Chapter 1- After Five Years

1596 Words
Kasalukuyan niyang dinudukot ang kanyang cellphone sa kanyang sling bag dahil may narinig siyang may nag txt sa kanya. “Ate, pasalubong po ng tinapay, ha?” Napangiti siya ng mabasa ang txt message ng kanyang kapatid. Magsisimula na ang misa at nakita niyang nagsitayuan na ang mga tao para sa pagdadasal na gagawin. Ibinalik niya sa kanyang bag ang kanyang cellphone at itinuon ang atensyon sa pari na nasa harapan ng altar. Sa ilang minutong pagtayo at pag-upo at pag luhod tila may naramdaman siyang kakaiba. Lukso ng damdamin pero nanatili parin siyang nakatayo habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang katabi bilang pag respeto sa pinapanalangin nila. Pinagsawalang bahala niya ang nararamdamang kakaiba. Malimit siya magsimba lalo na kung nararamdaman niya na nanghihina na siya sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Minsan naiisip na lang niya kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ang kagaya pa niya ang nagkaroon ng ganito kalaking problema. Kung may magic lang sana siya uunahin na niyang pagalingin ang kaniyang ama para hindi na niya ito nakikitang nahihirapan. Bawat daing ng kaniyang ama ay doble o triple pa yata ang katumbas na pasakit sa kaniya. Pero hindi bale na maghirap ang katawang lupa niya basta magkakasama lang silang mag-aama. Gano'n niya ka mahal ang kaniyang pamilya. Nang dumating na sa punto na mag babatian na ay kaagad lumingon si Jenn sa kaliwa at kanan. Kaagad din siya lumingon sa likod ngunit laking gulat niya nang mapagsino ang lalaking sanay babatiin niya. Si Jersey! Paano ba niya magagawang kalimutan ang lakaking ito? Hindi niya maunawaan ang sarili kung itutuloy ba niya yung peace be with you na sanay sasabihin niya! Totoo bang may kapayapaan sa pagitan nilang dalawa? Hindi ba at nang huli nilang pagkikita ay nakita niya kung paano lumuha ang lalaking ito para lamang sa kaunti niyang simpatiya? Sigurado ba siya na hindi siya sisimangutan ng lalaking ito kung susubukan niyang bumati? Nakaramdam siya ng bahagyang pagka-ilang! Malayo na ang narating tiyak ni Jersey. Mas lalong malaki na ang agwat nila ngayon! Halos hindi niya magawang huminga nang maayos. Pakiramdam niya ay naninikip ang kaniyang dibdib at yoong puso niya ang salarin! Halos mabingi siya sa lakas ng pintig noon! Lord...please, hindi ko gusto ang nararamdaman ko na ito. Dapat matagal ko nang naalis ang lalaking ito sa sistema ko!! Bigla siyang nanghina at the same kinakabahan ng mag tama ang mga mata nila ngunit baliwala lang siyang tiningnan ni Jersey. Jersey Hades Lowell is a well-known Doctor and owner of the famous and known Lowell Hospital all over the Philippines. Ang ex niyang mahigit ilang taon silang mag-on noon. Noon nga lang talaga 'yon dahil ngayon iba na. Hindi na sila. At malabong maging sila dahil mukhang may bago na itong mahal base sa nakikita niya ngayon. Ibinalik niya ang atensyon sa harapan niya at hindi itinuloy ang gayak na sasabihin kay Jersey pero bago yo'n. Bago niya iiwas ang paningin kay Jersey nilakbay ng mga mata niya ang babaeng katabi nito. Sinulyapan niya ng madali ngunit daan lang talaga dahil tinarayan siya nito. Bigla siyang bumalik sa dati niyang pwesto. Napayuko siya basta at binaybay ng paningin niya ang mga suot niya. Nakaramdam siya ng hiya. Pakiramdam niya tangkay lang siya ng buhok ng babaeng kasama ni Jersey. May namumuong luha sa mga mata niya pero hindi niya pinahintulutan na pumatak. Pinipigilan niya hanggang sa pakiramdaman niya ay tumigil na din iyon ng kusa. Umampat ang namumuong luha niya. Hinihiling niyang sana matapos na agad ang misa para makalabas na siya dahil pakiramdam niya naninikip ang dib-dib niya. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan parin siya gayong siya naman ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sila. “Peace be with you, babe.” May kalakasang saad ng babae na nasa likuran niya lang. Alam niyang iyon ang babaeng katabi ng ex niyang si Jersey. Pinagtibay niya ang kanyang sarili habang nananalangin. Pumunta siya ng simbahan para ipagdasal ang kalagayan ng kanyang ama na ngayon ay naka-confine na naman sa isang public na ospital. Ayaw niyang mag papaapekto dahil una sa lahat wala siyang karapatan. Dinukot niya ang kanyang cellphone nang maisipan na i-txt ang kanyang kapatid. Tapos na ang misa at kasalukuyan siyang nasa labas ng simbahan. Habang papalabas siya kanina ay hindi na niya ulit tinapunan ng tingin si Jersey para iwasan nalang ang mamumuong sakit na sakaling maramdaman niya ulit. “Hindi pa kaagad makakauwi si Ate. Dadaan muna ako sa 7/11 para mag sideline. Okay? Mamaya nalang ang tinapay mo. Matulog ka ng ma-aga.” Pagka-send niya basta niya ipinasok sa kanyang bag ang cellphone niya ngunit sa kasamaang palad ay nahulog iyon sa semento. Akmang dadamputin na niya nang makita na naapakan ng isang babae ang cellphone niya. Saktong-sakto na lumanding ang matilus na takong nito sa screen ng cellphone niya dahilan para mag crack. Nanlumo siya at biglang sinundan ng tingin ang apat na pares na mga paa na nakatayo sa harapan niya. Binaybay ng mga mata niya ang mga paa ng mga ito pataas habang dahan-dahan din siyang tumatayo. Lalo na naman siyang nanlumo at basta kumabog ng walang sa oras ang dib-dib niya nang makita na si Jersey ang lalaki at ang kasama nitong babae ang nakaapak sa cellphone niyang nag hihingalo narin minsan. “I'm sorry I didn't mean to stepped on your old cellphone.” Pasupladang saad ng sexy na babae sa kanya. Sinulyapan niya ng tingin si Jersey ngunit malamig lang siya nitong tinitingnan na para bang hindi siya kilala. Para bang wala silang pinagsmahan noon. Tinititigan lang siya nito habang nakahawak ang isang kamay sa bewang ng seksing babae na kasama nito. Lihim niyang nakagat ang ibabang labi ng tila tumatagos na sa sestema niya ang presensya ni Jersey. Nasasaktan siyabsa pakikitungo nitonsa kanya. Napayuko siya at basta dinampot ang cellphone niyang basag na. “O-okay lang, aksidente ang nangyari.” Tugon niya bago nagmadaling tinalikuran ang mga ito. Nangangatal ang mga kamay niya habang pinapasok ang sirang cellphone sa bag niya ngunit napatigil siya ng pag hakbang ng marinig niyang tawagin siya ng babae. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya pero nanatili siyang nakatayo. “Accept it and buy a new cheap cellphone,” may katarayang sabi ng babae sa kanya habang tila nandidiri na inaabot sa kanya ang limang libo na pera. Wala siyang nagawa nang basta nalang nito ibigay sa kanya ang malulutong na lilibuhin at basta nalang siya tinalikuran ng dalawa. Pakiramdam niya sobrang liit niya sa paraan ng pag asta sa kanya ng babae at ng ex niyang si Jersey. May tumulong munting luha sa kanyang mga mata habang tinitingnan ang hawak-hawak na limang libong pera. Gano'n na ba siya ka despereda para tanggapin ang binigay na pera ng babae na girlfriend siguro ng ex niya. Nahihiya siya at the same time naawa siya sa kanyang sarili. Okay lang yan Jenn. Ibalik mo ang pera kapag nag krus ulit ang mga landas niyo. Mahinang saad niya sa kanyang sarili habang pinapalis ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Binalot niya sa panyo ang limang libo bago nilagay sa secret pocket ng kanyang sling bag at pinagpatuloy ang paglalakad palabas ng simbahan. Ang malas niya ngayong gabi. Ayaw niyang magkasala dahil kakalabas niya lang ng simbahan kaya huminga nalang siya ng malamim at doon pina-ubaya ang lahat. Pagdating niya sa convenience store kung saan isa siyang service crew. Madami nang tao kahit maaga pa naman. Palibhasa linggo ngayon kaya saksa ang mga taong bumibili. “Jenn! Dalian mo, galit na si Manager sa'yo.” Alertong bungad sa kanya ng kaibigan niyang si Trisha habang nag aasikaso ng mga order ng mga costumers. Tumango lang siya at nag madaling tumungo sa locker room niya para mag bihis. Waka siyang sinayang na oras at agad na nag serve ng mga order. Kaliwat-kanan ang mga costumer na nakatayo sa counter para pumila kung kaya't nakikipag siksikan din siya para makadaan ngunit sadyang minamalas talaga siya ngayon dahil natabig ng isang costumer ang dala niyang tray na may lamang burger at juice. Nagkalat sa sahig ang mga natapon. Nataranta siya nang marinig ang malutong na mura ng kanyang manager. “Fúck! Ano ba Jenn!? Late kana nga tapos pinairal mo pa yang kalampahan mo! The total price of those is charged to your salary! Linisin mo na yan!” Galit na sabi ng kanyang manager. Habang nanginginig ang mga labi dahil sa nagawa niya at sa mga narinig na pag mumura sa kanya ng kanyang manager nagawa niya paring likumin ang mga natapon kahit namumuo na ang luha niya. Wala naman sana siyang pakialam kung murahin siya ng murahin kahit may mga nakakarinig pa. Manhid na siya. Ang kanya lang sayang yung ibabawas sa kanyang sahod na sana pandagdag na 'yon sa pangangailangan nila. Kaso, wala eh, nakabuntot palagi ang kamalasan sa kanya kaya siya din ang nahihirapan ngayon. “Hurry up, Jenn!” Sigaw ng kanyang manager dahilan para mapapitlag siya habang mabilis na nililigpit ang mga kalat. Napatigil pa siya bigla nang sa pagtayo niya ay muntikan na niyang mabangga ang isang lalaki na nakapila. Si Jersey ang lalaking nakatayo! Nakatingin ito sa kanya na para bang nag papahiwatig kung bakit ang lampa-lampa niya! “So-sorry...” Nanginginig niyang paghingi ng pasensya bago hinawi ang mga tapong buhok na nakakasagabal sa kanyang paningin bago mabilis na tumungo sa likod upang itapon ang mga natapong order. “Ako na ang mag ma-mop.” Untag sa kanya ni Joshua ang kasamahan niyang crew. Tumango lang siya habang tuluan ang luha habang nag huhugas ng mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD