Chapter 1: Trauma
Jonathan's POV
Sabado ng gabi, kakauwi lang namin ni papa galing sa paglalaro sa labas. Unang pumasok si papa upang buksan ang pinto sa kanilang kwarto.
Ang malaking likod ni papa ay ang pader na tumatakip sa kanyang nakita.
"Bakit?? ...Hon bakit?!" Paulit ulit niyang sinasambit habang nangingilid ang kanyang luha.
Isang magandang damit and naaninag kong nakasabit sa kisame.
Nagpakamatay si mama.
Niyakap ni papa habang nasa likod niya ang bangkay ni mama.
Sumasabay sa ihip ng hangin sa nakabukas na bintana, tanaw ang araw na nagtatago sa dulo ng mundo. Agaw liwanag ang takipsilim.
Sa mga panahon na yun pitong taon pa lang ako at wala akong kaalam-alam bakit ginawa niya yun.
Masaya naman kami.
Normal na pamilya pero... siguro minsan ang sobrang pagiging normal ay ang problema.
Umalis s'ya ng biglaan at nag iwan lang s'ya ng sulat para sakin at kay papa.
Bakas dito ang mga patak ng luha.
__
Dear Jonathan at Rondel,
Sana kahit wala ako maging masaya kayo, patawarin niyo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Di ko alam bakit nasasaktan ako. Bakit nga ba ako malungkot kung masaya naman dapat tayo? Gusto ko na lang matapos ito.
Paalam, sana mapatawad nyo ko.
__
Walang nakapansin sa mga sugat ni mama na siya din ang mismong may dulot. Walang nakakaalam sa sariling laban na pinagdaanan niya.
Matindi talaga bumawi ang kapalaran kapag nawalan na ng pagasa. Walang may alam kung anong dahilan... basta nangyari na lang. Sadyang tinamaan ng depression si mama
At simula ng namatay si mama araw-araw nag pagkalunod sa alak at trabaho si papa. Sabi niya gusto niya na lang makalimutan si mama pero parang nakalimutan niya na din ata ako.
Tila wala na ding buhay si Papa dahil sa pagkamatay ni mama kaya kung tutuusin parang ako na lang din ang nagpalaki sa sarili ko.
Sa araw na yun parang nawalan din ako ng ama.
"Minahal ko ang mama mo sobra. Sobra sobra na wala nang natira sa akin pero bat di ko alam?!! bakit di ko na pansin??? Siguro kung nag sabi siya na hindi na siya masaya, na baka iba na yung nararamdaman niya, baka nandito pa siya." Maririnig ang pagsisisi sa boses niya pero hanggang pagsisisi na lang, wala nang magbabago.
Pero paano ako? Hindi ba ako nawalan? Hindi ba ako nasaktan?
Tumingin si Papa sa mga mata ko. "Paglaki mo maintindihan mo rin ang nararamdaman ko." Ngumiti sya at tinapik ang likod ko. Pumasok siya sa kwarto habang dala-dala ang bote ng alak.
Kung ganun din naman pala ang pagibig, di ko na gugustuhin maranasan yun.