Kabanata 4: Late

277 Words
Nagising ako sa sinag ng araw na galing sa bintana. Lunes na at tirik na ang araw sa labas. Late na naman ako. Mabilis akong tumayo at inayos ang higaan, sumunod naman ang mga gamit ko. Naligo na ko at agarang hinanda ang dalawang nilagang itlog na nakapatong sa sinaing, Tipid tipid muna dahil maraming pang bayarin. Papasok na 'ko sa 'skwelahan at nakita ko ang bill ng Meralco na nakasiksik sa gilid ng pintuan. Magtatatlong buwan na at kailangan ko nang bayaran yung kuryente kung hindi ay mapuputulan kami. Sakto lang ang pera ko para sa isang buong linggo bago ako sumahod. Tiis tiis muna hanggang makaluwag-luwag. Ibinulsa ko ang bill at agaran akong naglakad papuntang school. — Alas dose na, kakatapos lang ng klase at kalagitnaan na ng recess. Kinuha ko sa bag ang dalawang itlog na baon ko. Habang nagbabalat ay nag masid ako sa paligid. "Walang lasa." Nakalimutan ko pa lang kumuha ng asin dahil sa pagmamadali. Na sa 4th floor ang classroom namin kaya't tanaw na tanaw ang mga tao sa baba. Pinagmasdan ko ang mga estudyante na nakatumpok sa gilid ng covered court na nag dadaldalan. Tumunog ang telepono ko, agarang kong hinanap ang cellphone ko sa bag. Tiningnan ko kung sino yung tumawag… Number ng hospital. "Hello si Jonathan Ramos po ito,Ano oo bang nagyari, bakit po kayo napatawag?" "Hello Jonathan, this is nurse Ikaw ba yung anak at guardian ni Mr. Ramos na Naka confine sa room 23?" "O-opo, papa ko po siya." Nanginginig kong sabi. "Please pumunta ka agad sa hospital ngayon din. critical ang kondisyon niya." Nagdilim ang paningin ko, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD