Chapter 4- Insulted

1496 Words
Ginawa niya ang trabaho niya kahit hindi siya komportable sa suot niyang uniform. Para sa kanya hindi bagay sa kanya ang ganoong tipo ng kasuotan. Pantalon lang talaga at saya ang kilala niyang kasuotan. Hindi rin siya trendy kaya gano'n! Kaliwat kanan ang mga taong sumisipol sa kanya pero as their boss says. Serve patiently kaya yan ang ginagawa niya ngayon kahit pakiramdaman niya nababastos na siya! Para sa pangangailangan nila kaya mag titiis siya. “Beshywap sa taas may nag hahanap ng beer. Table 4 wala nang maiinom.” Imporma sa kanya ni Trisha nang magkasalubong sila. Tumango siya at mabilis na kumuha ng mga beer. Bahagya nang nakabukas ang takip ng mga beer para ready na kung sakali. “Hi, Miss, ganda. Can I have one bottle?” Untag sa kanya ng medyo lasing na lalaki. Hinarangan siya nito kung kaya't wala siyang dahilan para makalampas. Bilang pag galang at hindi makagawa ng attitude ay sinabihan niya ito ng mahinahon na kung pwedi ay kumuha nalang sa bucket na dala niya dahil parehas ng mga kamsy niya ay may dala. Pero sadyang makulit ang lalaki dahil siya mismo ang gusto na kumuha at ilapag sa lamesa nito. Pinipakalma niya ang kanyang sarili kahit deep inside ay kumakalabog na dahil sa nerbyos ang dib-dib niya. “Okay na po, Sir...” Magalang niyang saad nang mailapag sa lamesa ang beer ngunit basta nalang siya hinawakan ng lalaki sa braso dahilan para matigilan siya. “Can I have your number?” Sabi ng lalaki sa kanya bago siya hinila nito palapit sa katawan nito. Nag pumiglas siya nang makitang inawat ito ng mga kasamahan. Nataranta siya bigla. Biglang tumahip ng malakas ang kanyang dib-dib dahil sa takot at kaba na nararamdaman. Tila nanginginig narin ang mga labi niya dahil sa katakutan kung kaya mabilis niyang dinampot ang dalawang bucket na napabagsak sa sahig at agad na umalis at ilagay ang mga beer sa lamesang nangangailangan ng beer. Pero dahil sa katarantahan nabangga niya ang isang lalaki at laking gulat niya na si Jersey iyon! Tangina lang dahil nag krus na naman ang mga landas nila! Gano'n na ba kaliit ang mundo para sa kanilang dalawa? Lalo na siyang nataranta at nag aalburuto na ang kanyang dib-dib sa sobrang kaba dahil natapunan ng beer ang suot nitong white polo. “Fúck! Don't touch me!” Malakas na singhal sa kanya ni Jersey nang pupunasan sana niya ng face towel niya ang polo nitong natapunan ng beer. Ang dating sobrang lambing sa kanya na si Jersey ngayon ay hindi na siya hinahayaang hawakan ito. “S-sorry...” Mangiyak-ngiyak niyang pagkakasabi habang nilalamukos ng sobrang higpit ang hawak niya na face towel. Awtomatikong bumuhos ang luha niya. Kainis! Nag pakita na naman siya ng kahinaan niya sa taong hindi niya alam kung nasisiyahan sa tuwing nakikita siyang luhaan! “D'yan ka naman yata magaling, eh! Sa pagiging iyakin! Grow up, woman! Shít!” Galit at iritadong wika nito sa kanya habang tinatanggal ang mga butones ng polo. Lalo nang umagos ang masagansng luha niya dahil sa pang iinsulto nito sa kahinaan niya! Tama siya. Nagbago na talaga 'to! Hindi na ito ang Jersey na minahal niya noon. “Oh my gosh! What's happening here? Omo! The polo that I gave to you, Jers. That's so expensive!” Sunod-sunod na pagkakasaad ng kikay na babae habang tinutulungan ng pag kalas ng butones si Jersey. Napapayuko nalang talaga siya dahil alam niyang pinapamukha na naman ito sa kanya kung gaano siya kahirap at walang ka alam-alam sa mga brand. “B-babayaran ko nalang ang kabuuang presyo ng polo—” “Stop acting like you have enough money! Halos ibenta mo na nga yang katawan mo dahil sa suot mo para mag kapera tapos may lakas ka pa ng loob na mag sabi na babayaran mo ang ginawa mong kalampahan! Stk!” Usal nito. Napasinok siya ng dalawang beses habang walang humpay na umaagos ang luha niya. Aminado siyang nasasaktan siya na halos ikalubog na ng katawan niya sa flooring. Sobra na ito! Durog na durog na siya dahil sa masasakit na katagang pinagsasabi nito sa kanya. Alam niyang may mali siya at alam niya na wala siyang sapat na pera para pambayad sa danyos na nagawa niya. Halos pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin nila! Inangat niya ang mukha niya at tiningnan ng masakit si Jersey kahit tuluan ang luha niya sa mukha at habang sunod-sunod na ang pag sinok dahil sa pag-iyak. Ayaw niya man na mag salita at patulan ito dahil wala siyang karapatan pero dahil napuno na siya kahit padalawang araw palang niyang nakikita ito ngunit parang pang isang taon na ang galit nitong inaasta sa kanya kaya buo narin ang loob niya! Pinalis niya ang luha sa kanyang pisngi bago hinawi ang mga tapong buhok na nakadikit na sa mukha niyang basa bago magsalita. “Sorry, ha!? Isa lang kasi akong mahinang nilalang sa mundong ginagalawan ko at isa lang akong hampas lupa na hindi kayang abutin ang yaman niyo!” Saad niya habang habol ang hininga dahil sa pagkahingal dulot ng kagalitan. “Haaan niyo, pag akyat ko dito babayaran ko ang damage na nagawa ko dahil sa kalampahan at katangahan ko. Wala eh, tatanga-tanga kasi ako kaya sorry kung may isang server na tanga kagaya ko. Hindi ko kayo tatakasan. Hintayin niyo lang ako dito.” Segunda niyang pagkakasabi habang namumuo na ulit ang luha sa mga mata. Hindi niya pinagtuonan ng pansin ang kakaibang tinginan sa kanya ni Jersey na tila nahabag sa kanyang mga sinabi. Mabilis siyang bumaba at dire-diretsong nag tungo sa locker room niya. Kinuha niya ang perang nakabalot sa panyo. Walang hisitasyon din siyang kumatok sa secret room ng kanyang boos na si Najee. Gulat na gulat pa ito nang makita siyang luhaan. “Boss. Pwedi po ba akong makautang sainyo ng pang danyos ko. Babayaran ko din po kayo banda-banda d'yan.” Walang pakundangan niyang sabi. Alam nito kung anong nangyari dahil naka-monitor ito palagi CCTV camera na nasa isang tv screen kaya hindi narin ito nangusisa. Hindi niya alam na kaibigan ng boss niya si Jersey. Inabot sa kanya ang bente-mil. Alam niyang bente-mil 'yon dahil may nakasulat sa isang papel na siyang nagsisilbing sinturon sa nakapatas na pera. Nag pasalamat siya bago lumabas ng secret room ng boss. Walang kuskus balungos siyang napahiram ng gano'n kadali kaya babayaran niya rin kaagad iyon Habang gano'n parin ang paghihitsura niya umakyat siya ng mabilis sa second floor habang nag kukumahog sa galit ang puso niya. Hindi niya alam na mahingal-hingal na naring nakabuntot sa likuran niya ang kaibigan niyang si Trisha. Hinanap ng mga mata niya si Jersey. Hindi niya nakita na kasama ng mga kaibigan nito hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa labas. Nasa terrace ito ng second floor. Mag isang nakatayo habang nag yo-yosi. Galit na galit siyang nag punta doon at wala siyang pakialam kung ano man ang magiging kahihinatnan ng lahat. Nais lang niya bayaran ang nagawa niyang katangahan para matigil na ang pang iinsulto nito sa kanya. Nagulat ito nang makita siyang hingal na hingal habang kuyom ang isang kamay dahil sa nararamdamang galit ngayon. Nag buga ito ng usok kung saan hindi siya abot niyon bago tinapon sa lapag ang upos at inapakan ng bahagya. Inabot niya ang mga kamay nito bago nilagay ang bente-mil at yoong perang limang libo na nakabalot sa panyo na bulaklakin. May hisitasyon at pagtataka siyang tiningnan ni Jersey. Tila nahahabag at hindi nito gusto ang nakikita at ginagawa niya. “Siguro naman patas na tayo. Andyan narin ang limang libo na inabot sa akin ng girlfriend mo noong isang araw. Hindi ko pinababayaran ang ginawa niyang pagtapak sa cellphone ko dahil aksidente 'yon. At yang bente-mil, bayad ko sa katangahan kong nagawa sa'yo. Pasensya kana, tanga kasi ako at lampa.” Naiiyak niyang pagkakasabi at pilit na tinitibayan ang loob para hindi bumigay kahit sa kaloob-looban niya ay durog na durog na siya. Rinig na rinig niya kung paano ito nag mura ng mariin ngunit mahina. “J-jenn—” Mahinang sambit ni Jersey ngunit pinutol niya iyon! “At staka...hindi ko binibenta ang sarili ko dahil lang sa putanginang suot ko! Nag tatrabaho ako ng marangal dito kaya wala kang karapatan na insultuhin ako....” Nasisinok niyang saad habang tuluan ang luha. Hindi nakaimik si Jersey at basta nalang nagulat at tila nayamot nang makita kung paano siya nilagyan ng jacket ng boss niyang si Najee upang takpan ang damit niyang basang-basa na dahil sa luha niyang tumulo doon. Gulat man dahil sa inakto ng boss niya ngunit nag patangay nalang din siya sa pagkakahila nito sa kanya dahilan para makalabas siya ng terrace. Pero bago niya iniwas ang paningin kay Jersey kitang-kita niya kung paano naningkit ang mga nito at kung paano ito nag mura ng malutong dahil sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD