"Ang boring talaga!" bulong ni Veronica habang nakahalumbaba sa lamesa. Nasa harap niya ang milk tea at strawberry cake na in-order namin kanina.
"Kung ginagawa mo ang mga assignment natin hindi ka makakaramdam ng boring," saad ko habang nagbabasa ng libro.
"Sa sobrang boring ko parang gusto kong isumbong 'yung mga kaklase natin babae sa boyfriend nila."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Gaga! hindi ka nga nila sinusumbong kahit sampu ang boyfriend mo."
"Dalawa na lang ang boyfriend ko ngayon pero kapag umamin na si Lester sa akin magiging loyal na ako."
Bigla kong naalala si Race. "Kumusta na kaya siya?"
"Malapit na pala ang birthday ni Sir Race."
Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Hoy! nakikinig ka ba?" tanong ni Veronica.
"Bakit?"
"Hays! hindi ka talaga nakikinig sa akin. Ang sabi ko malapit na ang birthday ni Race."
Tumango ako. "Okay."
"Wala ka bang balak na pumunta?"
Umiling ako. "Wala akong balak na pumunta dahil hindi naman ako invited sa party."
"Hays! Sinabi ko sa 'yo ipakita mo ang kalandian mo para makuha mo si Race. Hindi ka na nakatulong sa kanya nagawa mo pa siyang ilayo sa girlfriend niyang manloloko."
"Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa tutal naman magaling ka diyan?"
"Sure ka ba diyan?"
"Oo, namann."
"Alam kong gusto mo sir Race."
"Wala akong gusto sa kanya."
Pilyang ngumiti si Veronica. "Kaya pala nadatnan kayo ni Tiffanie dito noong isang gabi."
Namula ang mukha ko. "Paano mo nalaman ang bagay na 'yan?"
"Sinabi sa akin ni Tiffanie."
"Tsismosa ka talaga kahit kailan."
Tumayo si Veronica. "Hindi ko na kayang magmukmok dito sa condo mo. Umalis tayong dalawa baka makasagap tayo ng sariwang uten." Sabay tawa ni Veronica.
"Siraulo ka talaga!"
"Bilisan mo puntahan natin si Joshua"
Tumayo ako at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Mabuti na lang talaga at binili ako ni mommy ng kotse. Hindi ako nahihirapan mag-commute.
"Sigurado ka ba na sa condo tayo ni Joshua pupunta?" tanong ko habang nagda-drive ako ng kotse.
Tumango si Veronica. "Oo, doon tayo manggugulo sa kanila."
"Okay."
Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa condo ni Joshua, ngunit hindi kami tumuloy sa condo, sa halip ay sa bahay nila. Mabuti na lang at tinawagan ni Veronica si Joshua habang nasa biyahe kami. Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami ng magulang ni Joshua. Hiyang-hiya kami ni Veronica dahil hindi namin alam na may handaan sa bahat nila.
"Kaya pala wala sa condo niya may handaan pala rito," bulong sa akin ni Veronica.
"Nakakahiya hindi naman tayo imbitado," saad ko.
"Bakit kayo nandito?" takang tanong ni Joshua. May hawak pa siyang bote ng tequila.
Lumapit si Veronica ng makita niya ang alak. "Hindi mo sa amin sinabi na may party pala sa inyo. Mabuti na lang at malakas ang pakiramdam ko. Niyaya ko si Dina na pumunta rito."
"Hindi ko naman alam na maghahanda si mommy ngayon araw ng birthday niya. Nag-celebrate na kasi siya noong pumunta siya sa Amerika.
Ngumiti si Veronica. "Okay lang basta may alak."
"Okay, nandito na rin kayo samahan n'yo kamimg uminom ng alak ng kamag-anak ko."
"Okay, gusto ko 'yan," sagot ni Veronica.
Sumunod kami kay Joshua. Ngunit nang makarating kami table niya ay bigla akong kinabahan. Lalo ng makita ko si Race, nagkatitigan kaming dalawa kaya bumilis ang t***k ng puso ko.
"Girl, nandito si Race, landiin mo na siya," bulong ni Veronica.
Lumunok ako. Hindi ko alam kung pakikinggan ko ang sinabi ni Veronica.
"Dina, dito ka sa tabi ni Race!" Kinikilig na sabi ni Veronica.
Tumango ako at umupo sa tabi ni Race.
"Bigyan ng alak 'yan!" saad ni Veronica.
Hindi pa nag-iinit ang puwit ni Veronica, pero siya na ang bida-bida sa inumin. Tulad ng dati siya na naman ang tanggera.
Nilagyan niya ng alak ang shot glass at binigay sa akin. "Oh, pampainit ng katawan."
Seryoso ako ng tumingin kay Veronica.
"How are you?"
Narinig kong nagsalita si Race, pero hindi ako tumingin sa kanya. Baka hindi kasi ako ang kinakausap niya.
"Dina.."
Tumingin ako sa kanya. "Tinatawag mo akong Dina."
"Hindi na ako ang professor mo kaya walang dahilan para tawagin kita sa apelyido mo."
"Bakit?"
"Kumusta ka na?"
"I'm good," tipid kong sagot sa kanya.
Tumango siya pagkatapos ay kumain siya ng pulutan.
Hindi lang alam ni Race ang nararamdaman ko ngayon. Para akong hihimatayin sa bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Joshua, hindi mo ako ipinakilala sa mga kaibigan mo," sabi ng isang lalaki na kaharap namin sa inumin.
"Sorry, si Veronica at Dina, mga kaibigan ko," saad ni Joshua.
Nakangiti ang lalaki sa akin. "Hi! I'm Jerwin." Nilahad niya ang kamay niya.
Pilit akong ngumiti. "Dina." Tinanggap ko ang kamay niya.
Mabilis kong hinila ang kamay ko lalo ng pisilin niya ito. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso dahil nakatitig sa akin si Jerwin.
"Dina, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Jerwin.
Tumingin ako kay Joshua at Veronica.
"Single si Dina," sagot ni Veronica.
"Single ka pala ibig sabihin puwede kitang ligawan."
"Ha?"
"Single si Dina, pero marami kang kakumpitensya diyan," sagot ni Veronica.
"Hindi na ako nagtataka kung marami siyang manliligaw. Ang ganda kasi ng kaibigan mo," saad ni Jerwin habang nakatingin sa akin.
Yumuko ako. "P-Priority ko ang pag-aaral."
Tumango siya. "Handa akong maghintay hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral," saad ni Jerwin.
Magsasalita sana ako, pero nagulat ako sa lakas ng pag-uga ng lamesa. Lumingon ako kay Race.
"Sorry, napalakas ang pagbaba ko ng baso," sagot niya.
Sinalubong ko ang matalim na tingin niya.
Anong problema niya?
Babaliwalain ko sana siya, ngunit hinawakan niya ang hita ko sa ilalim ng lamesa. Nagkatitigan kaming dalawa. Lumunok ako para baliwalain ang ginagawa niya. Nakaramdam naman ako ng kilabot habang ginagawa niya iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
Gusto kong maniwala na may gusto siya sa akin pero baka umasa lang ako sa kanya. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang chat ni Veronica.
"Girl, akitin mo na si Race."
Tumingin ako kay Veronica at pasimple naman siyang sumenyas sa akin. Tumango ako sa kanya pagkatapos ay nilagyan niya ang alak ang shot glass ko. In-straight kong ininom ang alak.
"Punta lang akong banyo, Joshua, saan ang banyo n'yo?"
Tumayo ako tumumba kunwari.
"Dina!" sigaw nila.
Tulad ng inaasahan, mabilis akong nahawakan ni Race.
"Carefull," bulong ni Race.
"Nahihilo na ako uuwi na ako."
"Race, ikaw na ang maghatid sa kanya," saad ni Veronica.
Tumango si Race at binuhat niya ako palabas. Sinadya kong ihulog ang susi ng kotse sa harap ni Veronica.
"Girl, Susi mo!" aniya.
Tumayo na rin si Veronica para sumunod sa amin. Ang buong akala ko ay ihahatid lang niya ako sa kotse ko at si Veronica ang magda-drive, pero nagkamali ako dahil dinala ako ni Race sa kotse niya.
"Bakit ako nandito?"
Sinuot ni Sir Race ang seatbelt sa katawan ko pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Hindi ako nag-inarte dahil tumugon ako sa halik niya. Kinuyapit ko ang kamay ko sa leeg niya at mapusok akong tumugon ng halik.
"You like me?" tanong niya.
Huminto siya dahil naubusan kami ng hangin sa baga.
Tumango ako. "Mahal kita."
Sa wakas nagawa kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Hinaplos niya ang mukha ko. "My girlfriend ako.
"Yung girlfriend mo may ibang lalaki."
Kumunot ang noo niya. "Huwag mong siraan ang girlfriend ko."
"Hindi ko siya sinisiraan sinasabi ko lang sa 'yo ang totoo. Kung ayaw mong maniwala 'di 'wag!"
Bumuntong-hininga siya. "Ihahatid na kita sa condo mo."
Tumango ako, saka pinikit ang mga mata. Hindi ko na yata kayang tingnan si Race. Sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko ngunit wala akong nakuhang sagot.
Anong ibig sabihin ng pinapakita niya sa akin?
Nang magising ako ay nasa ibang kuwarto ako. Tumayo ako upang lumabas, ngunit bago ko buksan ang kuwarto ay pumasok naman si Race. May dala siyang tray na may lamang pagkain.
"Bakit mo ako dito dinala?"
Tumingin siya sa akin. "Hindi kita ginising para mawala ang tama ng alak sa 'yo kapag nagising ka."
Tumayo ako. "Aalis na ako, salamat!" Ihahakbang ko pa lang ang mga paa ko nang bigla niyang hilahin ang braso ko.
"Huwag kang umalis."
Dahil matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kanya. "Bakit?"
"Nagluto ako ng pagkain kumain ka muna."
"Busog pa ako."
"Please…"
Huminga ako ng malalim. "Okay."
"Thank you!"
Kinuha niya ang tray na may laman pagkain at nilagay niya sa ibabaw ng kama. "Let's eat."
"Dito na lang tayo kumain." Tinuro ko ang maliit na table sa harap ng sofa.
"Okay."
Nagsimula na akong kumain para mabilis maubos ang pagkain ko. Gusto ko ng umuwi ng condo ko.
"Dina…"
Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "Bakit?"
"Totoo ba ang sinabi mo sa akin kanina?"
Tumango ako. "Kung ayaw mong maniwala wala naman akong magagawa."
"Paano mo nalaman na may iba siyang lalaki."
"Nakita namin siya ni Veronica sa disco bar. May kasama siyang lalaki at naghalikan. May video si Veronica, kunin mo sa kanya ang video para maniwala ka."
"Kung totoo ang sinabi mo makikipaghiwalay ako sa kanya."
Lihim akong nagbunyi sa sinabi niya. Kahit hindi niya ako mahalin. Ang mahalaga ay nakaalis siya sa girlfriend niyang niloloko siya.
Binilisan ko ang pagkain kaya limang minuto lang ay tapos na akong kumain.
"Salamat sa pagkain." Tumayo ako para umalis.
Ang akala ko ay pipigilan niya akong umalis at sasabihin na mahal niya rin ako. Gano'n kasi ang mga napapanood ko sa telebisyon pero nagkamali ako. Hindi niya ako pinigilan hanggang sa makasakay ako ng taxi.
Agad kong tinawagan si Veronica.
"Bakla, anong nangyari? sinuko mo na ba ang pempem mo?" saad ni Veronica.
Umikot ang eyeballs ko sa sinabi niya.
"Gaga! walang gano'n."
"Ay! ang hina mo naman."
"Anong ginawa n'yo?"
"Nakatulog ako kaya dinala niya ako sa condo niya tapos pinakain niya ako bago ako umalis."
"Anong pinakain sa 'yo? Jumbo hotdog ba? size nine," kilig na kilig na sabi ni Veronica.
"Alam mo, puro ka kababuyan ang nasa isip mo. Totoong pagkain ang hinanda niya at walang jumbo hotdog na size nine," pabulong ko.
Ayokong marinig ng driver dahil nakakahiya.
"Ang hina mo naman! Pagkakataon mo na nga pinalampas mo pa."
Bumuntong-hininga ako. "Magkita na lang tayo sa condo ko ngayon."
"Gaga! kanina pa ako nandito sa condo mo."
"Okay, hintayin mo ako malapit na ako." Sabay putol ko ng tawag.
KALAHATING-ORAS ang lumipas nang makarating ako sa condo ko. Pagpasok ko pa lang ay hinila ako ni Veronica sa sofa.
"Magkuwento ka dali!" Kilig na kilig pa siya.
"Sinabi ko kay Race na mahal ko siya."
Tumili si Veronica. "Oh, anong sagot niya?"
"May girlfriend daw siya. Sinabi ko sa kanya na niloloko siya ng girlfriend niya. Ayaw niyang maniwala sa akin."
Napawi ang ngiti ni Veronica. "Ay! tanga! matalino na tao pagdating sa pag ibig sobrang tanga. Dapat sinabi mo na may ebidensya ka para ipadala ko sa kanya ang kinuha kong video. Makikita niya ang girlfriend niyang parang sumisipsip ng kuhol sa pakikipaghalikan."
"Sinabi ko sa kanya na meron kang video. Sigurado kukunin niya sa 'yo ang video."
Kinuha ni Veronica ang telepono niya sa ibabaw ng lamesa. "Hindi ko na hihintayin na mag-chat siya sa akin para humingi ng kopya ng video. Ipapadala ko na sa kanya ang video."
Inagaw ko sa kanya ang phone. "Bruha! 'Wag mong gawin 'yan!"
"Bakit mo ako pinipigilan?"
"Hintayin mo siyang hingiin sa 'yo, baka sabihin niya excited akong iwan niya ang girlfriend niya."
"Iyon naman talaga ang gusto mo."
"Hindi ko gustong mangyari 'yon."
"Basta kapag hindi niya hiningi sa akin ang video ngayong linggo. Ipapasa ko na talaga sa kanya, 'wag siyang tanga sa girlfriend niya."
"Malay mo naman mahal niya ang girlfriend niya kaya nahihirapan siyang paniwalaan ang sinasabi ko."
"Sabihin na natin mahal na mahal niya pero dapat una niyang mahalin ang sarili niya."
"Basta hayaan mo na siya."
Nagkibit-balikat si Veronica. "Okay."
Kinagabihan ay nakatanggap ako ng text mula kay Race. Inimbitahan niya ako sa birthday niya na gaganapin sa condo niya. Ayoko sanang pumunta kaya lang nauna ng nagsabi si Veronica sa kanya na pupunta kami.
SUMAPIT ang araw ng lunes. Naging abala ako dahil sa mga project na binigay sa amin ng mga professor namin. Idagdag pa ang problema ng kaibigan kong si Tiffanie at Mathew. Napagbintangan si Mathew na nagnakaw ng phone kaya na terminate siya sa school namin. Awang-awa kami kay Tiffanie dahil namatayan na ng mommy, natanggal pa si Mathew dahil sa kanya. Si Cyndi naman ay hindi na pumapasok sa school.
"Hays! ano bang nangyayari sa mga kaibigan natin bakit nagkasunod-sunod naman ang problema natin," sabi ko kay Veronica.
Nasa loob kami ng cafeteria. Kaming dalawa lang ngayon ang kumakain ng lunch. Hindi na buo ang barkada namin.
Napansin kong tahimik si Veronica. "Hoy! bakit ang tahimik mo?"
"Ha? wala naman."
Kumunot ang noo ko. "Anong wala? para kang nasapian ng kabaitan."
"Iniisip ko lang si Tiffanie, Cyndi at Mathew."
Bumuntong-hininga ako. "Puntahan natin sila mamaya pag-uwi."
Tumango si Veronica, pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pagkain.
"Dina Monteverde!"
Hinanap ko ang boses na tumawag sa pangalan ko.
"Girl, ang girlfriend ni sir Race," bulong ni Veronica.
Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin, tapos nameywang siya habang nakatayo sa harapan ko.
"Sino ka?" Kunwari ay hindi ko siya kilala.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Malandi ka!"
Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin. Ang sakit ng sampal niya parang tumabingi ang mukha ko.
"Bakit mo sinampal ang kaibigan ko?!" Tumayo si Veronica.
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Idagdag pa ang mga estudyanteng pinapanood kami. Ang hilig pa naman nilang makiusyoso kapag may gulo.
"Paanong hindi ko sasampalin ang babae na 'to! Nilandi niya ang boyfriend ko." Humarap siya sa mga estudyante. "Alam n'yo ba na ang babae na ito ay inakit si Race Nobleza. Tama! Ang narinig n'yo, ang dati n'yong professor ang nilandi niya. Napilitan umalis ang professor n'yo para iwasan ang malanding babae na 'to."
Yumuko ako sa sobrang hiya sa mga estudyante. "Hindi totoo ang sinabi mo," pabulong ko.
"Puro kasinungalingan ang sinasabi mo," sagot ni Veronica.
Tinaasan niya ng kilay si Veronica. "Huwag kang makialam dito. Pareho lang kayo ng kaibigan mong malandi."
"Look who's talking. Sino kaya sa atin ang malandi? Gusto mo ikalat ko ang video mo habang nakikipaghalikan ka sa lalaki mo sa disco bar? Tsk! kung humalik akala mo sumipsip ng kuhol," sagot ni Veronica.
Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga estudyante.
"Hindi totoo 'yan sinasabi mo!"
"Gusto mo ba ng ebidensya? huwag kang mag-alala binigay ko na kay Sir Race 'yung video. Sigurado kapag nakita niya makikipaghiwalay na siya sa 'yo. Galit na galit ka e, mas malandi ka naman."Matapang na sagot ni Veronica.
Bilib talaga ako sa tapang ni Veronica. Hindi talaga siya nagpapatalo lalo kung alam niyang tama siya.
Humarap sa akin ang girlfriend ni Sir Race. "Tandaan mo 'to! Akin lang si Race, at hindi mo siya maagaw sa akin!" Pailalim niya akong tinitigan saka tuluyang umalis.
"Lumayas ka na! Akala mo kung sinong malinis," saad ni Veronica.
Huminga ako ng malalim ng umalis ang babae.
"Okay ka lang?" tanong ni Veronica.
Tumango ako. "Ayokong magsalita dahil baka pumatak ang luha ko. Ayokong makita ng mga estudyante na umiiyak ako.
"Dina, uuwi na ako hindi ako puwedeng matulog dito sa condo mo ngayon. Si mommy kasi broken hearted na naman," saad ni Veronica.
Nang matapos ang klase namin ay umuwi na ako sa condo. Sinamahan ako ni Veronica ng ilang oras para i-comfort ako.
Tumango ako. "Thank you."
"Pumasok ka bukas baka pati ikaw hindi pumasok."
"Oo, papasok ako, tatawagan ko rin pala si Cyndi, Tiffanie at Mathew. Malapit na ang Midterm natin."
"Oo, tawagan mo sila balitaan mo na lang ako kung nakausap mo na sila."
"Sige, mag-ingat ka."
Hinatid ko siya sa hanggang makasakay siya ng elevator pababa, pagkatapos ay bumalik ako sa condo ko. Sinikap kong balewalain ang sinabi ng girlfriend ni Race. Kinuha ko ang libro ko para gumawa ng assignment.
Limang minuto pa lang ang lumipas ay tumunog ang doorbell.
"May naiwan siguro si Veronica." Tumayo ako para buksan ang pinto.
"Ano na naman ang naiwa—"
"Can I come in?" Namumungay ang mga mata ni Race habang nakangiti sa akin.
"Lasing ka?"
Ngumiti siya. "Hindi nakainom lang ako."
Huminga ako ng malalim. "Pasok ka." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.
Umupo siya sa sofa. "Puwede ba akong humingi ng kape?"
"Okay, pagtitimpla kita ng kape."
Dumiretso ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape.
"Ito na ang kape mo…"
Nakita ko siyang nakahiga sa sofa at tulog.
"Hays! nakatulog na sa kalasingan."
Ibinababa ko sa lamesa ang kape at inalis ko ang suot niyang sapatos para makahiga siya ng maayos. Kumuha ako ng unan at kumot saka nilakasan ko ang aircon. Ipinagpatuloy ko naman ang ginagawa kong assignment habang binabantayan ko siya. Naririnig kong humihilik siya habang natutulog.
"Bakit kaya siya magpakalasing?"
Nang matapos akong gumawa ng assignment ay pumasok na ako sa kuwarto ko para matulog.
"Good morning!"
"Good morning, Race.." Natigilan ako ng maalala kong wala akong suot na bra at manipis na tela ang suot kong damit. Tumakbo ako sa kuwarto ko at kinuha ang makapal na towel para itakip sa dibdib ko, pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto. Nakita ko siyang kumakain.
"Sabayan mo akong kumain."
Lumapit ako sa kanya. "Hindi ka na lasing?"
Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Salamat pala kagabi. Hinayaan mo akong makatulog dito. Pasensya nakialam na ako sa kusina mo."
"Bakit ka nagpakalasing?"
Huminto siya sa pagkain. "Totoo ang sinabi mo na niloloko lang niya ako."
"Nakita mo ang video?"
Tumango siya. "Sana huli na yung ginawa n'yong pakikialam sa buhay ko. Ayokong pinakikialam n'yo ang buhay ko."
Huminto ako sa pagkain. Parang hindi ko malunok ang pagkain dahil sa sinabi niya.
"Okay, kung 'yan ang gusto mo."
"Mahal mo ba talaga ako?"
Inangat ko ang kilay ko. "Bakit ba kailangan paulit-ulit mong tanungin sa akin 'yan?"
Umiwas siya ng tingin sa akin. "Kung mahal mo ako tigilan mo na 'yan… hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo."
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sinabi niya.
Pilit akong ngumiti. "Hindi mo talaga ako kilala. Alam mo bang kaya ako umalis sa poder ng pamilya ko dahil gusto kong gawin maging malaya. Lahat ng gusto ko ay makukuha ko, kaya 'wag mo akong utusan kung anong dapat kong gawin. Magulang ko nga hindi ko sinunod sa gusto nilang bumalik ako ng probinsya, ikaw pa kaya? makukuha rin kita sa ayaw at gusto mo."
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Ganyan ka na ba ka-desperada para humabol sa taong hindi ka naman mahal?"
Tumawa ako. "Look who's talking. Ako ba talaga ang humahabol? Bakit ka nandito ngayon sa condo ko kung ako ang humahabol sa 'yo? Bakit ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo rin ako."
Umiling siya. "Ubusin mo na 'yan kinakain mo dahil baka mahuli ka pa sa klase mo."
"Mahal mo ba ako, Race?"
Huminto siya sa pagkain at sinalubong ang tingin ko. "Hindi kita mahal.."
Lumunok ako para pigilan ang luha ko. "Okay, hindi mo ako mahal ngayon pero balang araw mahalin mo rin ako." Binilisan ko ang pagkain para mauna akong matapos. Sa loob ng banyo ko binuhos ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.