Kabanata 5: Takbo

235 Words
Agarang akong tumakbo dala-dala ang mga gamit ko. Nawala na si Mama, ngayon si papa naman. ….hindi ako handa. kahit kailan hindi ako magiging handa. Kulang na lang ay lumipad ako sa pagmamadali. "Oh Mr. Ramos saan ka pupunta? Magsisimula na ang klase." Nakasalubong ko ang susunod na subject teacher namin. Hindi na ko nakasagot dahil sa pagmamadali. 'Sumpain ang sandamakmak na hagdanan na 'to.' Nagkanda bangg- bangga na ako sa ibang mga estudyante na umaakyat din ng hagdanan. Hindi ko na magawang humingi ng tawad dahil sa pagmamadali. Tirik ang araw dahil sa katanghalian at mainit din ang simoy ng hangin. Maalinsangan at walang masilungan sa init. Nakalimutan ko din pala yung payong ko sa bahay. Nang maka labas ako sa building ay agarang akong tumakbo papuntang gate. "Anong oras palang? wala pang uwian." Saway ng gwardya na nag babantay. Tumingin ang guwardiya sa relo na suot niya. "Bakit kaba uuwi?" "Boss may emergency kasi. Kailangan kong pumuntang hospital." Pagmamadali kong sabi. "Sorry boy, kailangan mo ng consent para makalabas." Makikipag patintero pa nga ako sa gwardya na 'to. "Kuya naman parang awa mo na." Sabi ko sabay inabutan ko si kuyang gwardya ng 200 pesos. Pambayad ko pa man din yun sa ilaw at kuryente. "Sige na dumaan kana." Rimingin tingin siya sa paligid bago ibinulsa ang pera. Isusumbong ko to sa guidance bukas. Nang makadaan ako ay agad akong pumara ng tricycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD