bc

Dosage of Love—Hopeless Romantic #1—

book_age18+
815
FOLLOW
9.2K
READ
love-triangle
drama
office/work place
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Kung virginity ko ang magiging kabayaran sa lahat ng pasakit na tinamo mo dahil sa pang-iiwan ko sa'yo p'wes ibibigay ko! Kahit paulit-ulit mo akong angkinin hindi ako mag rereklamo kung sa paraan na 'yon ay magiging patas na tayo.” Saad ni Jenn habang hubo't hubad na sa harapan niya.

Paano niya maiiwasan ang isang babae na minsan nang nag patibok ng kanyang puso at  dose-dosenang pagmamahal ang naibigay niya kung higit pa sa malimit niya itong nakikita sa ospital nila. Will he just ignore Jenn when he still  loves her so much kahit ilang beses nang ipamukha sa kanya ni Jenn na hindi nito maiibigay ang oras at pagmamahal na gusto niya? Dahil, mas pipiliting ayusin ni Jenn ang gusot ng pamilya nito kaysa sa gusot ng pagmamahalan nila. “Mahalin mo lang ako ulit, babayaran kita sa halaga na gusto mo.” Tatanggapin kaya ni Jenn ang alok niya gayong pride at ego na niya ang nilaban niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Kailangan kong tapusin kung ano man ang meron tayo. Priority ko ang pamilya ko at ngayon palang masasabi kong hindi ko kayang bigyan ng pansin ang relasyon natin.” Sunod-sunod niyang sabi habang nagpapakawala ng mabigat na hangin galing sa kaloob-looban niya. Hindi niya gusto na umabot sila dito ng karelasyon niya na masasabi niyang una at totoong pag-ibig niya. Ngunit, hindi niya kayang hatiin ang katawan at puso niya dahil iisa lamang siya. Lahat ng atensyon niya kailangan nakapukos lamang sa pamilya niya dahil iyon ang nararapat. Mabigat na nag-angat siya ng tingin upang salubungin ang matang nakatitig sa kanya. She bit her lip. Magiging masakit para sa kanya ang gagawin pero, wala na siyang choice. “I’m sorry Jers, kailangan…” pumiyok siya. At muling lumunok. “Kailangan nating tapusin ang relasyon natin,” mabigat ang tinig na saad niya. She lower her head, nahihirapan siyang makita na naglaho ang kaninang masayang ngiti ni Jersey, napalitan iyon ng pagtataka at pagkalito. “Jenn, nagbibiro ka ba?” bakas ang pagkalito sa tinig nito. Halatang hindi gustong paniwalaan ang sinasabi niya. Nagpapakawala siya ng mabigat na hangin galing sa kaloob-looban niya. Hindi niya gusto na umabot sila ni Jersey sa gano'n, pero nahihirapan na siya. “Seryoso ako Jers, alam mo naman ang kalagayan namin ngayon. At totoong nahihirapan na ako. Nako-konsensya ako na puro ikaw na lang ang nagbibigay ng oras para sa relasyon natin..” Pumipiyok pang saad niya. “No! Ilaban mo naman ako, Jenn. Hindi ako magiging pabigat sa'yo. Iniintindi naman kita sa abot ng aking makakaya at hindi ako mag rereklamo kapag hindi mo ako mabibigyan ng oras mo. Okay lang sa akin na ituon mo ang atensyon mo sa pamilya mo dahil 'yon naman ang dapat. Basta andito lang ako handang maging sandalan mo kapag napapagod ka, kaya 'bakit ka nakikipaghiwalay? May nagawa ba ako, may mali ba ako ha….” mangingiyak na usig ni Jersey sabay hawak sa kanyang nanlalamig na palad. “Mawawalan na ako ng oras sa'yo. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo dahil ngayon palang hirap na hirap na akong hatiin ang atensyon ko sa'yo at sa pamilya ko. Paano pa kaya kapag nag tagal pa tayo sa ganitong set-up?” giit niya. Alam niyang mababaw na dahilan dahil mabait at maunawain si Jersey. Pero, nako-konsensya siya. Nagiging unfair na siya dahil ito na lang ang laging nagbibigay. At hindi niya maiwasan ang usig ng konsensya niya. “Jenn, hindi naman ako humihingi ng kahit ano, sapat nang alam kong….” “I’m s-sorry....” putol niya sa sasabihin nito. Awtomatikong nanubig ang kanyang mata. She can't control her emotions. Gusto niya mag pakatigas ngunit masyadong mababaw ang luha niya para pigilan na hindi mapaiyak. “Pero buo na ang pasya ko.” Iniwasan niyang pumiyok sa kabila nang bigat sa kanyang dibdib. “Gano'n lang, Jenn? Gano'n lang ba kadaling itapon para sa’yo ang limang taong relasyon natin, dahil lang nahihirapan ka na? Five years tayong nagmamahalan tapos itatapon mo lang sa walang kwenta mong rason? God! I can be your slave or anything. I'm always here for you... At handa kong isugal ang lahat na mayroon ako, just don't push me away!” Giit ni Jersey, bakas ang inis sa boses nitong halatang nagpipigil sumigaw. “Hindi ko alam na ganito ka pala kahina, Jenn… no, hindi ka mahina. It’s just your pride that you wanted to push me away. Ayaw mong tumangap ng tulong kahit nahihirapan ka na!” May diin na sambit nito, na ikinatitig niya sa binata. He was right nahihiya na siya sa lahat ng efforts nito at alam niyang nagiging pabigat na siya para kay Jersey. Her damn pride pero…. ayaw niyang masumbatan siya nito pagdating ng panahon. “Intindihin mo sana ako, Jers, It's better if we finish everything we have.” Kuyom ang kamaong saad niya. Alam niyang hindi ito basta titigil. Kaya, mas makakabuting masaktan na lang ito sa mga sasabihin niya. Baka mas magiging madali pa ang lahat. Mas lalo lang siyang mahihirapang makitang nagmamakaawa ito sa kanya. Mahal niya si Jersey kaya mas tamang palayain niya ito. Ayaw niyang maging pabigat pa siya sa binata. Dahil alam niyang mas pipiliin niyang atupagin ang responsibilidad niya bilang anak na panganay. May oras pa sa pagmamahalan nila at makakapaghintay ang pagkakataon kung sila talaga ang itinadhana. “Jenn…please..” samo nito na humakbang pa sana upang yakapin siya. Pero kusa siyang umatras palayo dito. “Mahal kita, pero mas mahal ko ang pamilya ko.” muling nag-uunahan ang luhang pumapatak sa kanyang mata. At sa bawat hakbang niya palayo sa lalaking pinakamamal ay tila punyal na humihiwa sa puso niya ang pait sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. “ Tapos na ang lahat na meron tayo…masakit, pero mas kailangan ako ng pamilya ko.” Mabilis niyang tinalikuran si Jersey at pumasok sa kanilang bahay. Iniwan niya ng walang sabi si Jersey habang ito ay hindi parin napo-proseso ang nangyari sa kanila. Ginusto niya ang gano'n. Gusto niya wala silang magandang closure at lalong mas gusto niyang kasuklaman siya ni Jersey kung kaya't ginawa niya iyon. Patakbo siyang nagtungo sa kanyang silid. Buti na lang walang nakakita sa kanya, kundi lalo lang mag-aalala ang ama niya. Ngayon, mas ramdam na ramdam ni Jenn ang hirap ng kanilang buhay. Isang kahig isang tuka kung maiihambing niya ang klase ng sinasabana nila ngayon. Nawalan ng trabaho ang kanyang ama dahil naging baldado ito ilang taon na ang nakakalipas kung kaya't nagtitiis sila ngayon dahil sa halip na pangbili na nila ng pang-ulam at ibang pangangailan nila ay mas kailangan ibili ng gamot na maintenance ng kanyang Papa. High school lamang ang tinapos niya kahit may pangarap siyang pumasok ng koliheyo. Wala siyang ibang magagawa kundi ang mag trabaho dahil siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ang Mama niya iniwan sila matapos nitong umanak sa bunso niyang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang naging rason ng kanyang Ina para iwanan sila sa ere ng gano'n lamang. Kaliwat-kanan ang pagtatrabaho niya dahil bukod sa may iniinom na maintenance na gamot ang kanyang ama ay two times a week din itong dina-dialysis. Malimit din itong i-confine dahil minsan nahihirapan na itong huminga dulot ng mga kumplikasyong nararamdaman. Wala siyang karapatan na mag atungal o' umayaw dahil responsibilidad niyang alagaan ang kanyang ama at gampanan ang lahat na dapat ang kanyang Ina ang gumagawa niyon. Ngayon na wala na sila ng kanyang long time boyfriend magagawa niya ang pinangako niya sa kanyang sarili na habang siya ay nahihirapan masaya parin siyang naka-antabay sa magiging magandang kinabukasan ng lalaking hiniwalayan niya. Wala siyang karapatan na maging masaya at dapat puro lamang paghahanap-buhay ang gagawin niya dahil mas pinili niyang bitawan ang ng taong nagpapasaya sa mundo niya. Sorry... Mahal kita pero mas mahal ko ang pamilya ko. Hindi kita kayang ilaban at hindi ko kaya na madamay ka pa sa paghihirap ng buhay ko, Jers. Sana mapatawad mo ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook