Chapter 6- Bayaw

1082 Words
“Ate anong oras ka papasok sa trabaho mo?" Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Josiah habang naglalaba ito. Agad naman niyang tiningnan ito ng may pagtataka dahil ngayon lang ito nag lakas loob na mag tanong sa kanya tungkol sa trabaho niya. Siguro ay nakakahalata narin na palagi nalang siya madaling araw kung umuwi dahil kapag sa store siya nag tatrabaho ay palaging alas-diyes ang out niya. Sinubo muna niya ang nasandok niyang kanin bago ito sinagot. “Bakit naman biglaan mong natanong 'yan?” “Gusto ko lang malaman. May masama ba do'n?” “Wala naman at karapatan mo 'yon, kapatid.” Sagot niya nang lampasan niya ito para maligo na. Alam niyang nag aalala lang ang binata niyang kapatid at alam niya rin kung kanino nito nalaman kaya hindi narin siya nag tanong. Kay Akio ang pinsan niyang malimit niyang pagbuntungan ng mga hinanakit niya sa buhay. Sinilip niya ang Papa niyang nanunuod ng tv. Hindi na niya ito iisturbuhin kaya kay Josiah na lamang siya mag papa-alam. Alas sais palang naman at alas 7 pa ang inn niya sa store kaya pupunta muna siya ng simbahan at abot pa siya sa pang gabi na mesa. “Alis nako, ha. Si Papa at Kim, ikaw na muna ang bahala sa kanila.” Untag niya kay Josiah na kasalukyang naghuhugas ng pinagkainan nito. “Areglado boss, madam.” Tugon nito sabay saludo sa kanya. “Baliw.” “Sunduin kita mamaya pag labas mo,” pahabol na saad ng kapatid niya. Hindi siya sumagot at basta nalang umiling-iling habang papalabas na bahay nila. Alam niya kung gaano ka maaalahanin ang kapatid niya. Si Josiah ang nagiging katuwang niya pagdating sa mga gawaing bahay at sa kapatid nilang bunso. Walang bisyo at walang kabarkada ang kapatid niya jahit sabihin pang binata narin ito. Masuwerte siya dahil lahat ng hirap niya ay may napupuntahan naman dahil maayos na nag-aaral ang kapatid niya. Bahay at eskwelahan lamang ang trabaho nito. Pag-aalaga sa Papa nila at sa bunso nilang kapatid. Sa lagay na 'yon parang siya ang haligi ng tahanan at ang kapatid niyang si Josiah ang ilaw ng tahanan. Alam niyang may kaya sa buhay ang Ama niya ngunit hindi sila nag babakasakali na makilala ang iba pa nilang kamag-anakan dahil base sa kwento noon ng Papa nila ay itinakwil daw ito ng sariling Ama dahil anak lamang ito sa labas di umano. “Grabe, ha! Ang tagal kong naghintay dito beshywap. Pinapak nako ng mga lamok dito.” Reklamo ng kaibigan niyang si Trisha nang makarating siya sa meeting place nila. “Sorry na traffic kasi.” Paliwanag niya. “Apology accepted.” Saad nito sabay hila sa kanya para pumasok na sa simbahan. “Magdadasal muna tayo na sana bukas ay mayaman kana at i-share mo nalang ang blessings mo sa akin. Kahit ganda mo nalang ayos na sa akin, beshywap.” Madaldal na saad ng kaibigan niya. Napapatawa na lamang siya dahil sa angking kadaldalan nito. She prayed silently while kneeling. She prayed na sana ay patuloy siyang gabayan sa mga araw na nahihirapan na siya at sana panatilihin siyang malakas kahit pakiramdam niya ay bibigay na siya dahil sa sobrang pagod. Inaalay niya ang lahat sa itaas at doon pinapaubaya niya ang takbo ng buhay niya at ang magiging kwento niya. Kahit malimit na niyang nakikita ang lalaking mahal niya noon patuloy parin siyang lalaban kahit pa pinapamukha nito sa kanya kung gaano na ito kayaman at successful sa buhay. At kahit na gano'n nasa katawan parin naman niya ang kabutihan. Hindi siya papatol as long as nakakaya niya pa ang sarili niya. As long as hindi pa siya nasasaktan batay sa mga pinagsasabi na masasakit na salita nito sa kanya. Pero ang nangyari noong isang gabi ay hindi na niya kinaya kaya nasagot niya ito. Hindi maganda na lumiliit na sa kanila ang mundo but she doesn't t have a choice but to work hard. Any kind of work papatusin niya basta marangal. Wala na siyang pakialam kung araw-araw man mag krus ang landas nila. Tao din siya na kailangan mag hanap buhay para sa Papa niyang nag me-maintenance ng gamot at para sa mga kapatid niyang nag aaral at para sa sarili niya na makapag-ipon ng konte para sa pag-aaral niya. Hindi man ngayon pero umaasa parin siya na makakamit niya ang pangarap niyang kurso. “Duty na tayo. Figthing, beshywap!” Ganadong pagpapatibay sa kanya ng kaibigan niyang hindi nauubusan ng laway. “Fighting, Trish!” Sagot niya bago itali ang sentas ng sapatos niya. Mag i- inventory siya buong durasyon ng shift niya kaya si Trisha na muna ang taga serve at si Joshua naman ang nasa counter. Halos mag a-alas diyes narin naman ng gabi kaya wala na masyadong costumer. Ilang oras nalang din naman at out na nila kaya pipilitin niyang tapusin ang ang pag i-imbentaryo niya para hindi siya makatanggap ng reklamo at sermon sa Manager nilang mainit ang bait sa kanya. “Hindi ka parin tapos? Tulungan na kaya kita?” Bungad sa kanya ng kapatid niyang si Josiah. Nagulat pa siya nang makita na prenti itong nakapamulsa habang nakatayo sa harapan niya. Hindi na siya magtataka kung bakit nasa store na ito. “Sino ang kasama do'n ni Kim at Papa?” “Andon si Kuya Akio. Alam na no'n at saka tulog na naman si Papa at Kim. Hindi mo pa ba out?” Paliwanag nito sa kanya at biglang tumaas ang kilay niya ng mag reklamo agad ito. Kararating nga lang tapos na iinip na agad ito! Iimik pa sana siya ng biglang dumating si Trisha. Nakita niya kung paano ito pinamulahan ng mukha nang makita nito ang kapatid niyang si Josiah. Nag pabalik-balik ang paningin niya sa dalawa. Dedma lamang ang kapatid niya samantala ang kaibigan niya ay parang naninigas na sa kinatatatyuan nito. Napatawa siya ng lihim dahil hindi alam ng kaibigan niya na susunduin siya ng kapatid niya. Nararamdaman niyang crush ng kaibigan niya ang kapatid niya dahil base sa mga nakikita niyang reaksyon sa tuwing magkikita ang mga ito. Pero ang kapatid niya hindi niya alam kung sadyang suplado lang ba ito o baka hindi lang talaga type ang kaibigan niya. Aminado siyang may hitsurang lalaki ang kapatid niya at hindi niya kinakaila iyon dahil nasa lahi naman talaga nila. Lahi ng Ama niyang half Chinese. “Bayaw?” Hindi makapaniwalang sambit ni Josiah habang nakatingin sa lalaking kakapasok lamang ng store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD