Chapter 6: Three Years later

2008 Words
THREE YEARS LATER “Tammy!” Napabalikwas ako nang bangon dahil sa matinis na boses ni Joanne. “Ano ba ‘yon?” Medyo nairita pa ‘ko dahil nga kagigising ko lang. “Anong ano ba ‘yon? Mag-shopping tayo ‘di ba?” Bumalik ako sa ‘king higaan at nagbalot ng kumot. “Please, ten minutes…” “Anong ten minutes ka pa? Let’s go!” Hinila niya ‘ko patayo. Napapadyak na lamang ako. “Dito lang ako para sure akong hindi ka babalik ul isa higaan mo,” ani Angela. Nagkrus siya nang binti nang maupo sa ‘king study table. Hindi nawawala ang tingin niya sa cellphone. “Girl, hindi mo ba kami papupuntahin sa Villa Del Rosario?” tanong ni Angela. Nagulat naman ako at hindi kaagad nakakibo. “Itatanong ko muna—” “Hmm, ‘kay! Alam mo ba sab isa ‘kin ni Clea, iyong friend ko sa kabilang University? Sabi niya sa ‘kin pareho raw lalaki ang anak ng mga Villa Del Rosario,” ani Angela. Pinanlamigan ako nang pakiramdam. “A-anong sinabi mo?” Hindi ko siya maharap. “Hmm! Sabi ko do’n siya nagkakamali! Natawa rin siya dahil iyon lang naman daw ang alam niya pero hindi naman niya personal na kilala ang mga Villa Del Rosario, kaloka!” Tumawa pa siya. “Maliligo na ‘ko.” Iniwanan ko na siya at nagtungo sa bathroom. Tumapat ako sa ilalim ng dutsa ng shower. Naiiritang sinabunutan ko ang sarili ko. Iyong antok ko ay kaagad nawala. Nang pumasok ako sa eskuwelahan na ‘to sa Manila at nag dorm din dito ay nakilala ko si Joanne, Angela, at Audrey. Mga rich kid sila na sobrang naging close sa ‘kin kahit pa hindi ko alam kung gusto nila ako bilang ako, o dahil lamang sa pagkakamali nila three years ago. Kung matatandaan ko ay nakasama ko sila sa isang klase at nilapitan nila akong tatlo. Masaya kaagad ako dahil may mga kaibigan na lumapit sa ‘kin. Tandang-tanda ko pa ang nangyari no’n… ** “Dahil new friend ka namin, ililibre kita!” sabi ni Joanne, anak ng dalawang mag-asawang doctor at may-ari ng isang private hospital sa Manila.“Oh, dapat ako na lang,” ani Angela na mukhang nalungkot na hindi ako maililibre. Anak naman siya ng isang Governor sa Mindanao. “Anong car ang gagamitin natin?” tanong ni Audrey. Isa siyang artista, hindi ko lang kaagad siya namukhaan. Marami sa angkan nila ang artista kaya kilalang-kilala sila. Hindi ko lang alam ‘yon dahil nga hindi naman ako mahilig manood no’n ng TV.“Oh, iyong school car na lang? Malapit lang naman!”Ang school car ay expensive rin ang dating. Dinala siya ng mga ito sa isang Italian cuisine restaurant. Napapalunok siya nang makita ang mga presyo na tila wala lang sa mga kasama.Malaki na sa kanya ang halagang one-hundred, fifty lamang ang binabaon niya no’n sa eskuwelahang pinanggalingan. Pero ang nasa menu ang pinakamababa ay halos 800 at hindi iyon ang ino-order ng mga kasama. Nagpapasalamat siyang libre ‘yon sa ngayon.“What do you want?” tanong sa ‘kin ni Joanne.“Uhm, kayo na lang pumili sa ‘kin—”“Sure!” Inagaw ‘yon ni Audrey.Sinabi niya sa waitress ang order bago sila bumaling sa ‘kin.Gusto ko ang lugar, gusto kong mag-picture nga pero nahihiya ako sa mga kasama ko.“Anong social media account mo?” tanong sa ‘kin ni Joanne.“Ah, ito—” Napansin ko kaagad na bagong sikat na cellphone ang hawak nila at parang last month lang siya official nan ai-release. Medyo nahiya tuloy ako sa ‘king cellphone kahit bago naman ‘yon. Pero hindi naman nila pinansin o hindi na lang nila isinaboses.“Oh, gosh! Look!”Kinabahan ako nang sabihin ‘yon ni Angela.“Oh, gosh, galing ka sa Villa Del Rosario?” tanong ni Joanne.“Narinig ko kanina ang apelyido niya rin ay Del Rosario,” sabi ni Audrey.Mukhang natuwa silang tatlo at ngiting-ngiti pa sa ‘kin.“Sabi ko na, hindi ako nagkamali ng radar when it comes sa mga rich girl!” ani Audrey.“Oh, gosh! Pangarap kong pumunta rito! Invite mo naman kami sa lugar ninyo, sa Rizal ‘to, right?”“Y-yes? Gusto ninyong pumunta sa ‘min?”Paano kung hindi naman nila magustuhan ang bahay namin?“Yes!” sabay-sabay pa nilang sabi. Mukhang friendly naman sila talaga.“Sige,” nginitian ko sila.Nang dumating ang ini-order nila ay nagpicture sila at isinama naman ako.Maging ang quality ng cellphone nila ay nadaig ang akin ng maraming beses.Kakaiba ang pakiramdam na kumain sa lugar na ito pakiramdam ko ay ganito ang mararanasan ko kung mas magsusumikap ako pag-aaral—makakakain ako sa lugar na ganito kahit kailan ko gusto.Masaya ako na kasama ko sila dahil nagiging madali sa ‘kin ang lahat.Mayroon kaming pagkain sa cafeteria na monthly binabayaran kapag kasabay ko silang mag-lunch ay malaki ang nai-add sa ‘king account at kung gabi ay hindi na ‘ko kumakain maliban sa isang bread. Kung nahuhuli nila ako ay sinasabi ko na hindi ako sanay kumain kung gabi. Hanggang ma-realize ko na ang dahilan bakit gustong-gusto nila ako lalo ay nang isang araw na mayroon kaming group project at magkakasama kami, pero dahil seven member ang kailangan ay kumuha sila ng tatlo naming kaklaseng babae.Habang nasa isang group kami ay nagsimulang magkuwento si Audrey.“Si Tamara, taga-Villa Del Rosario, so damn rich!” ani Audrey.Nagulat ako sa sinabi niya.“Yes! Sana dalhin mo kami sa Villa Del Rosario at gusto kong matikman ang mga delicacy sa Rizal! Nang sabihin ko kay kuya ang tungkol sa ‘yo ay nasabi niya sa ‘kin na bilyonaryo raw ang pamilya mo!”Nagulat ako, mukhang hindi ako ang alam nilang ako dapat.“W-wait, ano—” gusto ko ‘yon i-explain.Pero nagsimula na silang ma-excite lahat. “Sobrang sikat ‘yang lugar na ‘yan! Villa Del Rosario, alam ko dapat doon tayo mag recollection malapit do’n pero naitayo naman itong recollection facility natin kaya hindi na natuloy,” ani Veronica na halos umikot ang mga mata.“Yes!” si Angela. “Noon, ‘yong mga nakaraang batch sa Rizal sila nag recollection, mayroong malapit sa Villa Del Rosario na orphanage kaya ang suwerte no’ng mga naunang batch dahil nakarating sila sa Villa Del Rosario.”Marahil ang tinutukoy nila ay ang St. Mary Margaret na malapit nga sa Villa Del Rosario.“Pero dahil sa ‘yo makakarating na rin kami ro’n,” sabi ni Audrey na sobrang excited.“Daig pa natin sila kasi makakapasok tayo sa mismong mansion!” Mas tumaas ang excitement nila nang sabihin ‘yon ni Joanne.Napatungo na lamang ako. Nanlalamig ang pakiramdam ko, hindi ko rin alam paano ko sasabihin sa kanila na mali sila. Nakatira ako sa Villa Del Rosario bilang pangkaraniwang mamamayan at ang pamilya ko ay nagsilbi sa mga Villa Del Rosario. Hindi ako isang Villa Del Rosario, Del Rosario lamang ako. Si Benjamin na nagtalo pa kami bago ako umalis ang tunay na anak ng dalawang bilyonaryo. Mula sa ugat nila ay mayaman na sila at mas yumayaman pa dahil sa kanilang mga lupang binibili at ipinagbibili sa mas mataas na halaga. Second Year College na ‘ko ngayon, tatlong taon ko na ring nairaos ito kahit nahihirapan ako dahil sa laki ng gastos kahit full-scholarhip ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabayan ang mga shopping at expensive restaurant na gusto nila palaging kainan. Matipid ang tingin nila sa ‘kin, hindi nila alam ay napakalaking bagay na nang nailalabas ko sa isang araw na tinatawag nilang matipid. Isang linggong budget ko noon ay isang araw lang dito. Minsan nga, pang-isang buwan pa ang isang araw lalo kapag may bagong expensive restaurant silang gusto. Minsan natatakasan ko sila, pero madalas hindi. Second Year college na ‘ko sa kursong BS Biology dito pa rin sa school kung saan ako nag-senior high sa Manila—Saint Paschal Baylon University. Isa siyang expensive school na nagkakahalaga ng 250 thousand sa kabuuan ng taon. Scholar ako ni Mada’am Rishanne sa halagang 200K, habang ang fifty thousand ay nakuha ko no’ng nag-exam ako sa eskuwelahan na ito. Magagamit ko ‘yon hanggang magtapos ako nang pag-aaral dito—less 50K every year. Dahil din naging isa akong Top student, nagawa ko ring libre ang dorm ko. Isa ‘yon sa sukli ng eskuwelahan kapag inilalaban nila sa iba’t ibang contest sa labas ang katulad kong estudyante. Ang pagkain at project ko ay si mama na nasa ibang bansa nag-ta-trabaho ang gumagastos. Sa totoo lang, two-hundred fifty thousand per year ang pag-aaral ko rito, pero kung i-calculate pa ang ibang binabayaran sa labas no’n ay baka hundred thousand pa ang idagdag. Para lamang masustentuhan itong sarili ko ay nagpabili ako ng oven kay mama at nag-bake para magbenta sa mga classmate ko or i-bake sila ng mga cake, cupcakes, at iba pa. Alam ng mga kaklase ko na naniniwalang isa ‘kong anak ng mga bilyonaryo ay hobby ko lang iyon, hindi nila alam, kailangan-kailangan ko ‘yon dahil hindi ako tatagal sa eskuwelahan na ito kung hindi ako kikita. Malaki naman ang naiipon ko sa baking dahil marami akong client na nakukuha sa school at labas ng school dahil na rin sa mga rich kong kaibigan. “So, nasa mall tayo dahil sa mga new student na papasok ngayong semester?” tanong ko kila Angela, Audrey at Joanne habang nasa isang boutique kami. “Yes!” mabilis na sagot ni Angela. “Naalala ninyo ‘yong sinasabi kong nag-inquire sa school na ‘to last month, feeling ko makikita ko siya ro’n!” Kinikilig na naman siya. “Paano mo naman nasiguro na papasok siya rito? Inquire nga lang,” ani Audrey. Katulad nang dati ay hindi sila makapili kaya marami silang kinukuha. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanilang ibebenta ko na lang ang mga gamit nilang ‘di nila ginagamit at binibili lang dahil gusto nila o isinuot lang nila ng isang beses. Mas dumarami na rin kasi ang gastusin. “Ano bang pangalan?” tanong ni Audrey. “Guwapo ba?” “Guwapong-guwapo! Tall dark and handsome! Parang Turkish ang dating!” Tila na-excite sila dahil sa sinabi ni Angela. Ako narito lang sa likuran nila at iniisip kung paano ko ibebenta ang mga expensive dress na mayroon din ako nang ‘di ako nagmumukhang poorita. “Hindi ko narinig ‘yong pangalan!” Nanghihinayang si Angela. “Pero sure ako na Villa Del Rosario ang apelyido niya!” Nagulat din silang tatlo maging si Angela na nagsabi no’n. Nanlamig ang pakiramdam ko. Napatingin sila sa ‘king tatlo. “Wala ka bang pinsan na mag-transfer dito?” na-e-excite na tanong sa ‘kin ni Audrey. “Loka! Del Rosario lamang si Tammy!” natatawang sabi ni Joanne. “Ah, itong crush ko pala ay dinala pati Villa nila Tammy,” natatawang sabi ni Angela. Kumakabog ang dibdib ko, hindi naman siguro si Benjamin Villa Del Rosario ‘yon? Imposible naman, kung sa Manila siya mag-aaral ay malaki ang Manila para magsanga pa uli ang landas namin. “Well, baka naman poor ‘yon at scholar lang ang habol,” narinig kong sabi ni Joanne. “Papatol ka sa poor na ikaw pa ang manlilibre sa date?” si Audrey na nangmamaliit ang tingin kay Angela. “Pero hindi siya mukhang poor—” “So, what about Diana? Mukhang rich pero poor naman!” Kontra kaagad ni Audrey. Nanlamig ako lalo, pakiramdam ko sobra-sobrang pangmamaliit ang matatanggap ko sa kanila kapag nalaman nila ang totoo. Si Diana na sinasabi nila ay ang full-scholar ng school pero walang itinatago tungkol sa kanyang sarili. Proud siyang galing siya sa mahirap na buhay at panganay. Bagay na hindi ko kayang ika-proud sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD