HINDI ako halos nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Ang dami ko ng kasalanan sa school namin at mukhang madagdagan dahil nakita kami ng professor namin na si Sir Race Nobleza.
Habang naglalagay ako ng lipstick ay tumunog ang phone ko. Sumimangot ako nang makita ko ang pangalan ng bruha kong kaibigan na si Veronica.
"Hello!"
"Hoy, Gaga! Umalis na ka na diyan sa condo mo. Sunduin mo na ako rito sa bahay mo dahil maaga tayo papasok ngayon. Kailangan natin maging mabait dahil baka isumbong tayo ni Sir Race."
Umikot ang eyeballs ko. "Bruha ka! Anong akala mo sa akin driver mo, o boyfriend! Ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo nahuli ni Sir Race. Ang landi mo kasing babae ka."
"Alam kong malandi ako kaya 'wag mo ng ulitin. Umalis ka na diyan bilis!" Sabay putol niyang tawag.
"Abag! Grr! Kainis!"
Naglagay lang ako ng lipstick at pagkatapos ay umalis na ako para sunduin ang bruha kong kaibigan na si Veronica. Kung tutuusin ay puwede naman siyang magkaroon ng sasakyan. Ayaw niya lang kausapin ang daddy niya, dahil iniwan sila at pinagpalit sa iba.
Kinse minutos lang lumipas ay nakarating na ako sa tapat ng bahay ni Veronica.
"Hoy! Tang ina mo! Saan ang hada mo? Ang makeup mo pang twenty-four hours. May gay contest ka bang sasalihan?" bungad kong sabi sa kanya.
Binuksan ni Veronica ang pinto ng kotse at sumakay siya saka binuksan ang bintana at nagsindi ng yosi.
"Gaga! Inggit ka naman sa kagandahan ko."
"Huwag ka ngang mag yosi sumasakit ang ilong ko."
"Two minutes lang akong magyoyosi, stress kasi ako sa mommy ko. Alam mo bang magdamag na namang umiyak dahil iniwan ng boyfriend niyang twenty-five years old."
"Nagmana ka sa mommy mo ang daming boyfriend."
"Magkaiba kami ng mommy ko. Si Mommy, ginagatasan ng mga boyfriend niya. Ako, yung mga boyfriend ko ang umiinom ng gatas sa dede ko." Sabay atawa niya.
Napangiwi ako. "Hayop ka talaga!"
"Ito naman Joke lang! Virgin pa ako, may bago akong target na lalaki at gustong doon magpabutas."
"Alin 'yung lalaki sa katabing university? Jusko! Hindi papatol sa iyo ang gano'n lalaki."
"Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo? Tingnan mo sa susunod, malalaman mo siya na ang hahabol sa akin."
"Haist! Ewan ko sa 'yo ang aga puro kalandian ang alam mo."
"Iniisip mo ba ang nangyari kagabi?"
"Oo, baka pagdating natin ipatawag tayo ng principal natin."
"Alam mo madaling lang 'yan masolusyunan."
"Paano?"
"Ipalamas mo ang dede mo kay Sir Race Nobleza." Sabay tawa ni Veronica.
"Tang ina mo talaga!" inis kong sagot.
Kapag talaga si Veronica ang kausap ko, wala akong makukuhang matinong solusyon.
Kinalabit niya ako. "Tingin ko may crush sa 'yo si Sir Race."
Kumunot ang noo ko. "Baliw ka na talaga. Hindi mo ba nakita ang kasama niyang babae kagabi? Ang ganda ng girlfriend niya."
"Talo ng maganda ang malandi."
"Anong pinagsasabi mo?" Inis kong sagot.
"Dahil maganda ang girlfriend ni Sir Race, talo mo siya dahil malandi ka at maganda."
"Anong koneksyon ng sinasabi mo?"
"Akala ko ba matalino ka? Dahil malandi at maganda ka, may gusto sa 'yo si Sir Race. Alam ko naman na gusto mo siya kaya landiin mo na para magka-jowa ka."
"Bruha ka! Wala ka ng maayos na solusyon. Hindi nakakatulong ang sinasabi mo sa akin."
Tumawa si Veronica. "Sinasabi ko lang sa 'yo ang mga dapat mong gawin."
"Malala na talaga ang kabaliwan mo." Sabay iling ko.
"Kung ano-anong pinag-usapan namin ni Veronica habang papunta kami sa university. Nang dinaanan namin ang school kung saan nag-aaral ang type niyang lalaki ay huminto kami para abangan ang type ni Veronica.
"Bruha, baka mahuli tayo sa klase?"
"Sisilipin ko lang ang future husband ko." Lumabas siya sa kotse. Nakita kong sinadyang tanggalin ni Veronica ang botones sa tapat ng dibdib.
"Bruha, ang landi mo talaga!" inis kong sagot.
Wala talagang makakatalo sa kalandian kay Veronica. Kahit dito sa university na ito ay kilala na rin siya.
"Dina, paparating na type kong lalaki!" Nagtitili si Veronica na parang akala mo ay nakakita ng kpop. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang pulang sport car na papasok sa loob ng university. Ang bruha na si Veronica ay nagkunwaring naglakad para makita ang driver ng nasa pulang sport car. Hindi naman agad makapasok ang sasakyan dahil sa mga pumapasok sa estudyante. Nakahinto ang sasakyan sa tapat ni Veronica.
"Gaga talaga!"
Humarap si Veronica sa bintana ng pulang kotse at nanalamin. Natural mapapansin siya ng driver.
Tumawa ako nang hindi lumabas ang type niyang lalaki sa halip ay pumasok siya sa loob ng university.
"Girl, ngumiti sa akin ang future husband ko," saad niya nang sumakay siya ulit.
"Bruha, paano ka ngingitian tinted ang salamin ng sasakyan."
"Basta pakiramdam ko ngumiti siya sa akin."
"Sige na nang matapos na 'yan kahibangan mo."
Pagdating namin sa school ay naunang pumasok sa loob si Veronica. Nagmamadali siya dahil para hindi siya maabutan ng mga boyfriend niya.
"Miss President!" pang-asar na bati sa akin ng kaibigan kong si Tomtom.
"f**k you ka!" Sabay irap ko sa kanya.
Kung hindi dahil sa mga hudas kong kaibigan hindi ako magiging Presidente sa subject ni Sir Race Nobleza.
Umupo ako table ako at nagbukas ako ng libro para magbasa. Hindi ko ugaling magbasa kapag walang professor. Wala lang akong pagpipilian dahil ayokong pansinin ang mga kaklase ko lalo na ang mga kaibigan kong trip akong asarin.
"Veronica, nakita ko si Sir Nobleza sa office pinatawag ang Presidente sa klase niya." Naririnig ko naman ang sinasabi ng kaklase ko. Hindi na lang direktang sinabi sa akin.
Tiniklop ko ang libro, at tinaasan ko ng kilay ang classmate ko. "Bakit daw?" Pagtataray ko.
Umiling siya. "Hindi ko alam."
Siniko ako ni Veronica, at bumulong. "Puntahan mo baka gusto niyang manligaw sa 'yo."
"Gaga!" Inis kong sagot.
Bumuntong-hininga ako bago ako tumayo. "Pakisabi kay Ma'am Belchira, pinatawag ako ni Sir Nobleza." Nakataas ang noo kong lumabas ng classroom namin. Nang makalabas ako ay huminga ako ng maluwag.
"Hays! Ano bang kailangan ng unggoy na 'yon?"
Dumiretso ako sa opisina ng mga professor. Pagpasok ko ay mag-isa lang si Sir Race.
"Good morning, Sir Race, pinapatawag n'yo raw po ako?"
Tiniklop niya ang laptop niya at sumingot sa akin. "Miss Monteverde, gusto kong sabihin sa iyo, na sinabi ko na sa principal ang ginawa n'yo kagabi."
Sumimangot ko. "Sumbungero, sipsip," bulong ko.
"May sinasabi ka?"
Umiling ako. "Wala, Sir."
"Dahil nakasuot kayo ng uniform, nagdesisyon kami na kausapin ang magulang n'yo."
"Sir, hindi na kami bata para ipatawag ang magulang namin dahil may kasalanan kami."
Kumunot ang noo niya. "But you're acting like a child, Miss Monterverde."
Kuyom ang kamao ko sa inis. "Kung hindi ko siya professor, baka kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya.
"Patawarin n'yo kami Sir Race, hindi na namin uulitin."
"Kailangan kong makausap ang magulang n'yo bukas."
"Sir Race, hindi makakapunta ang magulang ko."
"What?" irita niyang sagot.
"Sinabi ko naman sa 'yo na malaki na ako. Hinayaan na ako ng magulang ko na pumunta dito sa Manila para mag-aral."
"Sinasabi mo ba na walang pupuntang magulang para sa 'yo bukas?"
"Para sa mga bata lang 'yan pinapatawag ang magulang."
Matalim akong tinitigan ni Sir Race. "You have no respect for me , Miss Monteverde."
"I'm sorry, Sir."
Bumuntong-hininga siya. "Okay, makakaalis ka na."
"Thank you." Nagmamadali akong lumabas ng opisina at pumunta sa classroom.
"Anong sabi ni Sir Race?" tanong ni Veronica.
"Gusto niyang makausap ang magulang natin dahil pumunta tayo sa resto-bar ng nakasuot ng school uniform."
"Grabe! Ang sungit naman niya."
"Hays! Nadadamay ako sa kalokohan mo."
"Hayaan mo at kakausapin ko si Sir Race, mamaya kapag oras ng klase niya para hindi na papuntahin ang magulang natin."
"Ewan ko ba diyan sa professor na 'yan. Ginawa tayong elementary student."
"Hayaan mo na 'wag ka ng mainis. Halikan mo na lang ulit para malaman niyang hindi ka na bata, sa halip ay kaya mo ng magdala ng bata sa loob ng siyam na buwan." Sabay tawa ni Veronica.
Matalim ko siyang tinitigan. "Gago ka talaga!"
Nag-peace sign siya sa akin. Tumahimik na kami nang dumating ang professor namin. Masyadong istrikto ang mga professor namin kaya talagang kailangan mong makinig sa kanila. Nang si Sir Race na ang magtuturo sa amin ay sumimangot na ako.
"Dina, nakatingin sa 'yo si Sir Race," bulong ni Veronica.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tantanan mo ako Veronica, kakalbuhin na kita." Gigil kong sabi.
"Huwag ka ng magalit basta mamaya samahan mo akong pumunta sa kabilang university."
"Hindi kita sasamahan kung kukulitin mo ako."
"Okay."
Tumahimik na si Veronica. Mabuti na lang at hindi ako tinatanong ni Sir Race sa topic niya dahil wala naman akong isasagot. Sa sobrang inis ko sa kanya hindi ko na maintindihan ang tinuturo niya.
Nang matapos ang mag-lunch break ay naghiwalay na kami magkakaibigan. Ang iba kasi sa amin ay sa umuuwi para kumain ng tanghalian, ang iba ay may mga baon. Kami ni Veronica ay dumayo sa ibang canteen para lang masilayan niya ang type niyang lalaki.
"Nakakainis! Ang ilap talaga niya sa akin?" Nakasimangot na sabi ni Veronica.
Kaming dalawa lang ang naiiba ang uniporme sa cafeteria. Lahat ng mga estudyante ay pare-pareho ng suot na uniporme. Pero dahil makapal ang mukha ni Veronica. Imbes na mahiya, siya pa ang malakas ang loob na magsalita ng malakas. May pagkakataon pa ngang pinagtatanong niya kung nakita ng mga ito ang type niyang lalaki.
"Bakit ka ba nagpapakahirap sa lalaki na 'yon? Hindi ka ba kontento sa sampo na boyfriend mo?"
"Pito na lang sila ngayon, nakipag-break ako kahapon sa iba."
"Oh, sa pito na 'yon hindi ka pa rin kontento?"
"Gusto ko 'yung ako ang pinapahirapan. Feeling ko talaga masarap humalik ang future husband ko."
Umikot ang eyeballs ko. "Baliw!"
"Hindi ako Baliw, maganda at sexy lang."
Lumingon ako sa labas. "Teka si Lola Felicidad 'yon."
Tumingin si Veronica sa labas. "Sinong Lola Felicidad?"
"Lola ni Sir Race."
"Talaga? Puntahan natin."
Tumayo kami at pinuntahan namin si Lola Felicidad. Nasa harap siya ng milk tea shop at nakikiusap na bigyan siya ng milk tea.
"Lola Feliciadad!" tawag ko.
Ngumiti siya nang makilala ako. "Lina!" tawag niya.
"Bago na pala pangalan mo," biro ni Veronica.
Siniko ko siya. "Gaga!"
Nilapitan ko siya. "Lola, sino ang kasama n'yo rito? Bakit nandito kayo?"
"Tumakas ako sa bahay. Ayoko ng pagkain sa bahay walang lasa. Lina, bili mo ako ng milk tea." Tinuro pa niya ang gusto niyang flavor.
"Bilhan mo na kawawa naman," bulong ni Veronica.
"Hindi puwede may diabetes siya, baka magalit si Sir Race."
"Huwag mong palagyan ng sugar para hindi masyadong tumaas ang sugar niya," sagot ni Veronica.
Ngumiti ako. "May naisip ako para mas healthy ang iinumin niya." Lumapit ako sa matanda. "Sige po, bibili ko kayo."
Lumapit ako sa nagtitinda ng milk tea at bumulong ako, na tubig at yelo ang ibigay sa matanda dahil may sakit ito na diabetes, pero kailangan niyang ipakita na hinahalo niya ang flavor." Nagbayad ako ng double sa presyo ng milk tea na sinabi ni Lola.
"Salamat, Lina," sagot ni Lola Felicidad.
"Anong sinabi mo?"
"Tubig na maraming yelo lang ang ibibigay sa kanya. Ilalagay lang sa milk tea cup para isipin ni Lola na gano'n talaga ang flavor."
Binigay ng tindera ang milk tea ni Lola. Ngunit bago niya ito inumin ay biglang may humintong kotse sa harap namin. Kinabahan ako nang lumabas si Sir Race.
"Grandma!"
Nagtago sa likod ko si Lola Felicidad. "Lina, 'wag kang pumayag na kunin ng apo ko ang milk tea ko."
Ang talim ng tingin sa akin ni Sir Race. "Miss Monteverde, hindi ba't sinabi ko sa 'yo na bawal ang matamis sa Lola ko?"
"Sir Race, hayaan n'yo hindi naman tataas ang blood sugar niya sa iniinom niya."
Halos patayin niya ako ng matalim na tingin. "Are you crazy?"
"Hindi po, Sir."
"Kinalabit ako ni Veronica. "Girl, iwan muna kita diyan. Nakita ko ang future husband kong pumapasok sa loob."
Lumapit sa akin si Sir Race. Halos magdikit ang mukha namin dalawa. Naamoy ko ang hininga niya. "Ginagalit mo ba ako?"
Umiling ako. "No, Sir." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para hindi ako magtaray. Kahit papaano ay iniisip kong professor ko siya.
"Grandma, let's go!" Hinila niya ang Lola niya habang ako naman ay hinihila ni Lola Felicidad.
"Lola, sumunod na po kayo sa apo n'yo."
"Lina!" Umiiyak na sabi ni Lola Felicidad.
"Sige po, sasamahan ko kayo."
Nakasimangot ako nang sumakay ako sa kotse ni Sir Race. Nasa unahan ako nakaupo.
"Hindi siya puwedeng kumain ng matatamis," panimula ni Sir Race.
Tumingin ako kay Lola na iniinom ang akala niyang Milk tea. "Lola, anong lasa?" tanong ko.
"Lasang tubig lang pala ang flavor na pinili ko."
Pang-asar akong ngumiti kay Sir Race. "Cold water lang ang pinagawa ko," bulong ko.
Hindi siya umimik sa halip ay nagpatuloy siya sa pagda-drive. Nang makarating kami sa bahay ng Lola niya ay halos malula ako sa ganda at laki. Naalala ko tuloy ang mansyon namin sa probinsya.
"Sir Race, kailangan ko ng umalis may klase pa akong mamayang hapon."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ba sinabi sa inyo na wala kayong klase ngayong hapon dahil may meeting ang mga professors?"
Tumingin ako sa cellphone ko. Ngayon ko lang napansin ang mga chat sa group chat namin. Ang mga unggoy kong kaibigan ay tuwang-tuwa.
"Ngayon ko lang nalaman."
"Kumain ka muna bago ka umalis," sagot ni Sir Race.
Umiling ako. "Kumain na ako kanina." Kating-kati na ang mga paa kong umalis dahil ayokong makasama ng matagal si Sir Race.
"Sabayan mo na lang akong kumain."
"Sir Race, hindi ka na bata para sabayan sa pagkain." Inis kong sagot.
"Huwag mo akong tawagin Sir, wala tayo sa school."
Kung gano'n 'wag mo rin akong tawagin sa last name ko."
Bumuntong-hininga siya. "Okay, Dina."
"Race, puwede na ba akong umuwi?"
"May gusto akong tanungin sa 'yo."
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"
"Bakit mo ako hinalikan sa loob ng classroom?"
Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Anong halik?"
Ngumisi siya. "Bakit hindi mo maalala?"
"Wala akong maalala sa sinasabi mo." Tumalikod ako para umalis ngunit bigla niyang hinila ang braso ko. "Ay! Kalabaw!"
Sumubsob ako sa dibdib niya. "R-Race." Feeling ko nagkulay kamatis ang mukha ko.
Nakatitig siya sa akin hanggang sa huminto ito sa labi ko. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko.
Lumunok siya. "Are you trying to seduce me?"
"Ano?"
"Hindi ako naniniwala na hindi mo maalala na hinalikan mo ako."
"Anong sinasabi mo? Ikaw ang unang naghalik sa akin."
Ngumisi siya ako. "Okay, ako ang una at huli."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siniil ng halik. Pakiramdam ko ay hihimatayin ulit ako sa ginawa niya.
Ano bang trip ng hudas na 'to bakit ang hilig manghalik?