Kabanata 2: Pag-asa

286 Words
Jonathan's POV "Huwag ka mag alala anak, sa wakas at makakasama ko na din ang mama mo. Kayanin mo kahit wala ako." Sambit nya habang nakaratay sa higaan, nakagapos sa mga aparatong di mo matutunton ang pinanggalingan at pilit nagdurugtong sa kanyang buhay. Na ospital si papa, sabi ng doktor masyadong nasira ang atay nya sa kakainom. 'Di na 'ko nagtaka, lalo na madalas naman niyang iniinda ang sakit ng tiyan. Binigyan na din siya ng taning ng doktor, humigit kumulang na anim na buwan. 'Di ko na alam kung anong gagawin ko... si papa na lang din ang rason kung bakit gumigising pa 'ko araw-araw, kung mawawala siya,parang wala na din ako. "Sorry anak, hindi ko na din kaya pero sana huwag kang sumuko, Sana tuparin mo ang pangarap namin ng mama mo sayo. Mabuhay ka ng masaya, tapusin mo ang pag-aaral mo. Tandaan mo kahit mawala man ako sinusubaybayan ka namin ng mama mo." Nakangiti niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang sakit na iniinda pero mahahalata din ang awa niya sakin. "Pa may anim na buwan pa naman, kaya natin 'to." pahikbi kong sabi. Nakayuko na lang ako, di ko s'yang kayang tingnan. Hindi na ito ang kinamulatan, kinalakihan kong papa na malakas, na kaya kong buhatin kahit saan kasama ni mama. Nanghihina, naninilaw na balat at payat na payat, di ko matanggap na huli na ang lahat. Biglang bumuhos ang luha ko, at bawat paghinga na ginagawa ko ay hinahabol ko ang hangin. Napaluhod ako, napayakap ako sa tuhod ni papa habang humahagulgol. Alam ko at alam niya na wala nang pag-asa pero sana- sana kung may Diyos man kung saan Parang awa mo na huwag ngayon, huwag kami, huwag si papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD