CHAPTER 01
"WHAT?! May mali na naman?
God dammit Gia! Ilang ulit na yang nangyayari diyan sa Pilipinas ah! Kulang pa ba ang pinapa sweldo ko sa inyo para hindi niyo magawa ng tama ang trabaho niyo?! FIX THAT s**t BEFORE I GET BACK THERE OR ELSE-- I WILL FIRE YOU ALL! "Malakas na sigaw ni Breigh sa kausap niya sa kabilang linya which ang secretary ng acting President ng Up Land Company sa Pilipinas.
Nakatanggap na naman kasi siya nang masamang balita tungkol sa mga maling natatanggap ng kliyente na blueprint ng mga proyektong pinapagawa nila sa kompanya.
Hindi lang naman kasi yun ang unang beses na nangyari ang bagay na yun-- mga tatlong beses na kaya naman halos sumabog na siya sa galit sa panibagong balita na natanggap niya.
Pabagsak siyang sumandal sa swivel chair na inuupuan niya tsaka malakas na ibinagsak ang telepono na hawak niya.
Nakakunot at nakasimangot ang mukha niya nang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang Kuya Art niya.
Agad namang napansin ng lalaki ang ekspresyon ng mukha niya.
"What happened? 'Tanong ni Art sa kapatid habang papalapit siya sa pwesto ni Breigh tsaka niya nilagay sa lamesa nito ang black na folder na kailangan ng pirma nito.
"Tsk. Nothing. "Sagot na lang ni Breigh sa kaniya at kinuha niya na ang fountain pen nito tsaka binuksan na ang folder.
Sinimulan niyang basahin ang mga papeles.
"Maaga pala akong uuwi ngayon kasi susunduin ko si Al at Pao. "Sabi pa nang Kuya niya patukoy sa asawa niya at ang anak nitong lalaki.
Simula kasi nang pumunta na silang buong pamilya sa California ay sumunod na rin si Alleysa sapagkat alam niyang malabo nang makabalik pa ng Pilipinas si Art dahil sumunod na rin si Breigh doon. Alam kasi nito na wala nang dahilan pa para bumalik pa sila ng bansa.
Isang taon lang ang nakalipas matapos na pumunta din si Alleysa sa California ay nagpakasal na ito doon at ngayon ay may 1 year old baby na sila.
"Sige Kuya. "Walang emosyon na sagot na lang ni Breigh sa kapatid habang hindi niya man lang ito binatuhan nang tingin dahil busy siya sa pag pirma ng mga papeles.
Hindi naman maiwasan ni Art na batuhan nang seryosong tingin ang kapatid.
Ilang segundo din siyang tumahimik hanggang sa magsalita na siya ulit.
"Gusto mo bang mag dinner sa bahay?"tanong pa ni Art.
Mabilis naman na sinarado ni Breigh ang folder na hawak niya at mabilis na umiling.
Ngumiti siya pero halata mong pilit na ngiti lang yun.
"Hindi na Kuya. I'm good.
I'm doing fine-- you don't have to worry about me. "Sagot nito.
"Pero-- ilang linggo ka nang hindi bumibisita sa bahay.'sabi pa ni Art sa kapatid.
Sobrang nag aalala na kasi siya.
"Busy ako.
Alam mo naman na tinatapos ko na ang lahat para bago ako umalis dito at bumalik sa Pilipinas ay wala na akong masyadong maiiwan na trabaho sayo -- in that case ay mas makakasama mo ng mas matagal si Ate Alleysa at Pao Pao. "Sagot ni Breigh tsaka niya inabot anh folder sa kapatid.
Napa hinga na lang nang malalim si Art bago niya tuluyang tanggapin yung folder.
"Make sure na ang kompanya lang ang ipinunta mo doon Breigh , or else-- susunod agad ako doon. "Sabi pa nito.
Hindi naman maiwasan ni Breigh na mapangisi sa narinig niya mula sa kapatid na lalaki.
"Come on Kuya. You know I change. "Sabi nito na nag patigil kay Art.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot pero hindi niya yun pinahalata.
"Sobra. "Mahina at tipid na sambit ni Art dahilan kung bakit napatigil rin si Breigh.
"Sobra nga ang pinagbago mo. "Pag dudugsong niya pa.
Dahil sa sinabi ng Kuya Art niya kaya agad siyang napa iwas nang tingin mula dito.
"Change is not bad.
You know-- we have three C's in life. Choice, Chance and Change. I have a choice and chance to change-- that's why I did. I change. Walang emosyon na naman na sagot ni Breigh.
Wala na nang nagawa pa si Art kundi ang tuluyan na lang mag paalam sa kapatid at lumabas na nang opisina nito.
.
.
Mahigit dalawang taon na nga ang lumipas sa buhay ni Breigh matapos ang pinamasakit na nangyari sa nakaraan niya. Dalawang masamang pangyayari ang dumurog sa puso niya na kung saan parang wala na siyang maramdaman na mas sasakit pa doon.
Simula nang umalis siya sa Pilipinas at sa California na siya nanatili ay tuluyan na ngang nagbago ang buhay niya.
Nang malaman niya ang panloloko na ginawa sa kaniya ni Castiel-- ang ginawang pag gamit nito sa kaniya ay tuluyan na nga niyang kinalimutan ang lahat sa Pilipinas.
Dala-dala ang wasak niyang puso ay lumipad siya sa California para hindi niya na muli pang makita ang binata.
Ngunit matapos ang masakit na pangyayari na yun ay may sumunod naman agad na mas masakit pa-- yun ay nang pumanaw ang Dad nila.
At sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari.
Dahil sa dalawang magkasunod na heart break na naranasanan niya ay naging matibay at mas manhid ang puso niya.
Hindi na siya ang dating Breigh Eternity Walkerson.
Hindi na siya mabait.
Hindi na siya maunawain.
Maalalahanin.
Hindi niya na alam ang salitang pagmamahal at pagpapatawad.
Lahat sa kaniya ay nagbago na.
Sa paraan ng pananamit niya.
Pananalita.
Pag aayos sa sarili.
At sa pakikitungo niya sa ibang tao.
Bagong version na siya ng Breigh Walkerson.
More fearless and heartless.
Lahat ng tao na naka kakilala sa kaniya ay pansin na pansin ang nangyayaring pagbabago sa kaniya.
Pero alam naman nila na may dahilan kung bakit.
At mas lalong alam ni Breigh yun kung bakit.
Natuto lang siya.
Nagtuto siya na hindi magpakatanga sa mga taong walang maidudulot sa kaniya na mabuti.
At ngayon na babalik siya sa Pilipinas-- isa lang ang gusto niyang mangyari, yun ay ang makapag higanti siya sa lalaking sumira ng buhay niya.
Ang tanging lalaking minahal niya na nagbigay ng sobrang sakit sa buong pagkatao niya.
Gagawin niya ang lahat para makuha nito ang lahat ng gusto niyang makuha mula sa binata.
"I'm coming Castiel-- and I'll make sure, you will regret everything that you've done to me.
Sisiguraduhin kong walang matitira-- because this is my vengeance on you. "Nasambit na lang ni Breigh sa sarili niya at hindi niya napansin na mahigpit pala ang naging pagkapit niya sa ballpen na hawak niya.
.
.