KUMURAP-KURAP ako habang nakatingin kay Sir Race, habang siya ay nakangising nakatingin sa akin.
"Miss Monteverde, hindi mo ba ako sasampalin sa ginawa kong panghahalik sa 'yo."
"Ha?"
"Okay." Muli niyang hinalikan ang labi ko pero hindi katulad kanina na halos higupin pati ang dila ko.
Sampalin mo self, 'wag kang malandi.
Huminto si Sir Race saka nakakalokang tumingin ulit sa akin. "You like me?"
Abah! Hayop!
Kusang lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. "Bastos!" sa wakas nagawa ko rin siyang sampalin.
Hinawakan ni Race ang pisngi niyang sinampal ko saka ngumiti. "Perfect!"
Kumunot ang noo ko. "Anong sinabi mo?"
"Dapat sa umpisa pa lang ay sinampal mo na ako para naman hindi ako magduda na may gusto ka sa akin."
"Ang kapal ng mukha mo! Pasalamat ka professor kita dahil kung hindi baka demanda na kita!" Inis kong sabi.
Ang totoo hindi ko naman gagawin mag-demanda syempre gusto ko rin naman ang lasa ng halik niya. Ayoko lang ipahalata sa kanya.
Imbes na matakot ay pinagtawanan niya ako ako. "You're so cute."
"Wala akong paki!" Inirapan ko siya at tumalikod ako sa kanya. Nagmamadali akong naglakad palabas ng malaking mansyon nila. Ngunit paglabas ko ay napansin kong walang taxi na dumadaan o kahit tricycle.
"Lahat ba ng nakatira sa lugar na ito may sasakyan?"
"Miss Monteverde!"
"Tse! Hindi ko siya papansinin."
Nakatayo ako sa labas ng bakuran ni Sir Race at umaasa na may taxi na dadaan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ihahatid na kita sa school."
Hinila ko ang kamay ko. "No way! Huwag mo akong ihatid baka maging isyu. Maghihintay na lang ako ng taxi."
"Walang nakakapasok na taxi dito. Masyadong private ang subdivision na ito.
"E 'di wow!"
Bumuntong-hininga siya. "Ayaw mo ba talagang sumama sa akin?"
Inirapan ko siya. "Hindi ako sasama sa 'yo."
"Okay." Lumapit siya na halos magdikit kami pagkatapos ay bigla niya akong binuhat.
"Sir Race! Ibaba mo ako!" sigaw ko.
Hindi niya ako pinakinggan hanggang sa isakay niya ako sa loob ng kotse.
"Huwag kang mag-alala hindi ako lalabas ng kotse para walang makikita sa akin."
"Bakit mo ba ako hinalikan?!" Inis kong tanong.
"Hinalikan kita dahil masyado mong i-spoiled ang lola ko. Natuto na siyang tumakas para pumunta sa milk tea shop dahil sa 'yo."
"Tsk! It's not my fault. Hindi n'yo binabantayan maigi ang lola mo."
"Ang titigas talaga ng mga ulo ng katulad mong estudyante."
"Ang pangit mo ka-bonding." Inis kong sagot.
Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita. Sampung minuto pa ang lumipas ay tumunog ang phone ni Sir Race.
"Hello, Baby!"
Pasimple akong lumingon sa kanya.
Kilig na kilig ang gago. Baby ka pa, baby-tawan ka rin niyan.
"Mamaya susunduin kita may ihahatid lang akong aso na naligaw."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Ako ba ang sinasabi niyang aso?" bulong ko.
"Oo, baby, nakawala siya bahay nila. Alam mo naman ang lola ko mahilig sa aso kaya kinuha niya at dinala niya sa bahay."
Aso pala ah.
Lumapit ako kay Sir Race at kinagat ko ang braso niya.
"f**k! Ouch!" sigaw niya.
Ngumisi ako. "Buti nga sa 'yo!" bulong ko.
Hindi siya puwedeng magalit dahil kausap niya ang girlfriend niyang mukhang s**o.
"Sorry, may biglang tumawid kaya bigla akong nag-preno. Tumama tuloy ang ulo ko sa manibela. Mamaya na lang ako tatawag sa 'yo, bye! Baby! I love you."
Sinalubong ko ang matalim niyang tingin.
"Bakit mo ako kinagat?"
"Hindi ba't sinabi mo na aso ako? Ayan kinagat kita epal ka." Inis kong sagot.
"Ginagalit mo ba ako?"
"Ako ang ginagalit mo, Sir Race."
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakasimangot naman habang papunta kami school.
"Nandito na tayo, Miss Monteverde."
Hindi ako kumibo sa halip ay binuksan ko ang pinto ng kotse at padabog ko itong sinara. Hindi pa ako nakontento dahil sinipa ko ito at nag-finger f**k sign ako sa tapat ng salamin niya.
"Bwiset na 'to ginawa akong aso," bulong ko.
"Dina!" Sigaw ni Veronica.
Hinila niya ang braso ko at dinala niya ako sa ilalim ng puno ng narra. "Girl, anong nangyari sa inyo ni Sir Race?" Nakangiti siyang sabi.
Tinitigan ko siya ng matalim saka hinila ko ang buhok niya. "Bruha ka talaga!" Inis kong saad.
"Aray! May hair," maarteng sabi ni Veronica.
Naglakad ako palapit sa kotse ko at sumunod naman sa akin si Veronica.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Veronica.
In-start ko ang engine ng kotse saka pinaharurot ko ito palayo.
"Nakakainis ka iniwan mo ako," sabi ko, habang binabagtas namin ang daan pauwi sa condo.
"Alam mo binigyan ko lang kayo ng time ni Sir Race."
"Tsk! Nakakainis talaga ang hudas na 'yon. Akalain mo kanina habang kausap niya ang girlfriend niya sinabi niyang may ihahatid daw siyang naligaw na aso."
Humalakhak si Veronica. "Gano'n siguro siya magmahal. Teka? Anong nangyari sa inyo nang dalhin ka niya sa bahay nila?"
Namula ang mukha ko. "Wala, pinakain lang niya ako."
"Tapos siya naman pinakain mo ng pempem," walang prenong sabi ni Veronica.
"Gaga! Huwag mo akong igaya sa 'yo."
"Virgin pa ako. Dibdib ko pa lang nahihipo ng boyfriend ko."
"Sa dami ng boyfriend mo lawlaw na 'yan."
"Nagkakamali ka diyan! Hindi ako basta nagpapahawak sa private part ko. Yung mga boyfriend ko na 'yan. Inuutakan ko lang sila. Nagpapatulong lang ako sa mga assignment ko kapag tapos na ayon break na kami. Hanggang kiss sa pisngi lang sila. Dalawa pa lang 'yata ang nakahimas ng dede ko."
"Ew! Kadiri ka!"
"Anong kadiri! Baka sa kakaganyan mo maunahan mo pa akong mag-asawa? Alalahanin mo kadalasan 'yung mga babae na mahinhin ang unang nabubuntis."
"Ang dami mong palusot."
"Balik tayo sa usapan natin. Anong nangyari sa inyo ni Sir Race?"
Ngumiti ako. "Tinanong niya kung natatandaan ko raw na hinalikan niya ako. Syempre tumanggi ako na naalala ko. Ayun, bigla niya akong hinalikan. Ginawa niya iyon para maalala ko raw."
Nagtitili si Veronica. "Anong lasa ng halik ni Sir Race?"
"Hmmm… meserep."
Tumawa si Veronica. "Gaano keserep?"
"Meserep pa sa paborito kong lasagna."
"Yung sarap parang gusto mo ng ilaglag ang panty mo?"
"Hindi naman, basta masarap lang kasi hindi siya bad breath."
"Subukan kong makipaghalikan kay Sir Race, para malaman ko kung totoo ang sinasabi mo."
Bigla akong nagpreno saka matalim na tinitigan si Veronica. "Huwag mong gagawin 'yan dahil FQ (Friend Quarrel) tayong dalawa."
Hindi pa rin tumitigil si Veronica sa pang-aasar sa akin. "May gusto ka nga kay Sir Race."
"Wala akong gusto sa kanya. Ayoko lang malaman na ang kaibigan ko nakipaghalikan sa unang lalaki na humalik sa akin."
"Ang sabihin mo selos ka lang."
"Ewan ko sa 'yo." Pinagpatuloy ko ang pagda-drive ng sasakyan ko.
"Order ka naman pagkain, ginugutom mo ang bisita mo," wika ni Veronica.
Nakahiga siya sa sofa habang ako ay nanonood ng telebisyon. Kapag wala akong pasok ay nasa condo lang ako para magbasa pero dahil kasama ko ang bruha kong kaibigan. Nanood na lang ako ng telebisyon dahil hindi ako makakapag-focus sa pagbabasa kung nandito si Veronica.
Inirapan ko siya sabay hagis ng phone ko. Um-order ka kung anong gusto mo ."
"Thanks, Dina."
"Tse!" Muli kong tinuon ang tingin ko sa pinapanood ko.
"Dina, gusto mong sumama sa gala namin nila Joshua?" tanong ni Veronica.
"Saan na naman ba 'yan?"
"Inuman lang tayo sa disco bar."
"May pasok tayo bukas."
"Hindi naman tayo magpapaabot ng umaga. Sandali lang tayo tamang inom at kinig ng banda."
"Ayoko pa rin."
"Sagot ni Joshua."
Tumingin ako kay Veronica. "Totoo ba manlilibre ang unggoy na 'yon?"
"Oo, kaya sumama ka na dahil isang beses sa isang taon lang manlibre si Joshua."
"Sige, sasama ako, sina Tiffanie, at Cyndi, sasama ba sila?"
"Hays! Asa ka sa mga babae na 'yon. Minsan lang sila sumama sa disco bar. Kung inuman sa bahay. Siguradong sasama sila pero kapag disco bar ayaw nila."
"Kaya ako ang niyaya mo dahil alam mong sumasama ako."
"Oo, kasi walang magagalit sa 'yo kahit umaga ka na umuwi."
Bigla akong nalungkot. Naalala ko na naman ang pamilya ko sa probinsya. Tumakas ako sa pamilya ko para maging malaya. Hindi ko gusto ang ginawang paghihigpit sa aking pamilya ko kaya umalis ako. Ang mommy ko lang ang nakakausap ko. Siya rin ang nagbibigay ng pera sa akin para magamit ko sa pag-aaral ko, at sa gastusin ko sa araw-araw.
"Anong itsura 'yan? Inisip mo na naman ang pamilya mo. Huwag ka ng malungkot balang araw ay mapapatawad ka rin ng pamilya mo."
"Hindi 'yon ang iniisip ko."
"Eh, ano ang iniisip mo?"
"Gusto kong maghanap ng trabaho para hindi ako palagi humihingi ng pera sa mommy ko."
Tumawa ang malakas si Veronica. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?"
"Mas mahal pa sa sahod mo ang ginagastos mo araw-araw. Tulad na lang ng in-order natin ngayon na pagkain. 1500 na lahat 'yon. Imagine, saan ka makakahanap ng trabaho na ang sahod ay 1500 sa isang araw? Alangan naman pagpasok mo manager ka na agad o kaya supervisor para magkaroon ng ganyang sahod sa isang araw. Syempre kapag working student mga mababang posisyon ang ibibigay sa 'yo."
"Nahihiya na kasi ako sa mommy ko."
"Huwag kang mahiya dahil naglalandi ka naman mabuti ester nag-aaral pala."
"Baliw ka!"
Ilang sandali pa ay dumating na ang order ni Veronica na pagkain. Pinagsaluhan namin 'yon habang nanonood kami ng pelikula.
ILANG-BESES kong pinahiran ng lipstick ang labi ko dahil kanina pa ako kain nang kain ng lechon baboy at sisig na pulutan namin. Ang sarap ngang kumain ng kanin sax, pulutan namin.
"Hoy, Dina! Inuman ito hindi handaan. 'wag mong ubusin ang pulutan ang mahal ng pagkain dito," reklamo ni Joshua. Siya kasi ang sumagot ng lahat ng gastos namin. Pinagplanuhan talaga namin ni Veronica na ubusin ang baon pera ni Joshua, dahil nga minsan lang siya manlibre.
"Luh! Bakit ako ang napapansin mo minsan lang naman 'to." Muli akong sumubo ng sisig.
"Hindi ikaw ang tataas ng blood pressure. Ako ang tataas ng dugo sa takaw mo. Lalo na si Veronica, akala siguro juice ang iniinom niyang alak. Putcha! Kung lumaklak ng alak parang walang bukas."
Tumawa ako. "Huwag mo nga kami pansinin." In-straight kong inumin ang alak ko.
"Next time hindi na ako magyaya mag-inom sa inyong dalawa. "
"Dude, hayaan mo na 'yan si Veronica at Dina, minsan lang naman," wika ni Tomtom.
"Umayos kayo mamaya kapag dumating ang kaibigan ko.
Huminto ako sa pagkain. "May kaibigan ka na pupunta?"
"Syempre naman may kaibigan din naman akong matino."
"Abah! Anong akala mo sa amin hindi matino?" saad ni Veronica.
"Ikaw nagsabi niya hindi ako."
"Pasalamat ka nga at pinagtitiyagaan ka namin 'di ba Dina?" saad ni Veronica.
Uminom ako ng alak at hindi nagsalita.
"Nandiyan na pala siya. Race!"
Muntik ko ng maibuga ang alak na ininom ko nang marinig ko ang sinabi ni Joshua. Tumingin ako kay Veronica, na parang nawala ang kalasingan niya.
"Hello! Joshua,"wila ni Sir Race.
Alam kong nasa likod ko siya dahil naamoy ako ang pabango niya ngunit hindi ako tumingin sa kanya.
"Race, mabuti naman at nakarating ka. Umupo ka at simulan mo na ang tagay mo. Dina, umusog ka uupo si Race."
Umusog ako at nagpatuloy sa pag-inom ng alak.
"Bakit ang hilig n'yong gumimik?"
Umangat ang kanang kilay ko sa sinabi niya pero hindi ko pinansin dahil baka para sa amin ang sinabi niya."
"Race, hindi ka professor ngayon kaya 'wag mo kami pagalitan ngayon," natatawang sabi ni Joshua.
Pakiramdam ko, may nakakahawak sakit si Sir Race. Ayokong dumikit ang balat niya sa akin.
"Sir Race, papasok ka ba bukas?" tanong ni Veronica.
Ang bruha nagpa-cute ng boses na parang inipit ang boses.
"Don't call me, Sir, wala tayo sa university. Wala ako bukas dahil may business meeting akong pupuntahan."
"Ayos! May free time tayo bukas," wika ni Joshua.
"May magtuturo sa inyo bukas kaya wala pa rin kayong free time bukas."
"Ay, sad," sagot ni Veronica.
"Dina, bakit hindi ka nagsasalita? Kanina ang ingay mo dumating lang si Race, nanahimik ka na," biro ni Tomtom
"Tang ina mo! Tomtom, 'wala ako sa mood makipag-usap." Inis kong sagot.
"Sus! Nahihiya ka lang kay Race, dahil bigla mo siyang hinalikan." Sabay tawa nila.
Matalim ko silang tinitigan. "Kung alam ko lang na ako ang trip n'yong asarin hindi ako sumama sa inyo." Inis kong sagot.
"Race, puwede ba akong magtanong sa 'yo?" wika ni Veronica.
"Hoy, Veronica, 'wag mo ng idagdag si Race sa mga lalaki mo," wika ni Joshua.
Halos patayin ni Veronica ng matalim na tingin si Joshua. "f**k you ka!"
Imbes na maasar si Joshua ay pang asar itong tumawa. Mukhang nakahanap siya ng pagkakataon para kami naman ang asarin niya. Madalas kami ang nang-aasar sa kanila.
"Race, girlfriend mo ba ang kasama mong magandang babae?"
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang tumango kay Veronica.
"Girlfriend ko siya."
"Aw! Broken hearted ka na agad, Dina."
Namula ang mukha ko. Parang gusto ko na lang tuloy lumubong sa kinatatayuan ko.
Tumingin sa akin si Sir Race. "Hindi ko naman type ang babae na mahilig sa night life."
Abah! Ang kapal ng mukha nito.
Padabog kong binaba sa lamesa ang shot glass ko. Lahat sila nakatingin sa akin.
"Nanyare?" tanong ni Joshua.
Bigla akong kumalma nang mapagtantong masyado akong over acting.
"Ha? Bakit anong ginawa ko?" alibi ko.
"Tsk! Lasing ka na ba?" tanong ni Joshua.
Tumango ako. "Siguro nga," alibi ko.
"Race, anong gusto mo sa isang babae?" tanong ni Veronica.
Bakit ba tanong nang tanong ang bruha na 'to. Gusto talaga niya akong ibenta.
"Veronica, 'wag mong pagtripan si Race," saad ni Joshua.
"Gusto ko lang malaman, baka ako na pala ang type niya o kaya si Dina."
"Puwede ba 'wag mo akong idamay sa kalokohan mo." Inis kong sagot.
"Ayoko sa mga babae na easy to get. Gusto kong pinaghihirapan ko siyang makuha." Sabay tingin sa akin ni Race.
"Ouch! Strike two, alam mo, Race, 'yung mga mahinhin ang mga easy to get. May kasabihan nga na don't judge the book by its cover." Sabay tawa ni Veronica.
Umiling na lang ako. Hindi ko na kayang patigilin ang kadaldalan ni Veronica.
"I need to go home." Pagtayo ko ay umikot ang paningin ko kaya nawalan ako ng balanse ay napakapit ako kay Race.
"Sorry!" Bigla akong bumitaw sa kanya.
"Hindi mo kayang mag-drive lasing ka na," sabi ni Joshua.
"Si Veronica, kaya niyang mag-drive." Paglingon ko, nakasubsob na sa lamesa si Veronica.
"Si Veronica pa ang inasahan mo. Ginawang juice ang tubig," sagot ni Joshua.
"Ako na ang maghahatid kay Veronica," wika ni Tomtom.
Narinig naman ni Veronica si Tomtom. "Hoy! Gago ka! Baka gah*sain mo ako."
"Ulol ka! Hindi tayo talo! Kung ayaw mong magpahatid sa akin kay Joshua na lang."
"Ayoko kay Joshua, manyakis 'yan," sagot ni Veronica.
"Sa condo ko na lang siya matutulog," sagot ko.
"Ako na ang maghahatid sa inyo," wika ni Race.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi namin kailangan ng tulong mo."
"Dina, 'wag ka ng magalit kay Race, kung hindi ka niya type. Hindi mo na kayang mag-drive. Ayokong mamatay. Hindi ko na magiging boyfriend yung type ko sa kabilang university."
"Kung hindi ka lang lasing sinampal na kitang bruha ka," inis kong sagot.
Binuhat ni Tomtom si Veronica. "Umalis na tayo may pasok pa tayo bukas. Ako na ang maghahatid kay Veronica."
"Ingatan mo 'yan si Veronica," saad ko.
"Ako pa ba? Ilang beses na akong naging tagahatid nito kapag nalalasing," saad ni Tomtom.
Sabay-sabay kaming lumabas ng disco bar. Nakahawak ako kay Joshua para alalayan ako sa paglalakad. Pagdating namin sa parking lot ay sumakay ako sa kotse ko, pero biglang sumakay si Race.
"Doon ka sa kabila umupo ako ang magda-drive sa iyo."
Hindi na ako nagmatigas sa kanya. Hindi ko na talaga kayang mag-drive ng sasakyan. Lumipat ako sa kabilang upuan at sinandal ko ang batok sa headboard ng kotse at pumikit.
"Hays! Bakit ba ang hilig n'yong uminom hindi naman ninyo kaya," sabi niya.
Hindi ako sumagot. Ayokong makipagtalo sa kanya dahil baka bigla akong sumuka.
Pinikit ko ang mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Pagkatapos naramdaman ko ang lamig dulot ng aircon at ang lambot ng kama na hinigaan ko.
"Good night, Daddy," bulong ko.
Naramdaman kong hinalikan ako ni Daddy sa pisngi. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi na galit sa akin si Daddy sa akin.
"Daddy, thank you." Tuluyan na akong nakatulog.
MASAKIT ang ulo ko nang magising ako sa lakas ng tunog ng alarm ko. Nasapo ko ang ulo.
"Ouch! Ang sakit ng ulo, magagalit na naman sa akin si Daddy." Ilang segundo akong nakahawak sa ulo nang mapagtanto ko ang dahilan kung bakit masakit ang ulo.
"s**t! Wala pala ako sa probinsya." Pinagmasdan ko ang buong paligid. Napansin kong nasa ibang silid ako. Kulay puti at tray ng pintura ng kuwarto. Maging ang kurtina at kobre kama at itim at puti rin. Wala ako sa condo ko, at lalong wala ako sa bahay ng isa mga kaibigan ko. Sa tagal naming magkakaibigan. Ilang beses na akong nakatulog sa mga bahay at condo ng kaibigan kong babae at lalaki.
"Kaninong kuwarto 'to?" Napansin kong iba rin ang suot kong damit. Mas lalo akong naguluhan.
Narinig kong tumunog ang seradura ng pinto kaya bumangon ako at kinuha ko ang flower vase para ipukpok sa tao na papasok.
"Mabuti naman at gising ka na," saad ni Sir Race.
"Ikaw? Anong ginagawa ko rito?"
"Ihahatid sana kita sa condo mo kaya lang hindi mo sa akin sinabi kung saan lugar ang condo mo, kaya nag-desisyon akong dalhin ka sa bahay."
"Anong ginawa mo sa akin? Bakit iba ang suot kong damit."
Ngumisi siya. "Like what I said, hindi ako pumapatol sa babae na easy to get. Wala akong ginawa sa 'yo. Sinukahan mo ang damit mo kaya binihisan ka ng katulong namin."
Yumuko ako. "I'm sorry, babayaran ko na lang ang oras ginugol ko rito."
"Tsk! I don't need your money. Malinis na ang damit mong sinukahan kaya puwede ka ng maligo dahil ang baho mo na. Hihintayin kita sa labas para kumain ng tanghalian."
"Tanghalian?" Naghanap ako ng wall clock. "s**t! Hindi ako nakapasok sa school."
"It's a waste of your parents' money to educate someone like you who doesn't care about education."
I looked at him very seriously. "That doesn't mean you helped me. You have a right to judge me. You have no right to condemn me based only on what you witnessed because you don't know me."
"Talaga? Patunayan mo sa akin."
Tumawa ako "Wala akong kailangan patunayan sa 'yo lalo na kung wala ka naman ambag sa buhay ko." Tumalikod ako sa kanya at pumasok sa banyo.
Nakakainis! Bakit kailangan laging magtatagpo ang landas namin ng hudas kong professor.