Nasa isang beach resort sila ngayon dahil naki-usap ang Boss Najee niya. May isang event sa resort na pinuntahan nila at isa ang Boss niya sa mga namamahala ng mga inumin. Halos may ilang oras din silang bumyahe bago makarating sa La Union kaya pinahinga muna sila si Trisha.
Mabuti nalang at kasama niya ang kaibigan niyang madaldal dahil kung hindi panigurado ay mapapanis lamang ang laway niya sa ilang araw nilang pananatili sa La Union.
Mamaya pa naman ang simula ng party at naka-organize na naman ang lahat sa venue. Server ulit sila kaya wala silang gagawin ngayon kundi ang mag paghinga.
Mabuti na lamang din at bakasyon na ni Josiah kaya may mag iintindi sa Papa niya at sa bunsong kapatid niyang si Kim.
“Hindi ka ba tutulog o iidlip man lang, beshy?” Tanong ni Trisha sa kanya habang nakahiga ito sa tabi niya.
“Hindi naman ako ina-antok. Ikaw, matulog ka muna,” sagot niya.
“Hindi narin pala ako ina-antok.” Tugon ni Trisha sabay ngiti ng nakakapilya kaya nag taka siya. Napangisi narin siya kahit hindi niya alam ang dahilan ng mga nginitian ng kaibigan niya.
“Anong meron? Saya mo, ah.”
“Ganda mo kasi. Parang gusto ko tuloy magkalahi ng isang Ong.” Bulgar ng kaibigan niya bago nagtakip ng unan matapos ito magsalita. Napahalakhak siya ng malakas dahil agad naman niyang na gets ang ibig-sabihin nito.
“Ikaw ha...crush mo si Josiah, ano?”
“Hindi, ah...pero slight lang pala.” Sagot ni Trisha bago ulit tumagilid sa kanya at itinakip ulit ang unan sa mukha. Napapa-umis siya na halos mawala na ang mga mata niya dahil sa kasingkitan.
Mas matanda siya ng limang taon kay Trisha at kasing-edad lang nito ang kapatid niyang si Josiah. Hindi niya masisisi ang kaibigan niya kung magugustuhan nito ang kapatid niya dahil may kapogian naman talaga iyon. Boto rin naman siya kay Trisha. Trisha is a kind of girl na makulit
at mabait. Masayahing babae at hindi ito pumapalya na hindi siya pasayahin at matulungin at the same time. May kaya sa buhay kaya kahit siya hindi maintindihan kung bakit nag hahanap-buhay pa ito gayong anak mayaman naman. Siguro gusto lang maging independent katulad ng palagi nitong sinasabi sa kanya. Trisha admire her a lot.
“Masungit 'yon kaya bakit naging crush mo pa?” Paninira niya sa kapatid niya kahit hindi naman totoo. Agad na napabalikwas si Trisha at nakasimangot na tumingin sa kanya.
“Yun nga ang type ko, Ate...este, beshy.”
“Huyyy? Isa pa nga! Joke.” Kantyaw niya. Pero ang totoo masarap pakinggan na tawagin siyang Ate nito.
“Pero seryoso beshy. Crush ko talaga si Josiah. Ikagagalit mo ba 'yon?”
Umayos siya ng pagkaka-upo bago tiningnan ng seryoso ang kaibigan niya. Mukhang makikipag heart to heart talk na siya. Matagal nang panahon ang nakakalipas kaya siguro nagkaka-lakas loob narin siyang mag bigay ng advise.
“Alam mo, Trish... labas naman ako d'yan. Ate lang ako ni Josiah at siya parin ang masusunod. Nasa kanya ang desisyon. Pero kung ako ang tatanungin mo boto naman ako sa'yo. Mabait ka at may ginintuang puso pero sana i-enjoy mo muna ang pagiging dalaga. Wala namang oras pagdating sa pag-ibig. Hindi mo siya kailangan habulin dahil kung kayo ay kayo talaga. Hindi mo kailangan manduhan ang tadhana mo dahil alam niya kung paano patatatakbuhin ang kwento mo.” Madamdamin niyang saad dahilan para maningkit ang bilugang mga mata nito. Mabilis iting umupo at sinagi ni Trisha ng balikat nito ang balikat kaya tiningnan niya rin ito.
“Mukhang may pinaghuhugutan ka, ah. Si Doc ba 'yon?” Panghuhuli nito sa kanya dahilan para pamulahan siya ng pisngi. Umiwas siya ng tingin sa kaibigan niya bago tumayo at kunyare nag aayos ng kanyang gamit.
“Hindi ko siya kilala,” kaila niya.
“Ah hindi ba? Kala ko kasi ex mo siya.” Walang prenong saad nito. Hindi siya kumibo. Hindi rin siya nagsalita at basta nalang kinuha ang tuwalya para maligo.
“Maliligo na ako.” Imporma niya bago pumasok sa cr.
Madilim-dilim na at unti-unti naring dumadami ang mga tao sa venue. Beach party ang tema kaya mas napili ng Boss niya na sa labas na magtayo ng bar station. Malawak at maluwag para sa mga mga taong mahihilig mag party-party. Naka-stinelas lamang siya bago nakapalda siya ng balabal na malong na hanggang tuhod ang haba bago pinarag-anan niya ang suot niyang spaghetti top. Nakalugay ang buhok niyang may pagkakulot. Nakaka-agaw tuloy ng pansin ang suot niya dahil lutang na lutang pagka-morena niya.
“Serve patiently, okay?” Bilin ng Boss nila. Ngumiti siya bago tumango at saka sinimulang mag serve.
Halos may ilang oras na silang pabalik-balik ni Trisha at hindi man lang niya ramdam ang pagod dahil naiingganyo din siya sa mga nakikita niya at nakakatanggal ng pagod ang simoy ng hangin at bawat hampas ng alon.
“Thank you.” Sambit ng isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang boses kaya napatingin siya sa bulto nito habang naka-upo. Nagulat siya dahil kaibigan ito ni Jersey! Medyo nagulat din ang lalaki nang makilala siya ngunit sa hindi inaasahan nasundan niya ng tingin ang kilos ng mga mata nito hanggang sa tumama ang paningin niya kay Jersey! Masayang nakikipaglandian sa isang sexy na babae.
Sa hindi inaasahang pagkakataon tumambol ng sobrang lakas ang dib-dib niya na kahit malakas ang tugtog ng music sa paligid ay rinig na rinig niya parin ang pag dagundong niyon! Shít! Kung alam niya lang na ando'n din pala 'yon edi sana hindi nalang siya sumama. She feels weird at the same time shy. Siya pa ang may lakas ng loob na mahiya gayong wala naman siyang ginagawang masama.
Muling bumalik ang wisyo niya ng maramdaman niyang may humapit sa bewang niya. Napatingin sa kanila ni Najee ang mga lalaking nasa harapan niya at lalong-lalo na si Jersey. She caught off guard! Masama ang pinupukol na tingin sa kanya ni Jersey. Biglang naging iritado ang awra ng mukha nito at basta nilagok ang alak na nasa baso.
Natingnan niya ng may pagtataka si Najee ngunit patay malisya lamang itong nakangiti sa kanya bago nilapit ang bibig sa tenga niya.
“Just pretend that you're my girl.” Bulong ni Najee sa kanya bago hinapit pa siya lalo dahilan para mapadikit na siya katawan nito. Naguguluhan siya pero makikisama siya. Boss niya ito kaya susundin niya as long as walang gagawing masama sa kanya.
“So, it is true that she's your girlfriend, huh?” Untag ng isang kaibigan ni Jersey. Napatingin siya sa lalaking nag salita ngunit napayuko din siya dahil sa hiya. She's a server at nakikisabay lang siya sa laro ng Boss niya!
“Since, when Naj?” Seryosong sambit ni Jersey. Hindi siya nakagalaw ng marinig kung gaano ka seryoso ang pagsasalita nito. Parang mas lalo lang umurong ang dila niya dahil sa sitwasyong pinasok niya.
“Cr lang ako,” paalam niya kay Najee bago mabilis na nag tungo sa pupuntahan niya. Kabado siya at pilit na kinakalma ang sarili habang nakatingin sa salamin. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya eh wala naman silang uganayan ng ex niya! Dapat nga maging masaya pa siya dahil pinatunayan niyang hindi niya sinunod ang ginawang pagbanta nito sa kanya na alisin siya sa bar!
Bigla siyang napatda sa kanyang kinatatayuan ng pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatayo sa harapan si Jersey. Salubong ang mga kilay at nakakunot ang noo. Amoy na amoy niya ang alak at ang amoy ng sigarilyo.
“Let's talk!” Saad nito bago siya hinawakan sa palapulsuhan. Nagpatangay siya hanggang sa marating nila ang isang cottage hindi kalayuan sa bar station.
“Baka hinahanap na ako, do'n.” Untag niya sabay waksi sa kamay nitong nakahawak pa rin sa palapulsuhan niya.
Jersey smirked. Medyo may tama narin ng alak.
“Bayad ka niya diba?” Usal sa kanya ni Jersey. Hindi niya ma gets kung ano ang sinasabi nito. Pero bayad naman talaga siya dahil serbidora siya at trabaho niya 'yon.
“Oo, bakit?” Sambit niya. Totoo naman at alam niyang ito ang tinutukoy sa tanong nito sa kanya.
“Proud, huh? Gusto mo pala ang mga business man. Ayaw mo sa Doctor?”
“A-ano bang pinagsasabi mo? Lasing kana kaya mas mabuti pang matulog ka na muna—”
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng basta siya siniil ng halik ni Jersey. Napamulaga ang mga mata niya dahil sa pagkabigla. Hindi siya makagalaw dahil kontrolado nito ang batok niya.
“Name your price, Jenn, and I will pay you higher.” Bulong ni Jersey sa kanya bago ulit siya kinabig para siilin ng halik.