"Sino ka ba? Wala kang karapatan sabihin yan at kung ganun man wala ka nang pakielam d'on."
Mas lalo akong nabadtrip sa babaeng 'to. Kung hindi lang siya babae sinapak ko na 'to.
Hindi ako kasing hina ni mama, na nawala sa panahon na kinakailangan siya at kahit kailan di ako magiging katulad niya.
Sa pagtitimpi ng galit ay tinalikuran ko siya, agaran akong naglakad paalis, palayo sa babaeng 'to at baka di ko matansya ang sarili ko.
Wala siyang alam sa buhay ko, sa pinagdadaanan ko kaya wala siyang karapatan hulaan ang mangyayari sakin.
Hindi siya umimik, nararamdaman ko ang tingin niya na nakasunod sa bawat galaw ko.
Sa bawat hakbang ko ay bumabalik ang alaala ni Mama.
Ang palubog na araw sa bintana, ang kwarto na puno ng gamit, ang damit na suot niya, ang pagyakap at pagiyak ni Papa.
Hindi ko mapigilang lumuha, sa bawat patak nito ay ganun din ang pagsikip ng dibdib ko.
"Hay Diyos ko ang bait mo naman." Bugtong hininga ko sa hangin.
Ang bait ng diyos, nagtira pa siya ng isa, iniwan pa niya ko.
Ngayon si Papa naman ang mawawala sakin, 'di pa ko handa… kahit kailan hindi ako magiging handa.
Tinanaw ko ang buwan namaaninag na sa kalangitan, kabaligtaran ng araw, dala nito ang dilim at ang bituin sa dulo ng mundo.
Umihip ng malakas ang hangin na parang pinapatahan ako sa pag iyak.
Sa harap ng pintuan ay nakita ko ang repleksyon ko. Magulong buhok, puyat, at gusot gusot na damit…
Katulad pa din naman ng dati.
Inayos ko ang sarili ko at sabay sa pagbukas ng pinto ay maririnig ang sigaw niya.
"Goodluck."