CHAPTER 06
'Reminiscence'
Tahimik lang na umiinom ako ngayon dito sa mini bar ng bahay ko. Halos kakauwi ko lang din galing sa kompanya at katatapos ko lang din kasi na mag impake para sa flight ko bukas. Actually, alam kong hindi ito ang tamang oras para uminom ako kasi maaga pa ang alis ko kaya lang hindi ko talaga mapigilan.
Kailangan ko kasi ng alak para makatulog ako mamaya.
Alam ko kasing hindi na naman ako makakatulog dahil mag iisip at mag iisip lang ako gaya nang ginagawa ko ngayon.
Hindi ko maiwasan na isipin ang naging pag uusap namin kanina ni Kuya sa kompanya at ang nangyari sa akin. Hindi ko alam na aabot sa punto na ganon ang magiging way nang pag uusap namin sa isa’t isa na hindi naman namin ginagawa dati. Pero anong magagawa ko? Tama lang naman ang mga sinabi ko sa kaniya, para sa akin ay walang mali doon.
‘Alam mo bang hindi magugustuhan ni Dad ang ipinapakita mong yan?’
Lihim naman akong napa ngisi nang maalala ko ang mga salitang yun na binitawan niya.
Of course!
Alam ko naman talaga na hindi magugustuhan yun ni Dad.
At alam ko din na hindi naman ako magiging ganito katibay kung hindi pa ko natauhan na AKO— AKO MISMO ANG PUMATAY SA DAD KO!
.
.
FLASHBACK
Two years ago...
“Breigh Ihja, kumain ka naman kahit konti lang para magkalaman ang tiyan mo.”Mahinahon na wika ni Manang Pepa sa akin matapos niya akong dalhan ng pagkain dito mismo sa loob ng kwarto ko.
Hindi na rin ako lumalabas ng kwarto simula ng unang linggo na makarating kami ni Dad dito sa California. Nagawa pa nga ni Dad na papuntahin din si Manang Pepa dito sa ibang bansa sa pag aakala na kakausapin ko ito pero hindi ganon ang nangyari.
Nanatili lang ako dito sa loob ng kwarto ko.
Alam ko na nag aalala sila sa akin ng sobra lalo na si Dad at Kuya. Hindi pa din kasi nila alam kung ano nga ba ang nangyayari sa akin— pero I realized, kahit hindi ko naman sabihin sa kanila ay alam kong alam na nila.
Nang makita ko pa lang ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha ni Kuya nang dumating kami ni Dad dito sa California ay alam kong alam niya na ang dahilan.
Ginawa niya ang lahat ng paraan para kausapin ko siya pero hindi ko magawa.
Ganon din ang ginagawa ni Dad, kinaka usap niya ako tuwing gabi at halos hindi na nga siya nakaka pasok sa opisina para lang alagaan at bantayan ako pero talagang hindi ko magawang kausapin at kahit tingnan man lang silang dalawa.
Nahihiya ako!
Sobrang nahihiya talaga ako!
Hindi kasi ako nakinig sa kanila nung una pa lang sa mga bilin nila sa akin tungkol sa paghahabol ko sa Castiel na yun.
Fuck!
“Sige, iiwan ko na lang itong pagkain mo dito huh.
Para naman kapag nagutom ka ay kakain ka na lang. Please Ihja, kahit konti lang sana ay bawasan mo itong hinanda ko para sa’yo. Para na rin hindi na mag alala ang Dad at Kuya mo sayo.”pagdudugsong na sabi pa ni Manang bago ko naramdaman ang ginawa niyang pag ayos ng kumot ko na nakabalot sa katawan ko.
Nakatalikod kasi ako sa kaniya habang nakahiga kaya naman hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha niya.
Ilang beses niya na ring sinasabi ang mga salitang yun sa akin pero kahit kelan ay hindi ko yun sinusunod. Nang maramdaman ko na nakalabas na siya ay tsaka naman ako dahan-dahang bumangon para i-lock yung pinto kasi base sa narinig ko ay hindi niya yun ni-lock.
Kahit nanghihina dahil ilang araw na ring walang laman ang tiyan ko ay kinaya ko naman na maka- lakad.
Ni-lock ko lang yun pero bago pa man ako makatalikod upang bumalik sa kama ko ay narinig ko pa ang boses ni Manang sa labas.
“Hindi pa rin siya kumakain Louise, pero iniwan ko naman sa loob ang pagkain niya para kapag nagutom siya ay kakain na lang siya.”mahinang wika ni Manang. Si Dad ang kausap niya kahit na dapat ay nasa kompanya siya ngayon.
Ganon na rin kasi ang naging cycle dito sa bahay.
Kapag si Dad ang nasa kompanya ay si Kuya naman ang nagpapa iwan dito— palitan lang sila.
“Pero ilang gabi niya nang hindi ginagalaw ang pagkain niya Manang. Nag aalala na ako sa kaniya.”sagot din ni Dad.
Base sa tono nang pananalita niya ay parang pagod na rin siya at alam kong ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa akin.
“Iniinom naman niya yung mga binibigay kong energy drinks kaya kahit papaano ay hindi siya magkakasakit.”sagot pa ni Manang.
Hanggang doon na lang ang pinakinggan ko dahil nararamdaman ko na rin ang pangingilig ng tuhod ko sa tagal nang pagkakatayo ko.
Tama naman si Manang.
Umiinom pa rin naman ako nung energy drinks na binibigay niya kaya nakayanan ko ang halos mag li-limang araw na walang pagkain— pero alam ko naman na hindi yun sapat para sa katawan ko kaya nanghihina ako.
Bumalik na lang ako sa pagkakahiga sa kama ko at napatingin sa kisame.
Naramdaman ko ang sunod-sunod na naman na pagpatak ng luha ko at ang sakit ng dib-dib ko. Ganito lang ang lagi kong nararamdaman, para bang awtomatiko na ang mga luha ko kaya tumutulo sila anytime.
Para ding hindi na tumatalab sa akin ang sleeping pills na iniinom ko kaya hirap na rin akong makatulog.
Hindi nagtagal ay biglang may kumatok sa labas ng pinto ko kaya naman awtomatikong pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Nakalimutan ko na ni-lock ko nga pala yun kaya alam kong hindi sila makakapasok.
“Breigh, anak? Kumain ka huh, aalis na ako- parating na rin ang Kuya mo mamaya. Please, talk to him. Talk to us.”malambing na wika ni Dad sa labas ng pinto kaya hindi ko maiwasan na mapa-iyak ulit. Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko para mapigilan ang mga hikbi ko at nang hindi niya marinig.
Alam kong nahihirapan na sila sa sitwasyon at alam kong pagiging selfish na naman itong ginagawa ko pero hindi ko pa talaga sila kayang harapin.
‘Sorry Dad.’ Tanging na sambit ko na lang sa sarili ko.
Maya maya pa ay wala na akong salita na narinig kaya panigurado na naka alis na si Dad. Hindi ko na rin namalayan na naka tulog na ako mula sa pag iyak at siguro dahil sa sobrang pagod na rin.
~ ~ ~
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero alam kong nagising ako dahil sa lakas ng mga boses na naririnig ko mula sa labas ng pinto.
“I SAID GIVE ME THE KEYS!”isang boses ng lalaki ang narinig ko.
Alam ko na hindi si Dad yun o si Kuya kaya dahan-dahan akong napa bangon mula sa pagkaka higa ko, hanggang sa narinig ko na ang pagka- unlock ng pinto ko. Hindi nag tagal ay pumasok na ang isang galit na galit na ekspresyon ng matandang lalaki— sino pa ba, edi si Chairman. Wala akong maramdaman na kahit anong kaba nang makita ko siya kaya naman binatuhan ko lang siya nang hindi interesadong mga tingin.
“Sir please, tama na po.”rinig kong saway ni Manang Pepa kay Chairman pero hindi siya naman nagpa pigil dito. Agad niya ako tinuro.
“WHAT THE HECK ARE YOU DOING TO YOURSELF ETERNITY! Akala mo ba hindi makakarating sa akin ang balita kung anong nangyayari sayo? Kahit ipilit na itago sa akin ng Dad at Kuya mo ang lagay mo ngayon ay malalaman at malalaman ko pa rin yun.
NOW! ARE YOU JUST GOING TO LOCK YOURSELF HERE? Wala ka namang ibang sisisihin kundi ang KATANGAHAN MO! YOU ARE STUPID TO LOVE THAT GODDAMN MAN! AND NOW YOU ARE ACTING LIKE A LOOSER? WELL, YOU BETTER FIX YOURSELF BECAUSE I DONT WANT TO SEE THAT HYPOCRITE FACE OF YOURS! PULL YOUR SELF OR I’LL PULL YOU OUT FROM THIS FAMILY!”galit na galit na wika niya tsaka marahas na siyang lumabas ng kwarto ko.
Agad naman akong nilapitan ni Manang at nang uupo na sana siya sa extra edge ng kama ko ay agad akong humiga sa kama ko tsaka mabilis na ibinalot sa buong katawan yung kumot.
Malalim ang mga binubuga kong hininga dahil parang nahihirapan akong huminga dahil sa galit na nararamdaman ko ng mga oras na yun.
"Breigh Ihja, wag mo na lang pansinin ang Lol--"
"Gusto kong mapag isa. Umalis na kayo! "May diin at walang emosyon na sambit ko sa kaniya.
Ayoko nang kausap!
Kahit hindi ko nakikita si Manang ngayon ay alam kong lumabas na siya ng kwarto dahil sa narinig kong pagsarado non at pagka lock.
Napalunok ako ng laway.
Wala akong maramdaman na kahit ano.
Para bang wala din akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko.
Wala akong pakialam kung ang sama-sama ko na sa mga mata nila.
Nasasaktan ako at yun lang ang tanging alam ko.
''Wala ka namang ibang sisisihin kundi ang KATANGAHAN MO!'
Tama si Chairman.
Wala naman talagang ibang sisisihin kundi ang sarili ko. ANG TANGA TANGA KO!
Sinabihan niya na ako dati tungkol sa bagay na yun pero hindi ko siya pinaniwalaan.
He's right. 'Loving a man that you dont know if he will love you back is like a tragedy. And a tragedy always ends up with sad scenarios. '
Wala nang mas lulungkot at mas sasakit pa dito sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Parang hindi ko na makakalimutan ang sakit-- pakiramdam ko ay dala dala ko na toh hanggang sa mamatay ako.
Huminga ako ng malalim at unti unti ko nang tinanggal ang pagkaka tabon ng kumot sa akin.
I pulled myself to sat down at my bed.
Dahan dahan kong binuksan ang maliit na drawer ng bedside cabinet ko at doon ko nakita ang maliit na bote na pinaglalagyan ko nang sleeping pills.
Inabot ko yun.
Alam kong kagigising ko lang kaya siguradong mahihirapan akong makatulog -- pero hindi ko naman kayang isipin nang isipin ang mga nangyari lalo na at dumagdag pa si Chairman. Kaya naman kailangan kong makatulog ngayon, mas mabilis- mas maganda.
Marahas kong binuksan ang takip ng bote na hawak ko at naglabas ng isang pills. Nang aktong iinumin ko na sana yun ay napatigil naman ako.
Naalala ko kasi na hindi na nga pala masyadong tumatalab sa akin ang sleeping pills na toh.
Out of thinking ay nagtaktak pa ako ng pills sa kamay ko. I lost count kung ilan ang lumabas doon dahil mabilis ko yung inilagay sa bibig ko tsaka uminom ng tubig.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin after noon pero ng mga oras kasi na yun ay parang mas pipiliin ko na lang na mawala sa mundo kaya halos wala na rin akong pakialam.
Ipinatong ko na lang sa ibabaw ng cabinet yung bote at nahiga na sa kama.
Hindi nagtagal ay nakaramdam na nga ako ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong napapikit.
Nagising ako na para bang ang tagal kong nakatulog. Halos hindi ko pa nga maimulat ng maayos ang mga mata ko at kahit anong pilit ang gawin ko para galawin ang mga kamay at paa ko ay parang nanghihina ako.
Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at hind nagtagal ay may agad na humawak ng kamay ko.
"Breigh? Are you really awake? "Narinig kong wika ni Kuya Art sa may gilid ko na parang hindi siya makapaniwala.
Gusto ko siyang sagutin ng 'oo' pero wala talagang lumalabas na salita sa bibig ko. Parang nawawala ang boses ko. Doon ko lang din namalayan na wala ako sa kwarto ko at para bang nasa isang ospital ako.
Narinig ko ang malakas na pag bukas ng pinto sa may kanan ko at napansin ko ang mabilis na pag tingin doon ni Kuya.
Kahit halos hindi ko pa maigalaw ang katawan ko ay pilit ko yung inilingon sa kabila para makita ko kung sino yun.
At si Chairman yun.
Bago ako matulog ay siya ang nakausap at nakita ko-- tapos ngayon naman na pagkagising ko ay siya pa rin? Hayys. Ano ba namang buhay toh.
Hindi pa din nawawala ang galit na galit na ekspresyon niya habang nakatingin siya sa akin.
Hindi nagtagal ay nawala ang tingin ko sa mukha ni Chairman dahil napalitan yun ng likod ni Kuya Art dahil sa ginawa niyang pag harang dito.
"Please Chairman, wag ngayon.
Mahina pa si Breigh-- kagigising niya lang. "Rinig ko na pagmamakaawa ni Kuya Art at para bang desperado siya sa ginagawa niya.
Napakunot ang noo ko dahil doon.
Anong ibig niyang sabihin na kagigising ko lang? May nangyari ba na hindi ko alam?
"GET OUT ON MY f*****g WAY ARTHUR! "biglang sigaw ni Chairman kay Kuya.
Gusto kong umupo sa pinag kakahigaan ko para harapin sila o di kaya naman ay awatin sila pero hinang-hina talaga ako. Para akong lantang gulay ng mga oras na yun.
Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin lang sila na nagtatalo sa harapan ko.
"Please lang po Chairman, ako na lang po ang kakausap sa kapatid ko.
Parang awa niyo na. "Pagmamakaawa na wika pa rin ni Kuya dito.
Ilang segundong walang nagsalita sa pagitan nila na para bang nag tititgan lang silang dalawa hanggang sa hindi nag tagal ay tumalikod na si Chairman at walang salita na umalis.
Narinig ko ang pag buga nang hininga na ginawa ni Kuya tsaka siya humarap ulit sa akin at lumapit.
Pilit siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Magpahinga ka na lang muna ulit Breigh. Kailangan mong bawiin ang lakas mo. "Mahina at malambing na sabi niya sa akin kaya hindi ko maiwasan na titigan ang mukha niya.
Doon ko napansin ang pagod na ekspresyon niya at ang lalim ng mata niya na para bang halos ilang araw na siyang walang maayos na tulog.
Gusto kong magsalita ulit pero hindi ko talaga magawa hanggang sa pumikit na lang ulit ang mga mata ko at hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari.
Pagkagising ko ay hindi ko alam kung gaano ulit ako katagal na nakatulog.
Basta ang alam ko lang ay walang tao akong kasama sa loob ng kwarto na yun. Alam kong kaya ko nang igalaw ang mga kamay at paa ko kaya naman wala akong sinayang na oras para bumangon na.
Nakaramdam kasi ako ng sobrang pagka uhaw kaya lang wala naman akong nakitang tubig sa loob ng kwarto ko kaya naman naisipan kong lumabas para humingi ng tubig sa kung sino mang nurse ang makakasalubong.
Unti-unti lang ang ginawa kong paglalakad dahil medyo nanlalambot pa ang mga tuhod ko.
Nakaka ilang hakbang pa lang ako at halos dalawang kwarto pa lang ang nalalagpasan ko ay hindi ko maiwasan na mapatigil nang makita ko ang mga sunod-sunod na nurse na nagpapasukan sa pang apat na kwarto na para bang nagmamadali sila at nagkaka gulo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at dahil madadaanan ko ang pang apat na kwarto na yun kaya hindi ko mapigilan na silipin muna ang loob noon.
Nakita ko ang apat na nurse na nakapalibot sa kama at isang Doctor na para bang nag a-undergo ng defibrillator sa kaniyang pasyente.
Hindi ko alam kung bakit nag stay pa ako dun habang pinapanood ang mga nangyayari kahit na pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko sa sobrang pagka uhaw.
Tahimik lang akong pinapanood ang ginagawa nung Doctor hanggang sa hindi ko maiwasan na mapatigil nang mapansin ko na tumigil na siya sa ginagawa niya.
"Time of death 11:46 AM. "Malamig na tonong wika niya na para bang may tiningnan siya sa may kanang bahagi ng silid na hindi ko nakikita dahil hindi naman nakabukas yung pinto.
I just witnessed someone died.
Huminga na lang ako ng malalim at nagsimula nang malakad ulit.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng--
"I'm sorry for your lost Mr. Walkerson. "
"D-Dad?!! "
Parang napako ako sa pinagkakatayuan ko nang marinig ko ang salitang 'Walkerson' ganon din ang pamilyar na boses nang nagsalita ng 'Dad'.
Dahan-dahan akong humarap ulit para bumalik at tingnan kung sino ba ang nasa loob ng kwartong yun. Hindi pa man ako nakakapag simula sa paglalakad ay bumukas na yung pinto at naglabasan na ang mga nurse na pumasok doon kanina. Nakakuha ako nang pagkakataon para mas makita ang mga tao sa loob non.
Naglakad ako palapit at halos tumigil at gumuho ang mundo ko nang makita ko si Dad na nakahiga sa kama habang yakap yakap siya ni Kuya at umiiyak.
Nakita ko din ang pigura ni Chairman na nakatalikod habang nakayuko sa harap ng bintana sa kwartong yun.
"Dad! Please, wake up! "Pagmamakaawa ni Kuya habang sobra pa rin ang pag iiyak niya.
A-anong ibig sabihin ng mga nangyayari?
"Please let me know if you both ready for cremation. "Sabi ng Doctor.
Dahil sa narinig ko kaya doon pa lang nag sink in sa utak ko ang mga nangyari. Hindi ko maiwasan na maitakip ko ang dalawang kamay sa bibig ko sa pagka bigla.
Unti-unti akong pumasok sa loob at yung Doctor ang unang nakapansin sa akin.
"D-dad?"mahinang banggit ko at alam kong tutulo na ang luha ko pero nahinto yun nang mapansin ko ang mabilis na paglapit ni Chairman sa akin at marahas niyang hinila ang kamay ko paharap tsaka isang napakalas ng sampal ang natanggap ko mula sa kaniya na naging dahilan nang pagbagsak ko sa sahig.
"Chairman! "Rinig kong wika ni Kuya at naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa pwesto ko at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Please, dont do this to her. "Nagmamakaawa na wika ni Kuya kahit na umiiyak pa rin siya. Dahan-dahan ko namang inangat ang paningin ko kay Chairman kung saan nakatingin siya sa akin ng galit na galit tsaka niya ako itinuro.
"YOU ARE THE DISGRACE OF THIS FAMILY! YOU ARE THE REASON WHY MY SON DIED! "sigaw niya na nagpatigil na naman sa takbo ng oras ko.
A-anong ibig niyang sabihin?
"Please Chairman! Enough! NOT NOW! "Malakas na rin na wika ni Kuya.
END OF FLASHBACK
"AHHHH! "Malakas na sigaw ko at hindi ko maiwasan na maibato sa pader ng sala ang hawak kong champagne glass at narinig ko na lang ang pagkabasag noon.
Naalala ko na naman ang lahat.
Yeah! Now you know-- na wala talagang ibang sisisihin sa pagkamatay ni Dad kundi ako lang.
Inatake sa puso si Dad nang malaman niyang nadatnan ako ni Kuya ng gabing yun na walang malay sa kwarto ko matapos kong uminom ng madaming sleeping pills. They thought, nagpakamatay ako.
Sabi ng Doctor, I just drunked almost 9-12 capsule of Ambien that can cause of overdose. Malapit na daw akong mamatay kaya mas lalong lumala ang kalagayan ni Dad.
The bad thing here is-- hindi man lang alam ni Dad kung nabuhay nga ba ako matapos niyang mamatay.
Sobrang nakakatawa ang buhay ko noh.
Ako na ang pinakamalas na tao ng mga oras na yun at parang gusto ko na lang mamatay pero NO! I decided to pull myself up and be a better version of my old self-- at wala akong pinagsisisihan sa pinili ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko na pumatak at sa mismong bote na lang ako uminom.
Ayaw ko nang maalala ang mga nakaraan. Kailangan kong pagtuunan kung paano ko maibabalik ang dati kong buhay sa hinaharap at alam kong makukuha ko lang yun kapag na pahirapan ko na ang taong naging dahilan nang pagkasira ng buhay ko.