Every semester nagkakaroon ng welcome party sa mga transferee, sabihin na nating sobrang hilig ng school namin sa party dahil iyon din ang gusto nang karamihan ng estudyante rito. Ako naman din ay natutuwa sa mga party pero ewan ko bakit hindi ngayon para akong naaaligaga nang husto. Nag ring ang cellphone ko kaya dinampot ko ‘yon. Huminto muna ‘ko sa pagme-make-up. Gibson, zup! I’m excited to see you, crush. Isa si Gibson sa nanliligaw sa ‘kin last year siguro no’ng magsimula siyang manligaw ng totoo. I mean, no’ng senior high kami at Grade-12 nanliligaw siya sa ‘kin pero hindi ko tinuturing na seryoso ‘yon dahil nagkakaroon naman siya ng girlfriend. Wala pa rin akong nagiging boyfriend pero dahil sa kapipilit ng mga kaibigan ko at bet na bet nila si Gibson ay todo alok sila sa ‘kin.