Chapter 7- Sampal

1174 Words
Sa ilang oras na pananahimik niya habang nakasakay sa kotse ni Jersey nagkalakas ng loob din siyang umimik. May yamot na lumulukob sa kalooban niya dahil pakiramdam niya nagpapakitang tao lamang ito sa harapan niya o hindi kaya ay pinapamukha na naman nito sa kanya kung sino na ngayon ang sinayang niya. “Pwedi naman na d'yan mo nalang itigil ang kotse. Lalakarin nalang namin papasok ng kalye.” Mahina niyang suhestiyon nang matanaw ang papalikong kalye na papasok sa bahay nila. Hindi nagsalita ang kapatid niya bagkus alam nito ang naganap na hiwalayan sa pagitan nila noon. Tandang-tanda niya pa kung gaano siya umiyak sa kuwarto niya nang madatnan siya ni Josiah. Napalapit na ang mga kapatid niya kay Jersey noon at lalo na ang Papa niya. Hindi alam ng Papa niya kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay at hanggang ngayon kinikimkim niya parin iyon at lalo lamang siya nasasaktan sa tuwing magkikita sila. Kung sana alam lang nito ang mga naging hirap niya simula nang mag desisyon siya na labag sa kalooban niya. But despite of her sadness and sacrifices may parte sa puso niya na masaya siya dahil sa mga nakamit ng ex-boyfriebd niya simula ng maghiwalay sila. She is happy because of his career. Siguro iyon nga talaga ang purpose para makamit lahat ni Jersey ang mga pangarap nito at hindi siya kabilang doon. Tanggap niya at masaya siya kahit ramdam niya ang galit nito sa kanya. “Oo, bayaw. D'yan mo nalang i-park ang kotse mo. Naka-abang na naman d'yan si Kuya Akio kaya safe na safe kami ni Ate.” Segundang pag sang-ayon ni Josiah. Bigla naman siya nakaramdam ng kasiyahan ng sa wakas ay pumanig sa kanya ang kapatid niyang spolied na spoiled noon kay Jersey. Ang awkward ng sitwasyon niya kaya naisipan niyang huwag ng mag pahatid hanggang sa bahay nila. Ang galing niyang mag pakitang tao! Iritado niyang turan sa isip niya ng basta diniretso ni Jersey ang kotse nito hanggang sa bukana ng kalye na papasok sa kanila. Napahinga na lamang siya ng malalim dahil hindi man lang sila pinakinggan nito. Pagkababa niya sa kotse sinalubong agad siya ng pinsan niyang si Akio. Kinuha nito ang dala niyang paper bag at sling bag. May pagtataka siyang tiningnan ni Akio ngunit nag patay malisya siyang umiwas sa mga tinginan nito. “Salamat bayaw sa paghatid sa amin.” Narinig niyang sabi ni Josiah. Sa ikatlong pagkakataon narinig na naman niya ang pagtawag ni Josiah kay Jersey at sa puntong iyon naririndi siya at naiirita dahil bakit bayaw pa ang tawag nito gayong matagal na silang wala! Dahil sa inis ay pinanliitan niya ng mga mata ang kapatid niyang kasalukuyang uumis-umis habang kausap ang simangot na Jersey Hades. May paghatid pang nalalaman! Hindi naman yata bokal sa loob! As if naman na gusto niya talaga kaming ihatid eh kung masingahalan nga ako sa bar ay parang hindi ako kilala! Nanggagalaite niyang saad ulit sa kanyang isip! Pakiwari niya naiinis narin sa kanya ang sarili niyang utak dahil sa kaka-salita niya na tanging sa hangin lamang pinapadaan. “Small thing, Jos. Halos ilang taon din tayong hindi nagkita.” Narinig niyang tugon nito habang nag uusap sila ni Akio. Akio knows it all at hindi niya lang alam kung kilala ni Jersey ang pinsan niya. Masama ang mga pinupukol nitong tingin sa pinsan niya at hindi niya alam kung ano ang dahilan ng mga tinginang iyon! “Tayo na, Jos,” yakag niya habang papatalikod sa bulto ni Jersey pero tiningnan niya ulit ito nang mapagtantong hindi pa pala siya nakakapagpasalamat. Kabastusan naman kung hindi siya magpapasalamat kaya kahit mabigat sa kalooban niya ay titibayan nalang niya ang loob dahil ayaw naman niyang isumbat pa nito sa kanya pagdating ng panahon. “S-salamat nga pala sa paghatid.” Nakayuko niyang pasalamat habang inaabot ang palapusuhan ni Josiah upang hatakin na ito sa kinatatayuan. “Can we talk a minute?” Awtomatiko siyang napatigil ng paghakbang. Tumambol ng malakas ang dib-dib niya. Naramdaman ni Josiah ang mahigpit niyang pag hawak sa mga kamay nito kaya tiningnan siya nito ngunit magaling siyang mag tago ng kanyang nararamdaman. Mag u-usap lang naman kayo, Jenn. Usap lang. Tahimik siyang sumunod kay Jersey. Hindi kalayuan sa pwesto ng pinsan niya at kapatid niyang kasalukuyang nag-uusap. “I want you to leave in the bar.” Deritsong bungad nito sa katahimikan. Wala siyang balak na salubungin ang mga titig nito pero naglakas ng loob siyang gawin iyon dahil sa sinabi nito! “Marangal akong naghahanap buhay do'n. At saka sino ka para utusan akong umalis do'n? Si boss Najee nga hindi ako pinapaalis na siya mismo ang may-ari. Tapos ikaw na VIP lang do'n mangangahas na utusan ako ng gano'n? Okay ka lang?” Yamot niyang litanya. Bigla siyang nanginginig habang pinipigilan ang sarili na hindi makapagsalita ng hindi maganda. Sino ba kasi ito para utusan siya na umalis do'n gayong wala naman siyang ginawang mali doon! “Halos ilantad mo na ang buong katawan mo dahil sa suot mong...fúck! Marangal ba 'yon? It looks like you're selling your body just to earn money—” Nasampal niya bigla si Jersey! Biglang nag panting ang tenga niya dahil sa mga paratang nito! Pero ang ginawa niyang pagsampal ay kaakibat pala ng pagkadurog sa kalooban niya. Nakaramdam siya ng awa ngunit nakiki-agaw ng pwesto ang galit at inis! Ang galing niyang manghusga! Gano'n na ba ito kayabang ngayon? “Wala kang karapatan na husgahan ako base lamang sa putanginang suot ko! H-hindi mo alam ang pinagdadaanan kong hirap! Wala kang alam sa mundo kong ginagalawan—” “Dahil kusa mo akong inalis sa mundo mo!” Mariin nitong sagot. Hindi siya naka-imik na kahit ang gumalaw ay hindi niya magawa. Tama si Jersey pero mas tama siya! “Kung hindi kita inalis, ano? Edi hindi ka ngayon ganyan? Baka nga siguro nag kanda-letse-letse din ang buhay mo dahil sa akin.” Despensa niya. Ayaw niyang humantong sila sa ganitong sumbatan pero wala na siyang magawa ng basta nalang din lumalabas sa bibig niya ang mga katagang iyon! Okay lang naman sana na pumayag nalang siya sa gusto nito kaso nasa punto din naman siya. Bakit siya aalis kung wala naman siyang ginagawang masama doon! Baka kasi gusto lang siya nitong makita na nahihirapan. Nanatiling nakatingin sa gulong si Jersey habang nakatukod ang mga kamay sa kotse nito. Naririnig niyang habol nito ang paghinga pero this time hindi niya inintindi iyon! “You're not going to the bar! Maghanap ka ng ibang trabaho mo. I will call Najee and I tell him na sesantehin ka.” Huling sabi nito bago sumakay ng kotse at pinaharurot ng sobrang bilis. Mabilis namang tumakbo ang kapatid niya at ang pinsan niya nang maka-alis na si Jersey. May karapatan ang mga ito na mang-usisa pero mas pinili nalang nila na manahimik. Papasok parin siya sa bar hanggat walang sinasabi sa kanya ang boss niya. Mas malaki ang kinikita niya doon kaysa sa store na pinagtatrabahuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD