“Pretty as always,” ani Gibson sa ‘kin nang makasakay ako sa kanyang sasakyan. Nahirapan akong mamili ng susuotin dahil baka mapuna pa ‘ko ni Benjamin. Ewan ko rin, bakit kailangan kong isipin kung ano ang magiging reaksiyon ng lalaking ‘yon. Naramdaman ko ang kamay ni Gibson dahil inayos niya ang seatbelt. Pero bakit naiilang talaga ako sa kanya nang sobra? Lalo sa ngiti niya. Guwapo naman siya, hindi naman siya mukhang maniac, pero hindi ko talaga alam. Pero hindi lang naman sa kanya, sa iba ring lalaking medyo touchy ay naiilang ako. Paano ko naman ipaliliwanag ‘yong kay Benjamin na nahawakan na lahat nang maselan kong bahagi? Nag-iinit ang mukha ko. Pinakawalan naman niya ‘ko kaagad pero nakailang halik pa siya sa ‘kin. Pero bakit nga kaya gusto ko ang halik niya? Nahawakan ko