Jonathan's POV
Naglalakad ako ng walang direksyon, at 'di ko namalayan na nasa rooftop na ko ng ospital.
Babantayan ko sana si Papa kaso parang hindi ko ata kayang harapin si papa lalo na sa itsura ko ngayon.
Tinanaw ko ang langit kung saan papalubog ang nakakasilaw na araw.
Lumapit ako sa bakod at pinagmasdan ko ang mga tao na animo'y mga langgam sa liit.
Kung sana naging insekto na lang din ako.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang hangin.
Kinakain ako ng konsensya ko sa bawat oras na lumilipas. Napaka iksi ng anim na buwan.
Hindi lingid sakin na kahit anong oras pwedeng mawala si Papa. Sa kalagayan niya kahit magkaroon pa ng himala na galing sa diyos o milagro galing sa demonyo ay mamamatay at mamatay pa din siya.
Pero hindi ko maiwansang... umasa
Sa tingin ko mas makakabuti ata kung hihinto muna ako. Yung isang taon hindi mapapalitan ang kakaunting oras na makakasama ko si Papa, pero pangarap niyang makita akong makatapos ng pag-aaral kahit sa Senior High lang.
Hayyy bahala na.
"Gusto mo tulak kita?"
Narinig ko na bulong sa tenga ko.
Napaatras ako. Sa paglingon ko ay nakita ko ang babae na naka formal attire. Bigla niya akong dinikitan at agaran akong lumayo.
"Ang lalim ng buntong-hininga ahh, May problema ka?" Ushosyo niya.
"Chismosa." Bulong ko sa hangin. Kumapit ako sa railings, baka mamaya itulak talaga ko nito.
"Curious lang." Pagdadahilan niya at tumingin siya sa mga tao sa baba.
"Ang liit nila 'no?" Dabi niya habang nakangiti sa mga tao sa ibaba
"..."
Ba't ba ko ginugulo ng babae 'to?
Pinagmasdan ko s'ya. Hindi ako nagsalita at namagitan sa amin ang katahimikan.
"Alam mo? masamang kinikimkim ang sama ng loob, dapat nilalabas yan." Bigla siyang tumingin.
"Kung hindi sasabog ka." Tuningin siya sa mata ko.
"Ano, magkukwento ka ba?"
Tiningnan ko siya ng masama. Ang lakas ng loob niyang magtanong. Bakit ba nangingialam siya sa buhay ng may buhay?
"Chill, nag jojoke lang ako para malessen yang stress mo." Nginitian niya ko pero di ako natutuwa sa kanya.
"By the way I'm Ariel. Nice to meet you." Inalok niya ang kamay niya.
Tiningnan ko ang palad niya at tiningnan ko siya. Wala akong balak makipag kamay sa katulad niya.
Nakipagtitigan lang din siya sakin at namagitan ulit samin ang katahimikan ngunit kasabay nito ang malakas na ihip ng hangin.
"Sabi ko nga ayaw mo." Sabi niya sabay apir sa sarili niyang kamay. "Ang suplado mo naman." Pagpaparinig niya sabay agaran tumingin sa ibaba upang pagmasdan ulit ang mga tao.
Kanina pa siya, at parang wala siyang balak na tantanan ako. Sandali… parang alam ko na.
"Mukha ba kong mag papakamatay sayo?" Tiningnan ko siya. Sigurado akong ito ang dahilan kung bakit niya ko iniistorbo.
Hinarap niya ko at tumingin siya sa mata ko. "Hindi, pero siguro malapit na."