Kumakabog ang dibdib ko. After three days, pinapunta niya uli ako rito sa unit niya. Nag-type ako ng password at ganoon pa rin naman kaya nakapasok ako. Dala-dala ko ang mga ipinabili niya sa ‘kin sa grocery. Hindi naman siguro niya ‘ko paglulutuin? Hindi pa rin ako marunong magluto, I mean, wala akong tiwala sa sarili ko maliban kung baking. “I’m here, Benj,” malakas na sabi ko. Baka nasa kuwarto lang siya. Nag-message naman ako sa kanya pero hindi pa rin niya na-seen. Pumunta ako sa kusina para ayusin itong mga ipinabili niya sa ‘kin. Nagtali muna ako ng buhok para mas maging magaan ang pagkilos. Mabuti at bumili ako ng food container dahil tama ako na wala siya ng mga ito. Ang meat ay hinugasan ko muna bago ko inilagay sa food container. Beef, pork and chicken ‘yon. Mayroon di