CHAPTER 05
'Not so Nice Talk'
BREIGH’s POV
Maaga akong pumasok dahil marami pa talaga akong kailangan na tapusin lalo na at madami pa akong ia-approve na layout para sa blueprint and sa mga on going na projets kapag umalis na ako. Meron pa din akong kailangan na ma-impake sa mga gamit ko na hindi ko natapos kagabi.
“Tell to my department that we have a urgent meeting today, meet me at the meeting room exactly after 3 minutes.”tuloy-tuloy na sabi ko sa secretary ko ng agad niya akong salubungin sa pathway. Hindi ko lang siya binabatuhan nang tingin at hindi ko na rin hinintay pa ang isasagot niya tsaka tuluyan nang pumasok sa opisina ko.
I just left my bag and phone at my office then grab those important files before I left.
Marami pa rin kasi akong meeting na pupuntahan sa araw na toh.
Pagkatapos ng meeting ko sa department ko ay ang sunod ko namang pupuntahan ay ang mga board of directors and members kaya hectic talaga ang araw na toh para sa akin. Kailangan kong i-discuss sa kanila lahat nang maiiwan ko at ang mga ine- expect kong mga projects na matatapos bago pa ako muling makabalik dito sa California.
Alam ko naman na hindi nila ako bibiguin kasi natatakot sila sa kaya kong gawin. Sa halos isang taon at kalahati na ako mismo ang namamahala nitong kompanya ay kilalang kilala na nila ako. I mean, kung gaano ako ka – competitive, and like what I’ve always said, wala akong pinapalagpas na mga projects.
Pagkapasok ko sa meeting room ay mabilis silang tumayo at binati ako, pinasadahan ko lang naman sila nang seryosong tingin tsaka tuluyan na akong pumasok at umupo. Isa din sa ayaw ko ay yung mas nauunahan ko pa silang dumating sa meeting room-- kaya naman kahit tatlong minuto lang ang binigay ko sa kanila ay nakarating na sila dito.
“Let’s start the meeting.”yun ang agad na sinabi ko kahit na hindi pa ako nakaka upo sa upuan ko tsaka nagsimula na nga kami.
...
...
“Mr. Jameson is our VIP client, as possible as you can, make his projects our first priority. I mean, make sure that he’ll get the full service that he needed.”seryosong bilin ko sa kanila.
“Yes Ms. Walkerson.”sagot ng isa kong staff.
“Dont forget to double check the materials. Its important that its high quality more than as he expected from us.”
“Also, always make sure that the delivery of the materials are on time.
I don’t want to hear bad news when I’m away. Did you all understand?”
Sabay-sabay naman silang sumagot ng ‘Yes Ms. Walkerson’ at ipinagpatuloy ko na nga ulit ang meeting.
“Please take note that I will check the process step by step so I want all the report to be send to me on time even Im on the Philippines -- before and after the results.” Yan lang ang ilan sa mga mahahalaga na bilin ko sa Department ko sa meeting namin.
And almost 1 hour and 45 minutes din ang itinagal ng meeting hanggang sa tuluyan na nga yung natapos.
"Send the minutes to me later. "I said to my Secretary and she just nodded to me.
"The meeting is adjourned."and that's the only sign for them to stand up and left the meeting room.
Nagpaiwan lang ako ng ilang minuto para maayos ko ang ilang sketch and blueprint na dadalhin ko sa Pilipinas para doon na lang ituloy.
Nang tatayo na sana ako para lumabas na rin at nang makapunta na ako sa susunod na meeting ko ay bigla namang may kumatok sa pinto nitong meeting room kaya naglaan ako ng oras para batuhan nang tingin kung sino yun at si Sydney lang pala-- ang secretary ko.
"What? "I asked her.
"Ms. Walkerson, Mr. Arthur Walkerson is here and he wants to talk to you. "She said. Agad ko namang binatuhan ang wrist watch ko para tingnan kung may oras pa ba ako para kausapin si Kuya.
"Didn't you tell him I still have meetings to attend? You know I don't have enough time for that. "I answered her. Nakita ko kasi na halos 2 minutes na lang ay magsisimula na ulit ang panibagong meeting na pupuntahan ko.
"He told me that it will last for just a minute Ms. Walkerson. Do you want me to tell him to come back later after your meetings?"she asked.
Sure naman ako na hindi about sa trabaho ang ipinunta niya ngayon kasi sa pagkakaalam ko ay hindi siya dapat nandito sa kompanya kasi day off niya.
Ano naman kaya ang ipinunta niya dito? Hayss.
"Let him in. "Walang emosyon na lang na sagot ko sa kaniya. Nag bow lang siya sa akin tsaka tuluyan nang lumabas. Hindi ko kasi alam kung kailan pa ako magkakaroon ng oras mamaya kung hindi ko pa kakausapin si Kuya ngayon.
Umupo na lang ulit ako sa swivel chair ko habang hinihintay ko siya na pumasok. Hindi nag tagal ay bumukas na nga yung pinto at pumasok si Kuya Art na may dalang isang white folder.
"Day off mo ngayon diba? Anong ginaga--"
Hindi ko natuloy ang itinatanong ko sa kaniya nang mabilis niyang ibato sa lamesa ang hawak niyang folder na dumulas at tumigil sa mismong harapan ko.
Binatuhan ko ng mabilis na tingin ang folder bago ko ibinalik ang paningin ko kay Kuya.
Ngayon ko lang napansin na iba pala ang ekspresyon ng mukha niya-- para siyang naiinis o galit kaya naman hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo sa pinapakita niyang attitude ngayon at magtatanong na sana ako pero nagsalita na naman siya.
"Anong ibig sabihin niyan?!"may diin na tanong niya sa akin at itinuro pa yung folder.
Huh?
Hindi ko siya naiintindihan.
At dahil naguguluhan ako sa dahilan kung bakit siya ganyan kaya naman tiningnan ko ang nakapaloob sa folder na ibinato niya sa akin.
Binuksan ko yun at nang mabasa ko pa lang ang unang dalawang sentence ay sinarado ko na ulit yun dahil alam ko na ang tungkol doon kasi ako mismo ang nagsulat nito.
"What's the matter? What is wrong with this? "Tanong ko sa kaniya na parang wala lang dahil wala naman akong nakikitang mali sa mga nakasulat na nakalaman sa folder na toh.
Itinulak ko naman pabalik sa kaniya yung folder at sumandal sa pinag kakaupuan ko.
Tiningnan naman niya ako na parang hindi makapaniwala.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!
Anong mali?! Wala ka bang nakikita na mali diyan? "Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Plano ko pa lang yan. Ano bang mali sa mga plano ko?"I answered him.
Ang nakasulat kasi sa folder ay ang plano ko para sa Up Land Company sa Pilipinas kapag bumalik na ako.
"Plano mong ipasarado ang Up Land Company! Yun ang mali!"galit na sabi niya sa akin.
Na pahinga naman ako ng malalim. Dahil lang doon ay galit na galit na siya? Hays.
" Binasa mo ba lahat? As you can see-- PLAN B lang yun para sa akin. "I said.
"Kapag hindi nabawi ang sales dahil sa mga palpak na projects na ginagawa ng mga empleyado doon, mapipilitan akong isara yun at ilipat ang lahat ng shares dito sa International Branch. Walang mali don Kuya. "Sagot ko sa kaniya.
"Alam mo ba kung ilang libong mga empleyado ang mawawalan nang trabaho pag pinasara mo yun? "Galit na tanong niya pa rin sa akin at nasa tono pa rin niya ang hindi makapaniwala.
Tuluyan na akong tumayo.
"Kasalanan naman nila yun, kung inayos sana nila ang trabaho nila nung una pa lang-- hindi ganon ang magiging PLAN B.
And like what I've said, that's only the PLAN B. Malay mo, makabawi pa diba. "Sabi ko at kinuha ko na yung bag at mga gamit ko tsaka naglakad na.
Nang nasa harapan na ako ni Kuya ay tumigil muna ako.
"Hindi charity ang kompanya ko.
Kung gusto nila ng pera, i-earn nila ng tama. Hindi yung ang laki laki ko na ngang mag pasweldo, may 13th month pay tapos palpak naman sila." Seryosong sabi ko sa kaniya habang diretso lang na nakatingin sa mga mata ni Kuya at tuluyan na sana akong maglalakad paalis nang marahas niyang hawakan ang braso ko at mahigpit niya yung hinawakan.
“Alam mo bang hindi magugustuhan ni Dad ang ipinapakita mong yan?”madiin at halos hindi bumubuka ang labi ni Kuya habang sinasabi niya ang mga salitang yun at diretso lang na nakatingin sa akin. Napatigil ako pero hindi din naman nagtagal yun dahil nilabanan ko din ang mga tingin niya.
“Hindi mo yun alam dahil wala na si Dad.
At ngayon, ako na ang CEO ng kompanya kaya ang gusto ko ang masusunod. Hindi mo sana ginive-up ang posisyon kung ayaw mo ang pamamalakad ko.”madiin na sagot ko rin sa kaniya at ako na mismo ang nagpa bitaw ng kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin tsaka tuluyan nang tumalikod at umalis.
Imbis na tumuloy ako sa conference room kung saan alam kong nag hihintay na doon ang mga board members and Directors ay pumunta muna ako sa comfort room, binabati pa ako ng ilang mga empleyado na nakakasalubong ko pero hindi ko magawang pansinin sila dahil sa pagsakit ng ulo ko. Naramdaman ko na rin ang pangingilig ng mga kamay ko kaya naman mabilis ko yung tinago sa bulsa ng suot kong pants. Nahihirapan na rin akong huminga kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makarating na agad sa comfort room at hindi naman nag tagal ay nakarating na ako.
Hindi ko inaasahan na may mga empleyado sa loob noon kung saan napatingin sila sa akin.
“Get out!”madiin na utos ko sa kanila.
“NOW!!!”pagdudugsong ko pa at hindi ko na naiwasan ang paglakas ng boses ko. Mabilis naman nilang kinuha ang mga gamit nila na nakapatong sa may sink at lumabas na.
Ni-lock ko yung pinto at dumiretso sa may lababo at mabilis na binuksan ang gripo tsaka hinugasan ng pa ulit-ulit ang kamay ko habang malalim na humihinga. Madiin ang ginagawa ko at pakiramdam ko ay black out ang isip ko.
Seryoso lang akong nakatingin sa mga kamay ko na pa ulit-ulit ko ding sinabon. Hanggang sa maya – maya pa ay nawawala na ang pangingilig noon pati na rin ang p*******t ng ulo ko. Bumabalik na rin sa normal ang pag hinga ko kaya naman pinatay ko na yung gripo at malalim na bumuga nang hininga.
Hindi ko maiwasan na titigan ang sarili ko sa harap ng salamin.
‘Ngayon ko na lang ulit toh naramdaman.’ Hindi ko maiwasan na sabihin sa sarili ko.
Fuck!
I have panic attacks!
Alam niyo naman na wala akong issue na ganon dati pero ngayon— meron na.
Nagsimula ito noong isang buwan mula nang mamatay si Dad, ako lang ang nakaka alam tungkol sa bagay na toh pati na rin ang private Doctor ko tsaka si Lee.
Hindi alam ni Kuya na may ganito akong nararamdaman, let say na ayaw ko lang talaga na ipaalam sa kaniya.
Noong una ay binalewala ko lang ang mga symptoms like p*******t ng ulo at ang pangingilig ng kamay ko dahil noong mga panahon na yun ay busy na ako sa pamamalakad ng kompanya habang si Kuya ay busy na sa kaniyang binubuong pamilya. Si Lee lang pumilit sa akin na magpa tingin noon sa Doctor kaya nalaman ko at nalaman din niya.
Halos isang taon at kalahati ko na ring iniinda ang panic attacks ko pero nung nakaraan ay hindi ko na yun nararamdaman— ngayon na lang ulit.
Alam ko naman kung ano ang nag trigger sa panic attacks ko ngayon.
Yun ay ang naging pag uusap namin ni Kuya kanina tungkol kay Dad. Kapag ibang tao ang nakaka usap ko tungkol kay Dad ay wala naman akong nararamdaman na ganito, pero kapag si Kuya na--- nag pa-panic na ako. Siguro ay dahil nagi-guilty ako sa kaniya.
Ayaw ko lang ipakita pero nagi-guilty ako dahil simula nang mamatay si Dad, bilang lang sa mga kamay ko ang mga panahon na naisasama namin siya sa usapan namin— alam ko naman kasi na ginagawa niya ang lahat nang makakaya niya para maiwasan na mapag usapan namin si Dad.
Alam kong ayaw niyang maramdaman na sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng sarili kong Ama pero huli na ang lahat.
Dahil alam ko naman na kasalanan ko talaga at walang ibang sisisihin kundi AKO LANG!
Isa din sa nag ti- trigger ng panic attack ko ay kapag naalala ko ng sobra ang nangyari noon sa pagitan namin ni Castiel, lalo na kapag sinasabayan pa ng galit.
Muntikan ko nang ikamatay yun-- actually, dalawang beses na akong muntikan na mamatay dahil kay Castiel.
Iniwas ko na lang ang paningin ko sa salamin tsaka medyo inayos ang sarili ko para makalabas na at makapunta na sa conference room. Wala akong oras para alalahanin ang mga bagay na yun ngayon.
Tutal, hindi din naman magtatagal ay mababawi ko na ang lahat ng sakit kapag nakabalik na ako sa Pilipinas at inumpisahan na ang pagpapapahirap sa kaniya.
.
.