CHAPTER 04
'The New Her'
~ ~ ~
Nag iimpake lang ako ng ilan pang mga gamit na dadalhin ko pabalik sa Pilipinas.
Hindi na kasi ako sanay na may ibang tao ang nagiintindi ng mga gamit ko para sa akin tsaka wala na rin naman akong kasama dito sa bahay dahil pinag day off ko na yung mga kasambahay ko. Pinapabalik ko na lang yung isang caretaker ng bahay every Friday para maglinis kapag nakaalis na ako.
Nilagay ko lang sa kahon yung ibang mga papeles na kakailanganin ko, mga blueprint at mga kontrata.
Tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis ko at hindi na ako makapaghintay na makabalik ng Pilipinas. I’ll put a bet on myself, I will be satisfied less than a month. Tama! You read it right, less than a month, mapapahirapan ko na ng sobra si Castiel. After that, makakabalik na ulit ako dito HAPPY and ALIVE!
Well, wala pa akong nabubuong plano kung paano ko sisimulan ang lahat lalo na at wala akong ideya kung saan ko siya makikita o matatagpuan— pero isa lang ang sigurado ako, yun ay mag tatagpo at magtatagpo pa rin ang landas namin.
Pinagpatuloy ko na ang pag iimpake ko pero makalipas lang ang ilang minuto ay biglang may nag doorbell sa labas. Mabilis kong binatuhan nang tingin ang wall clock dito sa kwarto ko at doon ko nakita na mag a-alas otso na.
‘Sino naman kaya ang pupunta dito ng ganitong oras?’ hindi maiwasan na itanong ko sa sarili ko.
Tuluyan ko na ngang binitiwan muna ang mga libro na hawak ko tsaka agad na lumabas ng kwarto ko para pagbuksan ng pinto kung sino man yun.
I opened the door at hindi na ako nabigla nang makita ko siya ngayon.
“Kuya.”simpleng pag bati ko na lang sa kaniya at kahit napipilitan ay binatuhan ko siya ng simpleng ngiti.
“What brought you here?”pagdudugsong na tanong ko pa.
“This.”sabi niya at agad niyang inangat at pinakita sa akin yung dala niyang brown paper bag.
“Dinalhan kita ng pagkain kasi alam kong hindi ka na naman nag-dinner. Si Alleysa ang nag prepare nito para sa’yo.”nakangiting sagot niya sa akin.
Palihim akong napa buntong hininga dahil doon at kahit napipilitan na naman ay tuluyan ko nang binuksan ng malaki yung pinto para papasukin na siya.
Alam ko naman na palusot niya lang yun para makapunta dito sa bahay eh, kasi sigurado ako na may iba pa siyang dahilan bukod doon--- malalaman ko din yun.
Ipinatong niya yun sa may mini table ng sala.
“Kakainin ko na lang yan mamaya, may ginagawa pa kasi ako eh.”sabi ko at dinaanan ko lang siya tsaka tumuloy na ulit sa pagpasok sa kwarto ko. Kahit hindi ko naman siya lingunin ay alam kong sumunod siya sa akin dahil narinig ko ang mga yabag ng paa niya.
Pabagsak akong naupo sa kama ko.
“Mukhang ang dami mong dadalhin pabalik sa Pilipinas ah.”pansin ni Kuya at nilapitan niya pa yung mga naunang kahon na inayos ko na.
Hindi ko na lang siya binatuhan nang tingin at pinagpatuloy ang pag iimpake habang kinakausap siya.
“About sa trabaho naman yan lahat.”walang emosyon na sagot ko sa kaniya.
“Hmm. I know. Pero, I have something to tell you.”sabi niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng lihim bago ko siya batuhan nang tingin. I realized na tama nga ang iniisip ko kanina— hindi lang about sa pagkain ang dahilan kung bakit nandito siya.
“Then, what is it?”I asked.
Ilang segundo naman siyang hindi muna nagsalita at napapansin ko na para bang nag iipon pa siya ng lakas ng loob para sabihin kung ano nga ba ang isinadya niya sa akin ngayong gabi. Hindi nagtagal ay nag simula na nga siyang umimik.
“Uhmm you know- kahit busy ka, I’m hoping na magkaroon ka naman kahit konting oras para makipagkita kina Gaylord at Gwen kapag nasa Pilipinas ka na.”mahinang wika niya na para bang nag iingat siya sa mga salitang binibitawan niya.
Awtomatikong napaiwas ako sa kaniya nang tingin at walang salita na ibinalik sa ginagawa ko ang atensyon ko.
“Lalo na si Gwen. Ikakasal na siya— alam mo naman na hindi ako makakapunta kaya sana kahit ikaw man lang ay makapunta, di ba?”
I left an audible sighed before I face him.
“Alam mo naman na hindi ganong mga bagay ang pinunta ko doon Kuya. Magiging busy ako sa pag iintindi sa kompanya.”I said in my most serious tone.
“I know!”mabilis na sagot niya at agad siyang umupo sa upuan which is nasa harap ko lang.
“Pero, hindi ka man lang ba makaka kuha ng kahit ilang minuto lang sa oras mo para makipag kita sa kanila? Alam mo naman na nag aalala sila ng sobra sayo. They keep asking and texting me kung kamusta ka na ba.
Bakit ba hindi mo man lang sagutin ang text nila sayo?”tanong ni Kuya at biglang lumungkot ang tono ng boses niya.
Nang aktong hahawakan niya sana ang kamay ko ay agad naman akong tumayo.
“You know what Kuya, I’m tired. Kailangan ko pang tapusin ang lahat ng toh tapos maaga pa akong papasok bukas sa trabaho dahil flight ko na kinabukasan. So, I really dont have much time for this kind of conversation. I have lots of meetings to attend tomorrow, pwede bang let’s not talk about that stuff?”I answered. Pinagmukha ko talagang pagod na ang tono ng boses ko para kahit papaano ay mapaniwala siya.
Narinig ko naman ang ginawa niyang pag buga nang hininga tsaka walang imik na tumayo na. Base sa ekspresyon ng mukha niya ay parang napipilitan lang talaga siya na mag agree sa mga sinabi ko.
“Fine. But one more thing, hindi pa alam ni Chairman na babalik ka sa Pilipinas. Ayaw ko kasing mangialam kaya gusto kong ikaw mismo ang magsasabi sa kaniya ng plano mo. And isa pa, hindi ko alam kung magugustuhan niy—“
“I’ll handle my s**t Kuya. Kaya ko na ang sarili ko.
I think, you should go home now. Gabi na at baka hinahanap ka na ni Ate Alleysa at ni Pao. Paki-lock na lang yung pinto kapag aalis ka na, besides— mag kikita pa naman tayo bago ako umalis kaya ituloy na lang natin itong paguusap natin kapag nagkaroon tayong dalawa ng free time. I really have to finish these all, hope you understand.”I cutted him off and turned my back on him.
Hindi ko na siya hinarap pa hanggang sa marinig ko na lang yung tunog na ginawa ng pinto mula sa pagkaka sarado niya. At dahil nasiguro kong wala na siya kaya naman pabagsak na lang ulit akong napa upo dito sa kama at bumuga ng malalim na paghinga.
Hindi ko talaga alam kung ano pa ang gagawin kong palusot kay Kuya para lang hindi matuloy ang ganitong mga usapan namin. Im really sick of listening those lines! Ayaw ko lang talaga na magmukhang rude pero kung ako ang papipiliin, ayaw ko na talagang mabuksan pa ang mga ganoong klaseng topic sa pagitan namin.
It sucks, you know!
Isa pa— ang about kay Chairman.
Kahit na wala na siyang part sa kompanya at masagana niya nang inuubos ang oras at pera niya sa mga walang kwentang bagay ay hindi niya pa rin kami tinitigilan ni Kuya. I mean, nakikibalita pa rin siya sa amin lalo na sa akin which is ang pinaka ayaw ko.
Kung dati kasi ay malala na ang ugali niya, pwes mas malala na siya ngayon. Hays.
I hope na hindi kami magkita bago pa ako maka alis dito sa California.
Ayaw kong mas lalong masira ang buong flight ko kasi alam ko na ang magiging takbo ng usapan namin kapag nagkataon na nakapag usap kami. -_-
~ ~ ~
ART’s POV
Dahan – dahan na akong lumapit kay Alleysa sa kama habang nagbabasa lang siya ng paborito niyang libro. Dumating kasi ako dito sa bahay na tulog na si Pao kaya naman dumiretso na rin ako sa paghiga sa tabi niya.
Agad kong niyakap ang bewang ni Alleysa at ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya habang siya naman ay dahan-dahan nang isinasarado yung hawak niyang libro.
“What happened?”mahinahon na tanong niya sa akin.
Alam niya kasi na kailangan ko nang kausap kapag ganito ako sa kaniya, kilalang-kilala niya na kasi ako— sa tagal ba naman kasi naming magkasama eh.
“Hindi mo na naman ba nakausap ng maayos ang kapatid mo?”tanong pa ulit niya.
Alam din kasi niya na mas pino-problema ko talaga si Breigh kesa sa mga gawain ko sa kompanya. Halos ilang taon na rin kasi na ganon ang pakitungo sa akin ni Breigh at si Alleysa lang ang tanging nalalapitan ko kapag masyado akong nag dadamdam.
“Hindi ko na talaga alam kung paano ko siya kakausapin at pakikisamahan.
Everytime the two of us talked, even if she didn’t tell me directly— I knew she was pushing me away. Thaty’s what I always feel.”malungkot na wika ko dahil yun talaga ang tunay kong nararamdaman.
Unti-unti naman siyang umupo sa kama para mas lalo kaming makapag usap nang masinsinan.
“Intindihin mo na lang ang kapatid mo. It was only two years ago so it still hurts, especially we both know that she blames herself to what happened.”seryoso at mahinang sambit niya sa akin.
Tama siya! Kahit na hindi ipakita sa akin ni Breigh,a alm ko naman na sinisisi niya sa sarili niya ang nangyari 2 years ago— I mean, ang nangyari kay Dad.
“At alam kong may kaugnayan ang pagiging Walkerson niya sa pinili niyang maging takbo ng buhay niya ngayon. Ang mga babae, sa sakit sila kumukuha ng lakas kaya dapat magpasalamat ka pa dahil naging malakas ang kapatid mo sa kabila ng mga nangyari sa kaniya. Alam kong hindi madali at talagang nakaka panibago pero hindi mo masisisi ang kapatid”pagdudugsong an sabi pa niya at dahan- dahan na hinawakan pa ang kamay ko.
“But I miss her. I miss my old sister. I MISS THE OLD BREIGH!”madiin na wika ko at mabilis ko siyang niyakap kaya niyakap niya din ako pabalik.
Naiiyak na ako pero gusto kong pigilan yun.
“Parang ibang tao na siya kapag kausap ko siya.
Believe me or not, kinakabahan na rin ako sa tuwing nag uusap kami na never ko namang naramdaman sa kaniya noon. Ibang iba na siya at hindi ko gusto ang tapang na pinapakita niya sa akin at sa lahat.”punong puno ng lungkot na wika ko.
Hirap na hirap na ako.
Alam kong hindi kami tunay na magkapatid pero alam niyo naman na simula pa lang nung una ay hindi ko naisip ang bagay na yun. Hindi ko naisip na magkaiba kami. Tunay na kapatid ang turing ko sa kaniya at ganon din naman siya sa akin.
Pero nagbago na ang lahat.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero kahit tinatawag niya pa rin akong ‘Kuya’ sa tuwing nag uusap kami— to be honest ay hindi ko na talaga nararamdaman yun.
Parang pinaparamdam niya sa akin na isa na lang niya akong empleyado sa kompanya at hindi ko yun nagugustuhan, pero alam kong wala akong magagawa sa bagay na yun.
“Matanda na ang kapatid mo at nasa tamang edad na siya. Matalino din naman siya kaya alam niya kung ano ang ginagawa niya. Wag ka nang masyadong nag aalala sa kaniya.”sabi pa niya at tinapik- tapik niya pa ang likod ko.
“Baka hindi din mag tagal at maging maayos na ulit kayo.
Time heals the wound. Magka dugo pa rin kayo kaya kahit gaano pa katigas ang puso niya, darating ang araw at lalambot din yun ulit.”
Tumango-tango na lang ulit ako.
Sana lang sa pagbalik niya sa Pilipinas ay hindi na siya pumasok sa mga bagay na maaaring makasakit lang sa kaniya.
Dahil tama si Alleysa, isa siyang Walkerson at natatakot ako sa pwede niyang gawin kapag nagalit siya ng sobra kasi alam ko at nararamdaman ko na yung galit sa puso niya ay kinulong niya lang ng matagal na panahon sa dibdib niya.
Kung sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Dad— sinisisi ko naman ang sarili ko sa nangyari sa kaniya.
Masyado akong naging maluwag kay Breigh nong mga panahon na hinahabol niya pa ang walang-hiyang Castiel na yun. Kung sana ay noong una pa lang ay pinag bawalan ko na siya— hindi sana mangyayari ang lahat nang nangyari dalawang taon na ang nakalipas.
Isa lang ang hinihiling ko, yun ay ang wag nang magkita pa si Breigh at si Castiel kapag naka balik na siya sa Pilipinas, dahil kapag nangyari yun— lilipad din ako pabalik ng bansa upang ako na mismo ang maglalayo muli sa kanilang dalawa.
Dahil ipina- pangako ko, hindi na ako papayag na masaktan pa ulit si Breigh ng walang kwentang Castiel Denford na yun.
.
.
NOTE: Hello Army Sinners Fam!
Thank you sa pag hihintay ng update ko, pasensya na kung medyo natagalan pero everyday na ulit akong mag a-update, simula ngayong araw. Handa na ba kayo? Hehehe. Love you always guys. mwapzzz. ^_^