Susuntukin sana ako ng lalaki ngunit may pumigil sa kanya.
Sir Race!
Nakasuot pa siya ng helmet sa ulo at hindi pa niya ito inaalis.
"Let her go!" seryosong sabi ni Race.
Hindi nakinig sa kanya ang lalaki sa halip ay inikutan siya para pagtulungan. Nakaramdam ako ng takot para sa kanya.
"Huwag kang makialam dito!" sabi ng lalaki. Susuntukin niya sana ito pero nakailag si Sir Race kaya nasipa niya ito.
Habang pinapanood ko siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Para siyang knight in Shining armor ko.
"Tumigil kayo! Hindi siya ang babae. Nagkamali tayo," sabi ng babae.
"Sinabi ko sa inyong hindi ko kilala ang boyfriend mo!"
Hindi siya nakinig sa halip ay nagmamadali silang sumakay sa kotse. Nakuhanan ko ng picture ang mukha nila at ang plate number ng dala nilang sasakyan.
"Dina, are you okay?" tanong ni Sir Race.
Tumango ako. "Thank you, Sir Ra—
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sandali akong natigilan pagkatapos ay yumakap na rin ako sa kanya. Hindi naman siya makilala dahil may suot siyang helmet.
"Ihahatid na kita."
"May dala akong sasakyan."
"Okay, susundan na lang kita pero bago 'yan kailangan natin i-report ang mga 'yon. Kawawa ang babae na target nila."
Tumango ako. Pagkatapos at pumunta kami sa pinakamalapit na police station para ireklamo ang mga iyon. Nag-request na rin kami ng cctv camera record sa lugar na iyon. Pagkatapos ay umalis na kami. Nakangiti ako habang nagda-drive ako ng kotse ko. Nasa likuran ko lang si Sir Race na nakaalalay sa akin. Nakasakay siya sa motor kaya madali lang para sa kanya ang sundan ako. Para tuloy akong may convoy.
"Maraming salamat sa paghatid sa akin," sabi ko sa kanya nang nasa harap na kami ng pinto ng condo unit ko.
"Puwede ba akong uminom ng coffee?"
Sandali akong nag-isip. "Okay."
Pumasok kami sa loob, pagkatapos ay dumiretso ako sa loob ng kuwarto para magbihis ng damit. Dumiretso ako sa kusina para ipagtipla siya ng kape.
"Sir Race, ito na ang kape mo."
"Thank you, mag-isa ka lang dito?"
Tumango ako. "Hindi ko gusto ang paghihigpit ng magulang ko kaya umalis ako sa amin."
"Ganyan talaga kayong mga kabataan gustong gawin ang gusto."
"Sir Race, hindi naman nalalayo ang edad natin dalawa kaya 'wag mo na akong sermunan. Alam ko ang ginagawa ko kaya 'wag mo ka ng makialam." Nagsisimula na naman siyang magsermon sa akin.
Nagkibit-balikat siya. "Okay."
"Sabihan mo lang ako kung ubos mo na ang kape mo. Gagawa pa kasi ako ng assignment ko." Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa table ko kung saan naroon ang laptop ko. Hindi ko na binuksan ang telebisyon para hindi siya magtagal.
Naging busy ako sa pag-research kaya nawala sa isip ko si Sir Race. Paglingon ko sa kanya ay nakahiga siya sa sofa at tulog na tulog.
"Hays! Ano ba 'yan! Akala ko ba nakakapagpagising ang kape? Bakit tulog ka ngayon?"
Nahiya akong gisingin siya kaya kumuha ako ng unan at kumot. Kinumot ko sa katawan niya pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Tulog pa rin siya ng matapos ako sa assignment ko, kaya naman pumasok na ako sa loob para matulog.
NANG MAGISING ako sa tunog ng alarm ko ay agad akong lumabas ng kuwarto. Paglabas ko ay napansin ko ang mga pagkain sa lamesa. Bigla kong naalala si Sir Race, kaya nilingon ko siya sa sofa. Wala na siya sa sofa. Sa takip ng pagkain ay may maliit na papel kaya binasa ko ang nalasulat.
"Good morning! Nagluto ako ng breakfast mo. Kumain ka bago pumasok sa school. Ingat!"
Hindi ko namalayan na nakangiti ako nang matapos kong basahin ang mesahe niya.
"Pa-fall din si Sir Race."
Hindi ako sanay kumain ng almusal bago umalis ng condo dahil madalas sa school na ako kumakain, pero dahil nagluto si Sir Race ay mukhang mapapadami ang kain ko.