ILANG-BESES kong inulit na lagyan ng lipstick ang labi ko. Tuwing may kinakain kasi ako ay naglalagay ako. Katulad na lang kanina binigyan ako ng icecream ni Tiffanie kaya pinahiram ko ulit ito.
"Ano kayang nakain ni Dina ngayon?" natatawang sabi ni Tomtom sa akin.
Tumaas ang kilay ko. "Mainit ang ulo ko ngayon kaya 'wag mo akong pakialaman."
Hindi naman nakaramdam ng inis si Tomtom sa halip ay tinawanan pa niya ako.
"May pinapagandahan ka na ba?"
Nagkatinginan kami ni Veronica. Kaming dalawa pa lang ni Veronica ang nakakaalam ng plano.
Umiling ako. "Excuse me! Maganda na ako kaya hindi ko na kailangan magpaganda. Sinubukan ko lang ang binigay sa akin ni Veronica na bagong lipstick."
"Bakit, Tomtom? Gusto mo ba bigyan din kita ng lipstick?" sagot ni Veronica.
"Ulol!" sagot ni Tomtom.
"Huwag na kayong maingay parating na si Sir Nobleza!" sabi ng isang kaklase namin.
Tumahimik kaming lahat at umayos kami ng upo. Ngunit ibang professort ang pumasok sa classroom namin.
"Excuse me, Ma'am!" saad ni Veronica.
"Yes?" tanong ng professort namin.
"Ma'am, absent po ba si Sir Race?"
"Si Mr Nobleza ay nag-resign na sa school kaya ako na ang bago n'yong professor."
Napawi ang ngiti ko sa narinig ko. Hindi ko akalain na magre-resign siya sa school namin. Nagpa-makeup pa naman ako dahil sa kanya.
Siniko ako ni Veronica. "Huwag kang malungkot blessing in disguise ang nangyari dahil ngayon malaya mo na siyang malalandi dahil hindi mo natin siya professor," bulong ni Veronica.
Tumango at tinuon ang pansin sa bagong professor namin. Baka kasi bigla akong tawagin.
"Bakit kaya nag-resign si Sir Race?" tanong ni Cyndi.
"Baka ayaw ng maging professor dito, ang tigas kasi ng mga ulo ng mga estudyante," wika ni Tiffanie.
"Ang sabihin n'yo baka natakot kay Veronica," sabay tawa ni Joshua.
Matalim na tinitigan ni Veronica si Joshua. "Gago ka talaga! Ako na naman ang nakita mo."
"Sus! Ayaw talaga niyang maging biktima mo kaya nag-resign," saad ni Joshua.
Huminga ako ng malalim. "Natakot siguro siyang akitin ko," bulong ko," bulong ko.
"Hoy! Kausapin n'yo si Dina nagsasalita mag-isa." Sabay tawa ni Joshua.
"f**k you ka!" Sabay irap ko.
"Anyway, kahit hindi natin siya professor puwede pa rin naman natin siyang puntahan," saad ni Veronica.
"Hindi 'yon magpapakita sa 'yo," sagot ni Joshua.
Nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang dalawa.
Nakaka-miss rin ang sermon niya.
Nang matapos ang pang-umaga na klase namin ay dumiretso kami sa cafeteria para kumain. Magkakasama kaming magkakaibigan na kumain sa isang table kaya naman hindi maiwasan magtaas ng kilay ng ibang estudyante lalo na't kasama namin si Mathew sa pagkain. Si Mathew ang pinakamatalino sa klase namin pero masyadong nerd. Madalas siyang napagtripan dahil sa itsura at pananamit niya pero dahil kay Tiffanie ay naging parte na siya ng grupo namin. Maliban sa manliligaw ni Tiffanie ay wala ng ibang nambubully sa kanya.
"Hi! Dina!"
Lumingon ako ng marinig kong tinawag ang pangalan ko. Pilit akong ngumiti ng makita ko si Deo. Isang criminology student."
"Yes?"
"Dina, chocolate for you." Sabay abot niya sa akin ng chocolate.
Ngumiti ako. "Thank you."
Kilig na kilig ang mga kaibigan ko, samantalang nakangiti naman si Deo sa akin. Ngayon ko lang tinanggap ang binibigay niya sa akin. Noon ko pa alam na may gusto siya sa akin. Hindi ko lang siya pinapansin dahil ayoko sa mga criminology students.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang binigay ko sa 'yo…. Dina, puwede ba kitang yayain na mag-date?"
"Dina, pagbigyan mo na para naman maka-experience kang magkaroon ng boyfriend." Nilakasan pa ni Veronica ang boses kaya natuwa si Deo.
Tumango ako. "Okay, pero sa sabado na tayo mag-date."
Ilang beses na tumango si Deo. "Sure, susundin kita."
Umiling ako. "Huwag mo na akong sunduin. Pag-usapan na lang natin kung saan lugar tayo magdi-date. Pupunta na lang ako."
"Okay, thank you." Tumalikod siya at nang bumalik sa table kasama ang mga kaibigan niya ay naghiyawan sila.
"Tsk! Baka pinagpupustahan ka lang ng mga unggoy na 'yon," wika ni Joshua.
Ngumiti si Veronica. "Huwag kang mag-alala hindi mahuhulog ang panty ni Dina kay Deo."
"Mabuti naman kung gano'n. Alam mo bang kaibigan 'yan ni Frederick 'yung may gusto kay Tiffanie," saad ni Joshua.
Tumingin kami kay Tiffanie at Mathew na magkatabi sa upuan.
"Dina, 'wag kang papatol kay Deo," saad ni Tiffanie.
Ngumiti ako. "Huwag kang mag-alala hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya at lalong hindi bubukaka." Sabay tawa ko.
"Natuto ka na sa mga tinuturo ko sa 'yo," saad ni Veronica.
"Sa dami ng magtuturo sa 'yo doon pa sa hindi matino," saad ni Tomtom.
Hinampas ni Veronica sa braso si Tomtom. "Gago ka!"
"Aray!" Sabay tawa ni Tomtom.
Inis na inis naman si Veronica sa pang-aasar ni Tomtom sa kanya. Nagpatuloy kami sa pagkain pagkatapos ay bumalik kami sa klase. Naging busy naman ako dahil sa mga professor namin. Kahit mahilig sa gimik ang mga kaibigan ko basta pagdating sa ACADS dapat seryoso kami. Ang goal namin magkakaibigan ay sabay-sabay na ga-graduate.
"Anong silbi ng paglalagay ko ng makeup kung hindi ko naman nakikita si Sir Race?" tanong ko kay Veronica.
Nagda-drive ako ng kotse dahil ihahatid ko si Veronica pauwi ng bahay.
"Hmm… relax ka lang hinahanap ko nga kung saan tumatambay si sir Race, ngayon hindi na siya nagtuturo."
"Talagang gusto mong hanapin."
"Ayun! Sa restaurant niya."
"Huh? Paano mo nalaman?"
"Ka-chat ko si Joshua. Hindi ba't kaibigan 'yon ni Joshua kaya alam niya kung nasaan si Si Race. Puntahan natin siya ngayon."
"Ayoko! Mahalata tayo na sinusundan natin siya."
"Sa restaurant tayo pupunta kaya 'wag kang mag-alala hindi naman niya mahahalata na sinusundan natin siya."
Huminga ako ng malalim. "Okay, saan ba 'yan?"
"Pupuntahan na niya ang prince charming niya."
Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan ko para mabilis kaming makarating sa restaurant. Bago kami lumabas ng kotse ay naglagay ako ng makeup at pinalitan namin ang suot namin na school uniform para naman hindi magalit si Sir Race sa amin.
Ang lamig ng kamay ko lalo nang pumasok kami sa loob ng restaurant. Inikot ko ang paningin sa paligid ngunit hindi ko nakita si Sir Race. Nang makaupo kami sa table ay may lumapit sa amin na waiter upang kunin ang order namin.
Si Veronica ang namili ng order-in namin.
"Excuse me!" Nakangiting sabi ni Veronica.
"Yes, Ma'am?"
"Nandiyan ba si Sir Race Nobleza?"
Tumango ang waiter. "Yes, Ma'am."
"Pwede ba kaming mag-request na siya magdala ng order namin."
"Sasabihin ko po sa kanya."
"Thank you."
"Kinakabahan ako sa 'yo, Veronica."
"Relax ka lang!"
Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng movie sa phone ko upang hindi ako masyadong kabahan.
"Miss Monteverde, Veronica!"
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Sir Race. Hindi ako lumingon agad sa kanya.
"Hi! Race!" wika ni Veronica.
Yumuko ako lalo ng naamoy ko ang pabango ni Sir Race. Isa-isa niyang inilagay ang mga order namin sa table.
"Sir, hindi ba kayo busy? Puwede ba namin kayong maka-kwentuhan?" tanong ni Veronica.
Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Sir Race. Ngunit wala akong lakas ng loob para tumingin sa kanya. Tumunog ang phone ko at binasa ko ang text ni Veronica.
Hoy! Gaga! 'wag kang yumuko lang diyan gawin mo na ang part mo.
Huminga ako ng malalim saka nakangiting lumingon kay Sir Race.
"Hello, Race, sorry kung hindi na kita tinatawag na Sir, hindi naman na kita professor. Isa pa, mas gusto kitang tawagin Race o kaya Mine."
Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin 'yon sa kanya. Basta bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon. Tuwang-tuwa naman si Veronica sa sinabi ko.
Ang talim ng tingin sa akin ni Race parang gusto na niya akong kaladkalarin palabas ng restaurant.
"Nandito ba kayo para sundan ako?"
"Actually, kasama namin ang manliligaw ni Dina kanina. Nauna lang umalis, bigla kaming nagutom kaya naisipan namin pumunta dito sa restaurant, tapos naalala ko na ikaw ang may ari kaya tinanong ko sa waiter mo," palusot ni Veronica.
Magaling magpalusot si Veronica, kaya nga hindi siya nahuhuli ng mga boyfriend niya.
"Umuwi na kayo pagkatapos n'yong kumain may pasok pa kayo bukas."
"Race, bakit ka nag-resign bilang professor?" tanong ni Veronica habang kumakain.
"Nakakapagod magturo sa mga katulad niyong matigas ang ulo."
"Hindi naman matigas ang ulo namin. Baka naman kaya ka nag-resign para maging malaya ka na magkagusto sa estudyante," saad ni Veronica.
Namula ang mukha ko pero hindi ako yumuko, sa halip ay sinalubong ko ang tingin niya.
"Of course not. May girlfriend na ako at malapit na kaming magpakasal."
"Ang malas mo naman," sabi ko.
Tinitigan ako ng masama ni Sir Race. "Anong sabi mo?"
"Sa akin ka na lang, siguradong swerte ka." Hinawakan ko ang braso niya at hinimas ko ito.
Inalis niya ang kamay ko. "You're crazy." Sabay tayo niya at tuluyang umalis.
Huminga ako ng malalim nang makaalis si Sir Race. "Alam mo hayaan na natin siyang magpakatanga sa girlfriend niya," sabi ko.
"Ano ka ba? Nagsisimula pa lang tayo. Isa pa, nakikita ko talagang may gusto siya sa 'yo."
"Hays! Ayoko na! Bahala na siya sa buhay niya."
"Suko ka na agad sa kanya?"
Tumango ako. "Tatanggap na lang ako ng manliligaw baka isa sa kanila ang future boyfriend ko."
"Sigurado ka ba diyan?"
Tumango ako. "Gayahin na lang kaya kita, maghanap ng boyfriend."
"Huwag mo akong gayahin dahil hindi mo kaya ang ginagawa ko baka mahuli ka lang. Isa pa, seryoso na ako ngayon kay Lester kaya. Nakipag-break na ako sa kanila."
"Hays! Tama lang 'yan magseryoso ka na. Mukhang mabait pa naman si Lester."
Seryosong tumingin sa akin si Veronica. "Oo, mahal ko siya."
"Congrats! May lalaking nagpatino sa 'yo."
Nagpatuloy kami sa pagkain, pagkatapos ay umalis na kami at hinatid ko si Veronica sa bahay niya. Isang oras pa ang ginugol ko sa daan bago ako nakarating sa condo ko.
Naglalakad ako palapit sa condo ko ay napansin kong may nakaupo sa gilid ng pinto. Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong makilala.
"Sino ka?"
Tumingala siya. "Bakit ngayon ka lang dumating?" Tumayo siya at lumapit sa akin.
Umatras ako. "Race, bakit ka nandito?"
Hindi siya nagsalita sa halip ay mas lalo siyang lumapit sa akin. Amoy alak siya kaya siguradong lasing ngayon."
"Where's your key?" bulong niya.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko. Puwede ko naman pindutin ang passcode pero baka matandaan niya kaya susi ang gagamitin ko. Lumayo ako sa kanya at binuksan ko ang pinto. I-lock ko na sana ang pinto pero tinulak niya at pumasok siya.
Hindi ako kinabahan na baka may masama siyang gawin sa akin. Kinakabahan ako dahil baka may gawin kaming dalawa.
Dumiretso siya sa sofa at humiga. "Nakaka-miss humiga sa sofa mo."
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at nagpalit ako ng damit. Paglabas ko ay tulog na si Race.
Huminga ako ng malalim. "Mabuti at nakapag-drive ka pa ng maayos sa lagay mo na 'yan."
Kumuha ako ng malamig na tubig at towel para punasan niya bago magpalit ng damit. Una kong hinubad ang sapatos at medyas niya, pagkatapos ang suot niyang polo. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang inaalis ko ang butones ng damit niya. Nang tuluyan kong mahubad ang polo niya ay binasa ko ang towel para ipunas sa katawan niya. Ilang beses akong lumunok habang pinupunasan ko ang katawan niya. Feeling ko ay hihimatayin na ako kung pati ang ibaba niya ang makikita ko. Nang muli kong pinunasan ang dibdib niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang dumilat siya. "R-Race!"
Hinila niya ako kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Bigla siyang bumangon at sa isang iglap, ako na ang nasa ilalim niya.
Nagkatitigan kaming dalawa. "R-Race.."
"You like me?" sabi niya habang nakatingin sa akin.
"J-Joke lang 'yon."
"Hindi ako mahilig makipagburuan lalo na sa 'yo."
"Race…"
"Gusto mong malaman kung bakit ako nag-resign sa school?"
"Bakit?"
Tinitigan niya ako. "Because of you."
"B-Bakit ako? Wala naman akong maling ginawa?"
Ang totoo. Gusto kong tumili sa sobrang kilig.
"Because I miss your kiss, and since I'm your teacher, I can't do that to you."
Lumunok ako. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya. Ang akala ko hindi niya ako gusto.
"Race, lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan."
Parang sumikip ang dibdib ko sa sobrang bilis ng kabog.
"But now I'm free to do what I want. I can kiss you, or I f**k you here."
"R-Race."
Bigla niya akong siniil ng halik. Nalasahan ko ang alak na ininom niya. Daig ko pa ang uminom ng alak dahil nalalasing ako sa mga halik niya. Hindi ko alam pero talagang nahihibang na ako sa kanya. Imbes na pigilan ko ang ginagawa niya ay tumugon ako sa halik niya. Mas lalong nag-init tuloy si Race. Nagsimula na kasing gumapang ang kamay niya sa katawan ko hanggang sa ipasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko. Mariin akong nakapikit at hinahayaan siyang gawin ang nais niyang gawin sa akin. Nang huminto si Race sa labi ko ay tinaas niya ang damit ko at inalis ang suot kong damit.
"You're so blessed," sambit niya.
Nang lumantad sa kanya ang malusog kong dibdib. Bigla akong nahiya kaya niyakap ko ang sarili ko. Ngunit inalis niya ang kamay ko at dahan-dahan niyang hinalikan ang leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti lalo ng dinilaan niya ang tainga ko. Ang kamay naman niya ay hinihimas ng dahan-dahan ang dibdib ko.
OMG! Isusuko ko na ba agad ang Vcard ko.
Bumababa ang labi niya sa aking malusog na dibdib. Dinilaan niya ito at saka sinipsip. Tuluyan na akong nawalan sa ulirat. Napakapit ako ng mahigpit sa kanya habang pigil na pigil akong 'wag umungol. Napasinghap ako at kung minsan ay napapakagat ang labi ko.
Biglang tumunog ang doorbell sa labas kaya bigla akong natauhan. Tinulak ko si Race kaya bumagsak siya sa sahig. Nagmadali kong pinulot ang bra at damit ko.
"Dina!"
Tumakbo ako sa kuwarto at doon nagbihis ng damit.
"Damn it! Anong kagagahan ang ginawa ko!" Sinabunutan ko ang buhok ko sa inis.
Narinig ko ang katok sa pinto. "Dina, buksan mo ang pinto."
"Si Tiffanie."
Binuksan ko ang pinto. "Anong ginagawa mo rito?"
Ngumiti si Tiffanie. "Wrong timing 'yata ang pagpunta ko rito."
Ilang beses akong umiling. "Hindi naman, pasok ka sa loob."
"Bakit nandito si Sir Race?"
"Nakitulog siya lasing siya."
Tumango si Tiffanie. "Siya ang nagbukas ng pinto sa akin baka naistorbo ko ang tulog niya."
"P-Patulog pa lang siguro siya, bakit ka pala pumunta rito?"
"Gusto kong itanong sa iyo kung anong magandang isuot sa birthday ni Mathew."
"Malapit na pala ang birthday niya hindi naman nagyaya."
"Nahihihiya siyang magyaya sa inyo kaya ako lang ang niyaya niya. Huwag kayong magalit sa kanya."
Tumango ako. "Okay, bukas sasamahan kita bumili ng susuotin mo."
"Thank you, Dina."
"G-Gusto mo bang kumain muna?" Paglabas namin ng kuwarto ay wala na si Race.
"Saan nagpunta si Sir Race?" tanong ni Tiffanie.
"Baka umalis na siya."
"Naku! Nakakahiya sa kanya baka naingayan sa atin."
"Hayaan mo siya."
"Hindi na ako magtatagal naghihintay si daddy sa baba. Bye!" Nagbeso-beso kami ni Tiffanie bago siya umalis.
Pagkaalis ni Tiffanie ay nakahinga ako ng maluwag. Kung hindi dumating si Tiffanie ay baka naisuko ko na ang bandera ko.
"Ang landi mo talaga, self!"