Kabanata 3: Pagod

291 Words
Pasok sa eskwelahan, magtrabaho at dumalaw sa ospital, isang buwan na ganito lang ginagawa ko araw-araw. Sabi nga nila na hindi mo kayang magsilbi sa dalawang panginoon ng sabay, tatlo pa kaya. Walang matanaw sa bintana dahil sa malakas na na buhos ng ulan. Panahon ng amihan ngayon, malamig ang simoy ng hangin. Masarap kumain ng lugaw habang nakahilata sa higaan. Masarap sanang magpahinga. Ilang araw na ‘kong walang maayos na tulog, mahirap talagang matulog kung na sa ganitong sitwasyon ka. Tapos na ang oras ng pagbisita sa ospital at kailangan ko pang umuwi dahil may pasok pero paano ko uuwi. Sa lakas ng ulan baka tangayin ako ng hangin at ulan sa daan. Umupo ako sa waiting area ng ospital. Mas kakunti ang tao ngayon kesa noong mga nakaraang araw siguro dahil na rin sa bagyong paparating. Napa sandal ako sa may pader, ang bigat ng pakiramdam ko, epekto siguro ng pagod. Pumikit ako at hinayaan ko munang lamunin ako ng antok. - - - Nagising ako sa ingay. Nagkakagulo ang buong hospital. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang sigaw ng doktor, mga nurse at ang dala nilang taong nakatakip ng tela sa stretcher kasama ang mga aparatos. Nakakapanlumo Kaba lang ang nangingibabaw na nararamdaman ko. Agaran kong nilapitan ang babaeng katabi ko. "Miss anong nangyayari?" Kabado kong pagtatanong. "May lalaki daw na naghihingalo." Sambit ng babaeng nabigla sa pag hablot ko sa kanya kanina. Nagblanko ang isip ko at tumibok ng mabilis ang puso ko. "Naaksidente kasi sila dahil madulas yung kalsada." Dugtong niya. "Okay ka lang ba? Namumutla ka." Pagtatanong niya. "Okay lang po ako. Sige po mauna na 'ko." Sabi ko sabay tayo. Naglakad na lang ako palabas ng hospital, bahala na kung maulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD