“Ano? Sideline tayo sa bar? Sayang din yo'n, Jenn.” Nagulat sita sa untag sa kanya ng kaibigan niyang si Trisha. Kakabihis niya palang ng kanyang pamalit dahil tapos na ang shift nila.
Sinulyapan niya ang oras sa relo niyang suot. Alas diyes palang ng gabi at hindi parin naman siya pagod. Nangangati din naman ang mga kamay niyang mag hugas ng mga baso at plato sa bar kaya papatusin niya ang yakag sa kanya ni Trisha.
“Tayo na.” Yaya niya bago umuna nang lumabas sa store.
Partners in crime sila palagi ni Trisha pagdating sa mga sidelines. Hindi niya kasinghirap si Trisha pero hindi niya alam kung bakit nag titiis mag trabaho ito gayong may konteng kaya naman ito sa buhay.
Bago sila pumasok sa bar ay tinawagan niya muna ang pinsan niyang si Akio na pinakiusapan niyang mag bantay muna sa Papa niya ng kahit isang araw man lang. Nag imporma lamang siya na baka bukas ng umaga na siya pupunta ng ospital.
Bago sila lumabas bukas ng ospital ay isasalang muna sa dialysis ang Papa niya. Kung may ilang oras din iyon. Two times a week na dina-dialysis ang kanya Papa. May health card naman ito at sakop ng card ang mga bayarin ng bawat session ng dialysis kaya hindi niya masyado iniisip ang gastusin tungkol doon.
Ang problema kapag na reach na ang exact amount na laman ng card!
Nahihiya narin naman siyang lumapit sa mga kamag-anak niya at mga kapatid ng Papa niya kahit wala pa naman siyang naririnig na masasakit na salita sa mga iyon.
Panganay siya at sa kanya naka-atang ang mga responsibilidad kaya gano'n na lamang siya kung mag hanap-buhay.
“Ako nalang dito sa washing area, Trish. Ikaw nalang ang mag serve.” Mungkahi niya sa kanyang kaibigan. Pumayag naman ito kaya napangiti siya bago itinuon na ang sarili sa sandamakmak na hugasin.
Absent ang isang server girl kung kaya't isa sa kanila ang inatasan na mag serve. Mabait ang may ari ng bar na pinapasukan nila at walang ligalig kaya para manatili ang kabaitan ng amo nila ginagawa nila ng maayos ang inuutos nito.
Sanay naman siyang mag serve kaso may araw talaga na hindi niya feel at mas gustong mag hugas nalang siya ng mag hugas.
May ilang buwan narin silang nag sa-sideline sa bar kaya halos kilala narin nila ang mga empleyado ng bar. Isang sikat at kilalang bar ang MOC Bar kaya 24 hours itong bukas at sila naman ay kung hanggang anong oras gusto nilang mag trabaho. Walang problema sa boss nila dahil madami naman silang dishwasher at cleaner.
“Jenn! Jenn!” Napalingon siya sa kaibigan niyang si Trisha na sunod-sunod siya nitong tinatawag.
“Bakit? Anong nangyari?”
“Pwedi bang ikaw na muna mag serve nito sa taas? Feeling ko may tagos ako kaya cr muna ako. ”
“Akin na daw.” Turan niya sabay kuha ng isang bucket na may lamang yelo at alak na nakatulay sa gitna.
“Salamat ng marami, beshywap. Table 8, ha.” Pahabol na saad ni Trisha habang papalayo sa kanya. Naka-apron parin siya at hindi na niya tinanggal 'yon dahil ngayon lang naman niya gagawin 'to.
Siksikan ang mga tao sa dance floor kaya bahagya na siyang nakalusot kung hindi pa siya tinulungan na pagdaanin ng isang bouncer na nakatayo sa tabi. Nginitian niya lang si Kuya bouncer bilang pasasalamat.
Hinagilap ng mga mata niya ang table 8. Nasa bandang kaduluduluhan pa pala! Hindi niya masyadong gamay ang second floor ng club kaya hindi niya agad makita.
May mga lalaking na panay-panay ang sipol sa kanya pero binabalewala niya nalang ito dahil sanay naman siya. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho sa bar ay wala pa namang nang bastos sa kanya o sa kanila ng kaibigan niya. May batas sa loob ng bar kaya hindi allowed ang mga bastardo doon.
“Heto na po ang order niyo, Sir—” Biglang napatigil ang pagsasalita niya ng makita si Jersey!
Bakit ba tila hindi yata matatapos ang buong gabi niya na hindi talaga sila magkita! Pa tatlong pagkikita na nila ngayon at tila namimihasa na ang araw ng linggo sa kanya! Bumabawi ba ito pagkatapos ng limang taong pananahimik? Pwes, hindi siya natutuwa! Dahil sa tuwing nakikita niya ito siya namang pag tambol ng walang hiya niyang dib-dib!
Medyo nagulat si Jersey nang makita siya pero panandalian lamang at ngayon ay tumatagos na ulit siya sa paninitig nito sa kanya. Para lang talaga siyang hangin na kahit anong tingin sa kanya ay hindi siya nito nakikita. May parte na nasasaktan siya pero wala siyang karapatan na panatilihin 'yon sa sestema niya.
“Thank you, Miss.” Narinig niyang saad ng isang lalaki na kasama nito sa table. Bumalik ulit ang atensyon niya sa pag lalapag ng bucket sa lamesa. Hindi siya sumagot at basta nalang utinuon ang sarili sa ginagawa. Kinuha niya ang mga basong walang laman at hindi na ginagamit at dahan-dahan na nilagay sa isang tray. Akmang dadamputin na niya ang tray nang madulas ito sa kamay niya dahilan para mahulog sa sahig ang isang baso na bubog. Sa katarantahan mabilis niyang dinampot ang mga basag na bubog at doon may narinig siyang may nag mura pero hindi niya alam kung sino!
“Hey, Miss! Do not pick the broken ones. Shít! May dugo na sa kamay mo!” Bulalas sa kanya ng isang kasamahan ni Jersey.
Dinampot niya parin ang mga nabasag at tila namanhid ang kamay niya kahit duguan na. Wala siyang pakialam at gusto niya lang ngayon ay malinis ang kalat niya para hindi siya mapagalitan ng boss niya. Ayaw na niyang mapahiya sa harapan ni Jersey! Bakit ba kasi nag papaapekto siya sa presenya nito!
Kagat niya ang ibabang labi nang makitang duguan ang kamay dahil sa sugat nang marinig niyang nagsalita ang isa pang lalaki. Takot siya sa dugo pero tinibayan niya parin ang kanyang sarili. Alam na alam ni Jersey na takot siya sa dugo at kung paano siya sinisikmura kapag nakakakita siya ng dugo. Pero noon 'yon! This time hindi na alam ni Jersey! Ni kahit nga matumba pa siya at mawalan ng malay dahil sa katakutan sa dugo ay hindi man lang siya nito tutulungan!
She's nothing to him.
“Fúck, Jers! Ikaw ang doctor dito. Clean the wound on her hands!” Parinig niyang utos ng isang lalaki kay Jersey habang nilalayo nito ang mga nabasag na mga bubog. Hindi siya umaasa na tutulungan siya nito. Hindi na siya kilala ni Jersey para makisimpatya pa sa nangyayari sa kanya ngayon. Matagal na at taon na ang lumipas kaya maraming nagbago. Maraming nangyari na hindi niya alam at lalong mas malaki ang pinag-iba nito kaya marapat lang na hindi siya umasa na matutulungan siya nito.
Hindi na ito ang Jersey Hades na kilala niya at minahal niya noon. Hindi na dahil siya mismo ang gumawa ng dahilan para mag bago ito.
“Magagamot siya ng staff ni Najee and besides I'm tired at hindi ako nag punta dito para lang mang gamot ng mga taong lampa.” Sunod-sunod na pagkakasabi nito sa harapan niya habang walang emosyong tiningnan ang sugat niyang binalandra ng isang matangkad na lalaki na narinig niyang tinawag na Jaxx ng mga kasamahan nito kanina. Napasinok siya ng wala sa oras nang hindi na niya kinaya na pigilan ang sakit na nararamdaman ngayon. Nakita niya kung paano siya nilampasan ni Jersey at hindi man lang pinagkaabalahan na kaawaan. Rinig na rinig niya kung paano nag mura yung Jaxxon kung kaya't binawi niya ang kamay niyang may sugat na hawak-hawak nito.
“Sa-salamat po, Sir. K-kaya ko naman 'tong gamutin. Pasensya na po.” Putol-putol niyang pagkakasabi kay Jaxxon at agad na tinalikuran ang mga ito. Malapit na siya sa hagdanan para bumaba ng bumalik ulit siya para kunin ang tray na sana ay dadalhin niya kanina. Nag pang-abot ulit ang mga presenya nila ni Jersey pero hindi niya na ito tinapunan ng ni katiting na tingin kahit pakiramdaman niya ay tinitingnan siya nito ng malamig.
Tangina!
Narinig niyang mura nito pero nag tuloy-tuloy na siya ng pagbaba sa hagdan hanggang sa marating niya ang kitchen. Sa huling pagkakataon at sa huling oras bago sumapit ang umaga para maging panibagong araw ulit para sa kanya muli niyang hinayaan na tumulo ang kanyang luha. Kailan kaya siya papanigan ng pagkakataon dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos pakiramdam niya pinagmalupitan siya ng sagad para maranasan ang mga nangyayari sa kanyang buhay!