Kabanata 6: Akala

255 Words
Nagmamadali akong naglakad papunta sa elevator. Makikita ang repleksyon ko sa pinto ng elevator. Hinihintay kong bumukas ang pintuan, makailang pindot na ang ginawa ko pero hindi pa rin nagbubukas. Mas lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko. Paano kung si papa- hindi nag ooverthink lang ako. Nang bumukas na ang pinto ay agaran akong pumasok. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero ang ingay ng utak ko. Hinawakan ko ang kamay ko upang pigilan ang sarili ko sa panginginig at pag iisip. Tumakbo ako ng mabilis nang makarating sa tamang floor. Room 23 sa kaliwa aisle ang kwarto kung saan nakaadmit si papa. Lumabas ang doktor sa loob ng kwarto ni papa. "Mr. Jonathan normal naman ang kalagayan ng pasyente, false alarm lang pala." Sa pagsilip ko sa bintana ng pintuan ay natanaw kong mahimbing na nakahiga at natutulog si papa. Nakahinga ako ng maluwag at dahil na din siguro sa pagbaba ng adrenaline sa katawan ko ay napaluhod ako. Ubos na ang pera na itinabi ni papa at mama noon para sa kolehiyo at metrikula ko. Mas malalaman na ang kondisyon ni papa, mas lalo na siyang nanilaw at pumayat. Kahit pa may pera para ipagamit at operahan siya ay baka hindi na rin kayanin ng katawan niya. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa pagod. "Maling akala lang pala." Sabi ko sa sarili ko. Sobrang panic naman ang inabot ko sa maling akala. Baka kulang lang talaga ko sa pahinga. Hay... maling akala na naman pero baka sa susunod hindi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD