Mabuti nalang at nagawa niyang maging ma-ayos ang trabaho niya hanggang sa matapos. Kahit na medyo may mga bumabagabag sa kanya naisantabi naman niya. Ngayon siya hindi pinapatulog nito! May isamg oras na siyang pabiling-biling sa kanyang higaan ngunit hindi parin talaga siya makatulog. Sa tuwing pinipikit niya ang kanyang mga mata ay hitsura ni Jersey ang nakikita niya! Paano ba naman siya makakatulog agad e parang may mahika ang halik na ginawad sa kanya ni Jersey. Ilang taon na ang nakakalipas simula nang matikman niya ang mtatamis na halik nito at inaamin niyang walang pinagbago ang mga halik na iyon! Kahit pa sabihin niyang lasing ito at wala sa wisyo at kahit pa nakapagbitaw na ulit ng masasakit na salita sa kanya inaamin niyang hindi siya nakaramdam ng galit dahil nangingibabaw an