Chapter 3- Server

1388 Words
Kasalukuyang nasa dialysis session ang kanyang Papa kaya pansamantala muna siyang iidlip sa labas ng dialysis room. Natapos narin naman niyang asikasukan ang mga dapat aayusin para sa pag discharged ng pasyente niya. Dahil malimit silang mag pabalik-balik sa ospital nagagamay narin niya ang bawat pasilyo nito kaya hindi na siya nahihirapan sa mga pasikot-sikot. Halos alas tres na ng umaga siya dumating kanina sa ospital at kung hindi pa sila hinatid ng isang private na service ng kanilang boss ay panigurado baka alas kwatro na siya nakarating sa ospital. Ang nangyari kagabi ay hindi nalaman ng kanyang boss ngunit dahil ayaw naman n'yang sa iba pa nito malalaman kaya siya narin mismo ang nag bukas at sinumbong ang sarili. Humingi siya ng despespensa kahit wala naman sana iyon sa boss nila. Ginamot din ng staff ng MOC bar ang sugat niya kahit tinapalan niya naman ng band aid para pang ampat sa dugo. Hindi sa may special treatment siya sa bar. Responsibilidad siya ng pinagtatrabahuan niya kahit pa pasulpot-sulpot lang ang pag sa-sideline niya do'n ng paghuhugas. “Matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag tapos na ang session ni Tito Al.” Sabi sa kanya ng pinsan niyang si Akio. Kanina niya pa ito tinataboy para umuwi na ng makapagpahinga na sana ngunit matigas din ang ulo at nag pumilit na sasabay nalang ito sa kanila. Hindi nalang siya nagsalita at basta nalang pinaubaya ang ulo sa headrest ng stainless na upuan. Iidlip muna siya dahil mamayang gabi ay mag hanap-buhay na naman siya. Hindi pala hanap-buhay kundi hanap patay. Dahil papatayin niya ang sarili niya sa pagtatrabaho! Magkatulad sila ng shift ni Trisha kaya nagaganahan din siya dahil hindi siya na a-out place doon dahil sa iba niyang mga katrabahong matindi ang galit sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa na masama. Jenn is a type of girl na kahit sa simpleng pananamit niya na kahit mukhang manang na para sa kanya ang suot niya pero para sa iba ang unique niya sa ganoong klase at ayos. Para sa kanya hindi niya nakikita iyon! Kaya siguro gano'n na lamang ang inggit sa kanya ng mga katrabaho niya sa store kasi hindi nila matanggap na kahit sobrang gulo man ng pagkakapusod ng buhok niya ay nagiging maganda parin siya sa gano'ng ayos. May pagkakulot ang buhok niya na hanggang balikat. May kasingkitan ang mga mata. Matangos ang ilong at maninipis ang mga labi. Balbon ang mga balahibo niya na kahit hindi naman siya gumagamit ng lotion ay patuloy parin sa pag haba ang mga iyon. Morena beauty siya at purong natural ang kulay. May katangkaran din na pweding ilaban sa mga pageant. Sexy at the same time. Nasa kanya ang lahat ng ganda na maaaring pinapantasya ng ibang lalaki pero kapag sa katayuan na ng buhay ang usapan ligwak siya do'n! Ganda lang talaga ang maiipagmalaki niya kahit hindi niya na-appreciate ang sarili niya dahil para sa kanya wala siyang oras na pansinin ang sarili niya na kahit purihin man lang ang kanyang ganda ay wala siyang lakas na gawin yo'n! Mas kailangan niya ng pera kaya kahit mag mukhang manang pa siya sa paningin niya ay wala siyang pakialam! She is a breadwinner in their family. Siya lahat. Siya parin at siya nalang palagi. She is Jenn Miracle Ong. Ang babaeng pinagkaitan ng kaginhawahan sa buhay. May tumatawag sa cellphone niyang isa na di keypad. Naimulat niya kaagad amg mga mata niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si boss Najee nila sa bar! Bakit kaya... Tanong niya sa isip bago sinagot ang tawag nito. “Boss?” Bungad niya. “Are you free tonight? Around 6 PM to 1 AM.” Natahimik siya at nag isip bigla kung anong oras ang inn niya sa store. 8 PM pa pasok niya. “Alas otso po pasok ko sa store, boss. Bakit po?” “I need to add a server because there is a party to be held later on, Jenn. Baka pwedi kayo ni Trisha. I will double your salary.” “Okay, po.” Walang pakundangan niyang pag sang-ayon. Ni pag-isipan man lang ay hindi na niya nagawa. Kapag pera kasi ang usapan ay kumikinang agad ang mata niya. Nagiging alerto siya! Mukhang pera siya at wala siyang pakialam! Ang importante magkapera siya para sa pang araw-araw nilang gastusin. Sayang din dahil doble ang masasahod niya bonus na kapag binigyan pa sila ng tip. Bukod ang tip sa mga babaeng mga nakaka-table ng mga VIP's at bukod ang tip sa kanilang mga server at dishwasher. Kensenas katapusan naman ang income niya sa store kaya pinatos niya muna ang alok ng boss nila. “Okay, pasundo kita maya-maya? Asan ka ba?” “Nako, huwag na po. Andito pa po ako sa ospital dahil session po ng dialysis ng Papa ko. Maya-maya po ay tapos narin ito. Sabay nalang po kami ni Trisha—” “No buts, Jenn. I will send my driver to your house later. I'll need you two before six. Okay?” “O-okay po.” Alanganin siyang tumingin sa pinsan niyang naka-pikit. Naka-idlip narin yata. “Ako na bahala dito.” Saad nito habang nakapikit. Alas kwatro na at alas singko pa ang tapos ng dialysis ng kanyang Papa. Magagahul siya sa oras kapag hinintay niya pang matapos iyon! Awtomatiko siyang nahiya. Sobrang nahihiya na siya dahil sa pang-aabala niya sa pinsan niya na pati ang pag papahinga sana nito ay naistorbo narin niya. “Salamat, Kio. Babawi ako sa linggo. Pramis!” Masigla niyang sambit bago ginulogulo pa ang buhok ng pinsan bago napagpasyahang tumayo. “Ingat ka. Tawagan mo ako kapag may nang bastos sa'yo do'n.” Bilin ng kanyang pinsan. Sumaludo siya bilang sagot nang makita na nakatingin ito sa kanya. Magkasing-edad lang sila ng pinsan niya at close sila simula bata kaya gano'n na lamang ito ka bait sa kanya. Pagkarating niya sa kanila ay nagulat siya nang makita na naroroon na ang kotse na naghatid sa kanila kanina. Nakatayo sa labas ang seryosong driver niyon at nasa loob narin pala naka-upo ang kaibigan niya. Kung hindi pa ito dumungaw ay hindi niya malalaman! “Bilisin mo beshywap!” Sigaw ni Trisha bago pinagpatuloy ang pagtatali ng buhok. Wala siyang sinayang na oras. Naligo siya ng mabilis. Nag suot lang siya ng simple. Naka skinny na pantalon at white na sapatos at naka-black lamang na damit na medyo may kalakihan sa kanyang katawan. Doon siya komportable. Dinampot niya ang sling bag niya at tiningnan madali kung naro'n pa ang pera na nakabalot sa panyo. Nakahinga siya ng malamin nang makita na nasa ayos pang lagayan. Hindi sa umaasa siyang mag ku-krus ulit ang landas nila doon ni Jersey pero nag babasakali din siya na baka mapaliga doon nang sa gano'n ay may pagkakataon siyang ibalik ang pera na binigay ng babae na kasama ni Jersey na naka-apak ng cellphone niya. Ibabalik niya ang pera dahil hindi niya kailangan iyon! Hindi niya kayang ibili ang pera na galing sa mga taong walang magandang asal kahit sila na ang naka-purwesyo. Hindi sa mataas ang pride niya. Lubog na lubog na nga siya tapos lalo pa siyang ilulubog? Hustisya naman sana! Pagkarating nila sa bar medyo madami-dami na ang mga tao base sa mga naka-park na mga kotse. Saktong five sila ng dumating. Sabay silang pumasok ni Trisha sa loob. Nakaabang na sa entrance ang boss nila kaya napatigil sila. “Serve patiently, okay?” Imporma nito sa kanila bago binigay na ang susuotin nilang uniform. May pagtataka niyang tiningnan ang boss nila at ang kaibigan niyang si Trisha. For Trisha okay lang kasi wapakels naman ito. Siya? Hindi siya sanay na mag suot ng skirt! Kung saya pa susuotin niya! “You have to follow the rules, Jenn. Baka bigla kasi may bumisita na taga munisipyo. Just incase lang naman para hindi tayo ma report.” Huminga nalang siya ng malalim bago nakidaan sa boss nila. Panay-panay ang pag buga niya ng hangin habang patungo sa locker room. “Okay lang yan, beshywap. May ibubuga naman yang body mo kaya gow! Mag bihis kana! Let them stop and stare.” Proud na pang-aalo sa kanya ng kaibigan niyang parang hyper palagi. “Ewan ko sa'yo.” Pambabalewala niya bago tumungo sa cr para mag palit ng masusuot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD