Chapter 5: Unexpected

1843 Words
“Nagagalit ka na naman niyan?” tanong ni Tammy nang makapasok na sila. Hindi niya tuloy magawang i-enjoy ang malaking cinema na pinasok nila. “Mag-enjoy ka lang,”sabi nito na sa screen nakatingin. Biglang namatay ang ilaw kaya hindi na makita ni Tammy ang hitsura ng seniorito. Malaki ang screen at gusto niyang mamangha pero hindi siya mapakali dahil alam naman niya ang ikinakainis nito. Pero ayaw niyang makipagbati rito. Maya-maya ay inaabutan na siya nito ng hamburger na kanya namang tinanggap. Nakikita naman niya ito dahil sa laki ng screen may ilaw na tumatagos doon. “Joke lang ‘yong kanina.” Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan iyon. Nagulat naman si Benjamin na susubo sana ng popcorn. “Okay, bati na tayo,” nangingiting sabi ni Benjamin. Nagawa n ani Tammy mag-relax at manood. Pareho naman nilang nagustuhan iyon dahil mas malaki ang parte ng action sa romance, at fantasy rin iyon kaya mas magandang tutukan. Minsan naghihiwalay ang kamay nila para kumain pero muli iyong maghahawak. Mahina rin silang nag-uusap sa posibilidad na mangyari sa palabas. Mahaba ang oras ng napanood nila, two hours and thirty minutes. Nang matapos iyon ay isa sila sa huling lumabas. “Nagustuhan mo?” tanong ni Benjamin. “Iiyak ba ako kung hindi,” sagot ni Tammy. “Saan mo gustong kumain?” “Hmm? Huwag na, marami na tayong kinain saka gagastos ka uli—” “Para naman nga sa iyo, saka ayaw mo bang mag picture uli?” Napaisip si Tammy. “Sige, basta ‘wag kang iiyak kapag naubos ang pera mo.” Nangiti si Benjamin. Malaki ang ipinapabaon sa kanya ng magulang at hindi naman niya talaga magagastos lahat ‘yon lalo at hindi naman mamahalin ang paninda sa eskuwelahan at sa kanilang lugar. Kahit nga siguro araw-araw silang mag-date nito sa mall ay puwede. “Ano ba ‘yong mura lang?” tanong ni Tammy. “Kung saan mo nga gusto,” ani Benjamin. “Sigurado ka ba?” Tumango si Benjamin. Nag-ikot sila para humanap nang makakainan. Pasimpleng ngiti si Benjamin dahil si Tamara na ang nakahawak sa kanya kahit pa nga hinihila lamang siya nito. Siya rin ang naging photographer nito at paminsang isinasama sa picture. Mukhang masaya naman ito sa ginagawa nila kahit simple. Sa isang kilalang fast food sila pumunta dahil walang malapit na ganoon sa rancho. Isa ‘yong Japanese style na affordable naman ang mga food. Si Benjamin na ang pumili at pumila para sa kanilang kakainin. Si Tammy naman ay panay ang selfie sa puwestong napili niya. Tinitingnan niya ang mga naroon at nangingiti siya. Nang dumating si Benjamin ay kaagad niya itong tinanong. “Anong binili mo?” “Wait mo na lang, ikaw naman nagsabi na kahit na ano lang,” sabi ni Benjamin, hindi niya iniabot ang resibo rito dahil baka umalma na naman ito. Pinili niya ito ng mahal na dish, pero dahil pang-abot kaya ang lugar ay 300+ lamang ang pinakamalaking nakita niya. Ini-order niya ‘to ng iba-iba dahil malakas naman itong kumain. Nagulat nga si Tammy nang marami silang pagkain na dumating. “Sobrang dami mo na yatang nagagastos,” ani Tammy na nag-aalala na naman. “Birthday mo naman saka once a year lang naman.” “Thank you,” nahihiya si Tammy pero nangiti naman. Nag-take pa ito ng picture ng pagkain nila. Wala naman kay Benjamin ang ikinikilos ni Tammy, sa tingin naman niya’y normal naman iyon at hindi lamang naman ito ang ganoon. Hindi lang siguro sila pareho dahil siya naman ay lumaki na kaya niyang makuha lahat ng gusto niyang materyal. Ito naman ay may limitasyon sa ngayon. Masaya rin naman siya dahil afford niya ang mga gusto nito, at madali itong pasayahin kahit sa simpleng mall lamang niya ito dalhin. Masaya naman silang kumain. Hindi na lamang sinabi ni Tammy ang pag-alis niya na dapat ngayon din niya sasabihin. Mag-e-exam pa lang naman siya, siguro ay kapag nakapasa na lamang siya niya iyon iisipin. Isa pa, masaya sila para haluan pa niya nang ‘di magandang paksa—kahit masaya naman siya sa balitang nakuha niya sa ina. “Huwag na!” si Tammy na hinihila si Benjamin nang papasok ‘to sa department store. “Titingin lang naman tayo,” sabi ni Benjamin. “Sige, akala ko ay gagastos ka na naman.” Pumayag itong pumunta sila sa department store at mag-ikot ikot. “Gusto mo ba ‘yan?” tanong ni Benjamin nang may tinitingnan si Tammy at sinusukat sa sarili. “Sinusukat ko lang sila, bagay ba sa ‘kin?” Nakangiting tanong nito habang inilalapat ang bestida sa sarili. “Oo, bilhin na natin—” “Huwag na,” Ibinaba na nito ‘yon at hinila na siya. Nakuha naman niya ‘yon nang pasimple. “Tingnan lang natin, saka na ‘ko bibili ng mga ganoon hindi naman ‘yon mauubos,” ani Tammy. Kinukuha ni Benjamin nang pasimple ang mga nagugustuhan talaga nito. Masaya ito kahit hindi bumibili, para ngang ito ang pinakamasayang hitsura nito na nakita niya at para bang gusto niyang araw-araw na itong dalhin doon. Iniabot ni Benjamin nang pasimple sa isang babaeng employee ng department store ang mga bibilhin niya at sumenyas na sandali lamang. “Hintayin mo muna ako, mag-cr lang ako,” ani Benjamin. “Sige, dito lang ako malapit sa guard para mabilis mo ‘ko makita.” Pasimpleng binalikan ni Benjamin ang babae at nagpasalamat dito. Wala namang pila sa cashier kaya nabayaran niya ‘yon kaagad. Dahil nai-message niya na ang driver na si Mang Tony ay tinext na lamang niya ito na kunin ang pinamili niya na iniwanan niya sa Dept. store, naibilin niya na rin doon na may kukuha no’n at pangalan ng kukuha. Pagbalik niya’y naroon si Tammy at kinawayan kaagad siya nang makita. Ngiting-ngiti ito sa kanya samantalang ilang taon din itong nakasimangot tuwing makikita siya. “Bilis ng oras,” sabi ni Benjamin. Nangiti si Tammy. “Masaya ako, salamat!” Nangiti rin si Benjamin, nagulat pa siya nang kusa itong humawak sa kanyang kamay. “Dahil birthday ko, ililibre rin kita. Pero iyon lang,” turo nito sa isang ice cream stand. Nangiti si Benjamin. “Sure, hindi ko ‘yan tatanggihan.” Nangiti rin si Tammy at sabay na silang pumunta roon. Naglakad-lakad pa sila nang makabili ng ice cream bago bumalik sa sasakyan. “Napagod kayo?” tanong ni Mang Tony no’ng umaandar na ang sasakyan. “Opo, pero masaya naman ako,” ani Tammy. “Happy birthday pala,” sabi ni Mang Tony. Nilingon ni Tammy si Benjamin na nabigla naman. “Sinasabi mo lang na birthday ko at nilibre mo ‘ko pero hindi mo naman ako binabati mismo,” anito. Natawa si Benjamin. “Mamaya pa kasi,” sagot nito. “Mamaya pa?” Nangunot ang noo ni Tammy. “Bakit mamaya pa?” “Oo na, sige na,” anito. “Paabot naman po ng cake niya,” ani Benjamin. Nagulat si Tammy nang iabot ni Mang Tony ang isang maliit na box. May inilabas na lighter si Mang Tony at iniabot kay Benjamin. Binuksan ni Benjamin ang kahon at lumantad doon ang isang cake na puso at kulay pula, mayroon na ‘yong maliit na candle na hugis puso rin. Sinindihan ‘yon ni Benjamin. “Happy Birthday sa nagmamay-ari ng puso ko.” Nag-init ang mukha ni Tammy. Ang mga luha niya rin ay nagsisimulang bumagsak. “Nakakainis, hindi ko alam bakit ako naiiyak,” ani Tammy. Nangiti lang si Benjamin. “Blow muna, happy birthday.” Nag-blow naman si Tammy at ngiting-ngiting nagpasalamat dito. “Kiss—” turo ni Benjamin sa pisngi. Namula si Tammy. “Tumigil ka nga! Hindi pa kita boyfriend kiss na kaagad.” Natawa nang malakas si Mang Tony. “Seniorito, manligaw ka muna nang maayos.” Natawa lang si Benjamin. Nang maihatid sila nito malapit sa rancho ay nagpababa na si Benjamin. Maglalakad na lamang daw sila. “Ano ‘yang dala-dala mo?” tanong ni Tammy sa hawak niyang tatlong paperbag. “Regalo ko sa ‘yo,” anito. “Hala! Ayoko na, madami na masyado—” “Hindi ko naman ito magagamit, malulungkot pa ‘ko na tinatanggihan mo.” “Pero—” “Pag-uwi mo na ito tingnan.” Magkahawak-kamay sila, hindi nila alam sinong naunang kumapit sa isa’t isa. “Paano kung ‘di naman pala kita sasagutin? Sayang ang mga ginastos mo.” “Pero binigay ko ito sa ‘yo dahil birthday mo, hindi naman dahil gusto kong sagutin mo ‘ko. Gusto rin kitang makasama at mapasaya.” “Hmm, baka bigla mo akong pagbayarin kapag ‘di kita sinagot.” “Hindi nga, ibinigay ko ito sa ‘yo dahil gusto ko. Bakit ko naman babawiin?” “Hmm…” “Bakit hindi mo ba talaga ako gusto?” “Hindi naman sa gano’n, ayoko lang mag boyfriend pa.” “Hindi naman ako nagmamadali, o dahilan mo lang ‘yan kasi may gusto ka ng iba?” “Hoy, wala ‘no! Ikaw nga lang ‘tong makapal na hinahawakan ang kamay ko—” “Talaga ba?” Napatingin sila sa kamay nilang magkahawak. Kaagad binawi ni Tammy ang kamay nang makitang siya ang mahigpit humawak sa kanilang dalawa. “Naiinis ako sa ‘yo, natutuwa na nga ako kahit ngayon lang!” Natawa lang si Benjamin. Iyong ibang kaibigan nila ay may boyfriend and girlfriend na. Iyong iba nakailang relasyon na, si Tammy na seventeen at Benjamin na mag seventeen na rin next month ay wala pang ganoong karanasan. Hindi nagmamadali si Benjamin, iniisip niya kasing marami pa silang oras ni Tammy. Hindi naman focus sa ganoong bagay si Tammy, mas gusto niyang matupad ang mga pangarap niya muna at siyempre ang tiwala ng ina sa kanya ay hindi masira. Nang malapit na sila’y iniabot na ni Benjamin ang regalo rito. “Happy Birthday.” Hawak ni Tammy ang cake sa kabila niyang kamay. Malamig ang simoy ng hangin at madilim na rin, wala ng mga taong makikichismiss dahil oras ng hapunan na iyon. May kalayuan din sa ibang mga bahay ang bahay nila Tammy dahil mas malapit iyon sa lugar ng mga kabayo. “Good night,” ani Benjamin. “Good night,” ani Tammy na hindi naman humahakbang palayo. “May nakalimutan ka ba sa sasakyan?” takang tanong ni Benjamin. Umiling si Tammy. “May problema ba?” nag-aalala si Benjamin. Tumungo siya para makita ang mukha nito. Bigla kasi talaga siyang tumaas nang nagbakasyon din. Nag-angat ng mukha si Tammy at mabilis na hinalikan ito sa pisngi. Nagmamadali itong kumaripas ng takbo patungo sa bahay nito. Gulat pa rin si Benjamin na nakatayo lamang at titig na titig sa tahanan nila Tammy. Nahawakan niya ang pisngi at pinag-initan ng pisngi. “Totoo bang hinalikan niya ‘ko rito?” ani Benjamin na ang tinutukoy ay ang hawak na pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD